Publishing Advices from Direk_Whamba

4.9K 150 16
                                    

Publishing Advices from Direk_Whamba

Hindi po ako isang best-selling author (but I’m hoping), I just thought I’d let you know something about being a published author.

First of all, magpa-publish ka lang kung alam mo sa sarili mo na ready ka na at ready na rin ang kuwento mo. Meaning tapos na iyan, and if possible, naedit mo na at wala nang typo. But don’t worry much about typos. Some publisher offers proofreading.

What do I mean ng ‘Ready ka na’?

Ready ka na na maging published author kapag strong na ‘yung drive mo. Be honest with yourself. Some of you are in denial. Bakit si ganito, nakapagpublish na, eh sa mas marami ang reads ng story ko kumpara sa story niya?

That thinking also happened to me. Ngayon, kung sa tingin ko ay may ‘K’ rin naman ang istorya mo na puwedeng ihanay sa mga works ng iba pang published author, then submit a story to a publisher.

Ito ang rule, dear: HUWAG MONG HINTAYIN NA PUBLISHER ANG LUMAPIT SA IYO. IKAW ANG LUMAPIT SA PUBLISHER.

Why? At this early stage, what you’re doing is selling your story DAHIL decided ka na. Lakasan ng loob ito. Hwaiting!

And after story submission, expect long time waiting for feedback. Hindi ko na i-e-elaborate ang mga bagay na ito dahil may gumawa na nu’n.

ON SIGNING A CONTRACT:

What is a bad contract and what is a good contract?

IMO, there’s never been a good contract and a bad contract. You shouldn’t think that way lalo na kung pasimula ka pa lang sa industriya. (although there came a time when I thought I’m in a bad, and I take it back)

May contract na sa tingin ng ilan ay mas nagbebenefit ang publisher kaysa sa author.

May contract na binibili ang full rights ng story at wala ka nang say doon.

May mga nagsasabi na dapat makuha ng author ang lahat ng demands niya.

May mga nagsasabi na dapat author ang dapat na magbenefit.

But what is the real bottomline?

Kung hindi mo tatanggapin ang contract, may ibang willing tumanggap niyan.

A decilined contract is a decision. Pero hindi lahat nabibigyan ng next time.

Every contract existed with a purpose, otherwise, it doesn’t exist.

Just remember, kapag nakuha mo ang lahat ng demands mo, asahan mong malaki ang expectation sa iyo. There will be a time na mahihirapan kang humirit lalo na kapag hindi ganu’n kaganda ang benta mo.

May contract naman na sa tingin ng iba ay hindi beneficial as an individual, pero kung titingnan mo, working siya for the whole group. It is a strategical way to lower the prices. More buyers will still go for good price considering our economy. In the end, everybody happy.

So, ang payo ko, kahit saang publishing company ka man mapadpad, hindi mawawala ang pros and cons. Walang perfect contract. Ang importante lang ay alam mo at naiintindihan mo ang pinasok mong kontrata at huwag basta pirma nang pirma.

For beginner contract-holders, huwag mo munang isipin kung ano ang magagawa ng contract para sa iyo, (though it is still as important) just do your part to fulfill your equal share. After all, it is a joint-agreement.

Question: Masaya ka ba sa naging contract mo?

Answer: Yes. Marami ang nagtatanong dahil nagbenta ako ng full rights ng book ko. It is fine with me. Hindi ako ‘yung tipong ‘masabi lang na published author’ kaya nagpa-publish. I want a job with it, and I want to grow as a pro. Mahal ko ang story ko at ang mga characters ko… pero hindi ko sila bubulukin sa kloseta ko. Ang purpose ng pag-wawattpad ko ay ang pagshe-share ng thoughts ko thru my stories.

Kung hindi sila mabenta sa taste ng ibang readers, may possibilities na mawala sila sa market as paperbacks… well atleast nalaman ko ang katotohanan nang actual. And atleast, I have my own paperback for keepsake… PLUS… pumayag ang publisher ko na iretain ang mga drafts ko. That is enough for me. Maikakalat ko pa rin ‘yung story hanggang sa dumating ‘yung time na maging in-demand ulit.

So, ayun. Goodluck to your writing career J

Writing Tips and Advices by WhambaWhere stories live. Discover now