-Chapter 2-

278 35 0
                                    

Coleen's POV :

Nakarating ako sa bahay nila ate Sheki dahil magse-celebrate kami ng birthday nya. Kasama ko ang boyfriend ko na si Gelo sa pag-attend ng party.

"Oh, Coco! Ba't ngayon ka lang?" Tanong ni ate Brie sakin.

"Sorry talaga.. Di ko namalayan yung oras." Sabi ko.

"Sige na, puntahan mo na yung ate Sheki mo dahil kanina pa yun nagtatampo sayo." Sabi nya sakin.

"Sige, thank you." Sabi ko.

Pinuntahan naming dalawa ni Gelo si Ate Sheki at niyakap ko sya at sabi, "Happy birthday." Sabay bigay ng regalo sa kanya.

"Coco, ha! Nakakalimutan mo na birthday ko." Sabi nya sakin at halatang nagtatampo.

"Sorry na.. Nakatulog ako at di namalayan yung oras." Sabi ko na parang bata na humihingi ng candy.

"Sige.. Patatawarin kita ngayon. Akala mo ha." Sabi nya sakin at nagsmile sya.

Naabutan kami ng 10:32 sa bahay nila, yung ibang bisita ay umalis narin.

Kami nalang ang natira dun.

"Guys! How about we play some games?" Sabi ni Ate Aly samin.

"Games? Anong Games?" Tanong ni ate Sheki.

"How about truth or dare?"

"Game ako!" Agad kong sinabi sa harap nila.

"Okay." Sabi ni ate Sheki.

Umupo ang mga ate sa sahig at nag form kami ng circle.

Nagspin si ate Brie ng bote at hinintay naming kung kanino ito tututok.

At nagstop ito kay Gelo.

"Oh! Gelo!" Sabi nila.

"So ano, babe. Truth or dare?" Tanong ko kay Gelo.

"Truth." Sabi nya na may smile.

"Sige, ako magtatanong." Sabi ni ate Sela.

Nagready kaming lahat kasi nakakatakot syang magtanong.

"May nangyari na ba?" Tanong nya sa mapang-asar na mukha.

Pareho kaming nagulat ni Gelo at tumawa nalang kaming lahat.

"Ikaw talaga Sela, bunganga mo." Sabi ni ate Brie sa kanya.

"Bakit? Yun naman lahat ginagawa ng magjowa diba?" Sabi nya.

"Ate.. Hindi pa ngayon.. Di pa pwede." Sabi ko sa kanya at natatawa nalang ako.

"Oo ate.. Di pa pwede. May future pa kaming hinahabol ni Coleen." Sabi ni Gelo in a sincere expression.

"Sana all!" Hiyaw ng lahat samin.

"Okay, move on!" Sabi ni ate Aly.

They spin the bottle again.

At humarap ito sakin.

"Oh! So, ano? Truth or dare?" Sabi ni Ate Sheki.

Isip ko na kapag pinili ko ang Truth ay masyadong boring yung magiging tanong so I will choose dare.

"I choose dare." Sabi ko.

"Sige, dare... I dare you to be Gabb's girlfriend!" Sabi ni ate Cole.

Lahat kami ay nagulat sa dare nya.

"Ano!! Yung Gabb na yun!! No way!!" Sabi ko.

Malamang magre-refuse ako kasi hindi naman maganda ang status ng Gabb na yun sa iba tapos idi-dare ako na maging girlfriend nya?!

"Bakit hindi.. Or, you liked that weirdo?" Sabi nya.

"Malamang hindi... Ano naman makukuha ko kapag naging girlfriend ko sya?" Tanong ko sa kanya.

"10,000 bawat isa sa amin. Kapag successfully mong natapos ang 50 days. Well, you won the bet." Sabi nya sakin.

"Ate, alam mo naman na ayaw ko sa mga ganitong laro, diba?" Sabi ni Gelo sa seryosong mukha.

"Balita ko kasi, matalino yung Gabb na yun. Ayaw mo yun, may taga answer ka na ng assignments mo." Sabi nya.

"Oh! Sakin nalang yung dare na yan." Sabi ni ate Sheki.

"Plano nyo talagang lahat to ha?" Sabi ko na nakangiti.

"Oo naman." Sabi nila.

Tumango ako at sabi, "Ako ata si Coleen Trinidad. Walang dare na inuurungan, kaya I agree to it." Sabi ko kasi 50 days lang naman.

Sayang din yung 10,000 na makukuha ko sa kanilang lahat. Kung hindi lang ako tinanggalan ni papa ng credit card, magre-refuse ako sa dare na yun.

There's no destiny on us | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now