HOW TO NAIL SPONTANEOUS WRITING

13.8K 605 88
                                    

Spontaneous Writing


*NOTE:
This does not dictate your way of writing. This is a TIP. Kaya the choice is yours, wether to follow it or not.


Buenvenue! Direk_whamba is back for some more tips and advices, and this is about Spontaneous Writing.


Hirap kang makapag-update dahil busy ka. Maraming assignments, chuchu. Chill. Kung ikaw ay busy person, MAS LALONG you should follow a strict updating schedule. Ikontrata mo ang sarili mo. Gaano ba kaimportante sayo ang pagsusulat para paglaanan mo ng portion ng iyong hectic sched?


*Busy much talaga? Update atleast twice a week.
*Sakto lang? Update 3 times a week.
*Maluwang? Update every other day.
*Like a boss? Update everyday!


Follow your own schedule. Wag mong isiping hindi mo kaya kung hindi mo pa nagagawa. I did it, and I know you can.


Marami kang naiisip na idea pero kapag isusulat mo na, wala na or hindi mo mai-put into words. Do not spend the whole day TRYING to write something. Typing an update of 1500-1800 words only recquires a maximum time of 3hrs and minimum of 1hr 45mins. Inoorasan ko ang pagtatype ko dahil need ko rin ng oras na matitipid ko kapag maaga akong natapos.


Spend your day processing the update while YOUR LIFE GOES ON. Wag mong ititigil ang mundo mo para sa kapakanan ng paghugot sa kawalan ng 1500words update. Marami kang mapupulot na pandagdag UD sa loob ng 12hrs mong pamumuhay ateng/kuyang. Manood ka ng news pati drama at mga documentaries.


Let's go to 'WHAT'S THE REAL SPONTANEOUS'.


Okay so magsisimula ang lahat mula sa isang ideya.


E. G. Sinipa ni Coleen si Surtyr.


I wrote:


Coleen's POV:


Inis na ako kay Surt kaya sinipa ko siya! Ang kaso mo nailagan niya!


"Uy, bakit ka naninipa? Inano ba kita?"


*Kung nasuya ka na agad sa eksena, bakit hindi ka magpasok ng ibang character sa eksena?


"—BESSSSY NAMISS NA KITAAAA~" ay bwiset. Dumating si Serenity ngayon pang gusto kong mambugbog!


*Make use of the environment!


Dineadma ko si Serenity dahil gusto ko nga kasing saktan si Surt. Binuhat ko ang mesa at ibinato nang solid sa kanya!


Whack!


*Wag kalimutan ang internal dialogues! Para saan pa at 1st person ito daba?


Hmp. Ang dali lang para sa kanya na ilagan yun?!


Magaling. Siya na nga si dodge king!


*Kung said ka na talaga, change POV


Surtyr's POV:


Whack!


*Rewind what happened pero wag talamak para hindi nakakasuya. Pumili ka lang ng mga eksena kung saan mo yun gagawin.


Bigla ba naman akong binato ni Coleen ng mesa! Buti na lang nakailag ako! Ano bang problema niya?!


Ligtas na ba? Wala nang solid object sa paligid niya. Pwede na akong lumapit.


*Ipasak ang tungkol sa napanood mo sa news!


"Masyadong mainit ang ulo mo. Gusto mong pumunta sa Christkindl market dun sa Pasay? Malamig dun, saka maraming pagkain." sabi ko sa kanya.


*Oops, wag mong kakalimutan na tatlo ang tao sa scene.


Lumapit samin si Serenity. "UUUY SAMA NAMAN AKO! Tamang tama pwede ako dung magchristmas shopping!"


*Laging maglalagay ng essence ng kwento. Tungkol saan ba ang kwentong ito? Tungkol sa vampires di ba? Para hindi maligaw ng genre.


Mabuti pa ang mga tao, may panahon pa para magdaos ng mahabang holiday, samantalang kaming mga bampira, laging nasa labanan. Kailangan pa naming makihalubilo sa mga tao para lang maexperience ang mga festivities na dinadaos nila...


**Oha... Mula sa isang simpleng ideya, mapapalawig mo yun hanggang sa maging kwento na.


Another tip bago ako mamaalam, read lots of dictionaries. Tagalog-English, pati thesaurus.


Kapag marami kang words na alam, marami kang maisusulat. Minsan kasi tinatamad kang mag update pag nasusuya ka sa paulit ulit na paggamit ng words dahil limited lang ang vocabulary mo.


E.g. Ang naiisip niya ay naiisip ko rin. Iniisip ko nga kung tama ba kami o tama yung kalaban.


Using rich vocabulary: Ang naiisip niya ay sapantaha ko rin. Batid ko nga kung tumumpak ba kami o tama yung kalaban.


*Ang mga pandugtong (sorry hindi ko na maalala ang tamang term) gaya ng at, pero, etc ay gamitin STRATEGICALLY. WAG ADIKIN.


Wag kang puro Pero.


E.g. Pero kumain na ako. Eh pero paano pag nagutom ulit ako?! Ahhh kakain na lang uli ako mamaya pero problema ko wala na kasi akong pera eh.


Writing it the other way: Pero kumain na ako. Eh ang kaso mo niyan paano pag nagutom ulit ako?! Ahhh kakain na lang ulit ako mamaya, yun nga lang, problema ko wala na kasi akong pera eh.


Okay... Hanggang dito na lang muna. These are strategies. Mas importante pa rin above anything else ay ang enjoyment at satisfaction mo pag ikaw ay nagsusulat.


Gaya ni direk_whamba, kaya niya tinawag ang sarili niyang 'direk' ay feeling niya nagdidirek siya ng isang soap kahit through writing lang.


Hindi lahat ng bagay ay maisusulat mo, pero atleast 97% kayang kaya mong isulat ang imagination mo.


Pag magsusulat ka, dont say 'I can't write it' always say 'I dont see why not!"


And one more thing, if writing, sana sinusunod natin ang tamang CAPITALIZATATION and PUNCTUATION. Kung hindi maiiwasang sumuway dito (gaya ko) do it atleast 50% correct.


Read your own work. Your first reader should be you. Tapos itanong mo sa sarili mo, 'Ito ba yung gusto kong basahin? Kalevel ba to ng gawa ni HaveYouSeenThisGirl? Maipupublish ba to gaya ng work ni Alesana_Marie?'


Wag kang matakot icompare ang sarili mo sa mga sikat. Hindi ka nila lalamunin ng buhay. Gawin mo silang ultimate inspiration.

May peace be with you always. Haha!

direk_whamba


Writing Tips and Advices by WhambaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ