Tips and advices for writing Action stories

6.2K 126 18
                                    

*Is a repost

This is not a guideline so may choice po na wag sundin ito since ito po ay tips. Its was self-formulated by me, based on writing several Action scenes from my stories.

Marami pong classification ng action stories. Unahin po nating ihiwalay ang fiction action at non-fiction action.

Magsimula po muna tayo sa non-fiction action, bukas po sa fiction.

So non-fiction action, ito yung involving fight scenes na makatotohanan. Saan po madalas may fight scenes kapag ang story ay non-fiction?

*Gangster stories/ or kung sadyang basag-ulo lang ang bida

*Secret angents/ anything related to police/military

*Martial arts related

*Habulan

Himayin pa po natin yan. Always remember, hindi porket walang bugbugan ay di na pwedeng maging action. Mayroon pong passive and active action plot.

Active- pisikalan. The most common plot under 'action genre'

Passive- tactician. Ito yung mapamaraang aksyon kung saan gumagamit ng mentalidad ang characters at ng environment. Pwede mo rin itong sabihing silent war. Depende po sa sitwasyon.

*Hindi lang katawan ang involve sa action, laging kasama diyan ang environment. Ano ang dapat isaalang-alang sa setting?

1. Kung saan magpapang-abot ang magkalaban, alamin kung gaano karami ang mga sibilyan sa paligid nila. Kung nasa pampublikong lugar halimba nagkabarilan, iwasang magmelt sa background ang mga tao. Pwede mong sabihing nagkagulo, nagtakbuhan, hanggang sa mawala. May ilang natamaan ng ligaw na bala.

2. Dapat alam mo kung ilan ang kalaban at pati na kung ilan ang bida sa fight scene nang hindi iyon direktang ipinaaalam sa readers. Alam mo yung sequence ng mga mamamatay, at kung kelan yung right momentum na magwawagi si bida. Kahit gaano pa kasalimuot sa loob ng story mo, importanteng ultimo kaliit liitang details diyan patungkol sa oras at lugar ay alam mo KAHIT na hindi necessity.

****

Tip: Mas maganda sa isang story na binibitin ang fight scene kesa tinatapos ito. Pero mas applicable yun sa novel. Nagkakaroon ng craving ang readers to find out kung sino na ang mas malakas the next time na magharap ulit yung dalawang magkalaban.

Kung sa short story, posible iyon pero kailangan may gawin ka sa ending na hindi mapapa- 'oh yun na ba yun?' ang reader.

Once na tinapos mo ang fight scene (again, depende ito) dalawa lang ang outcome- matatalo o mananalo si bida. In a more brutal scene, mas marami ang possible outcome:

mamamatay si bida

may namatay na malapit sa kanya

Writing Tips and Advices by WhambaOnde histórias criam vida. Descubra agora