-Chapter 13-

270 27 4
                                    

Gabb's POV :

Di ko makita ang sasakyan ni Gelo, pilit kong hinahanap ang sasakyan nya. Pero napahinto ako nung makita ko ang mga kaibigan nya sa tabi ng daan.

Huminto ako at lumabas sa sasakyan.

"Diba kayo ang kaibigan ni Gelo?" Tanong ko sa kanila.

"Oo, hindi nga namin mahanap si Gelo." Sabi ng isa (Si Akira yung tukoy nya, di nya kasi alam ang mga pangalan nila.)

"Bakit, saan ba sya dumaan?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi nga namin alam Gabrielle, bigla nalang syang nawala." (Sabi ni Mikki)

Biglang may tumawag sa cellphone ko kaya sinagot ko ito.

"Hello?" Tanong ko.

"Gabb! Gabb!" Rinig ko si Gelo, sigaw ng sigaw.

"Gelo?!" Nagaalala kong tanong.

"Si Gelo?" Tanong nila.

"Gabb, tulong. Kinidnap ako ni Charlie!" Sabi ni Gelo sa telepono.

"Maari mong iligtas ang sarili mo, kung hindi mo ililigtas ang taong iyon?" Naalala ko bigla ang sabi ng matanda sakin.

Ang tinutukoy ba ng manghuhula ay ang kapatid ko?

Hindi pwede to. Bakit si Gelo pa?

"Ikaw ba si Gabb?" Boses ng lalaki ang narinig.

"Hayop ka, ibalik mo kapatid ko!" Galit kong sambit sa kanya.

"Ibabalik ko sya, pero bigyan nyo ako ng 70,000."

Nagulat ako sa sinabi nya.

"Ano? Nababaliw ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Wala akong paki sa sasabihin mo, basta mabigay mo ang hinihingi ko sa loob ng 2 hours. Magbibigay ako ng location kung saan mo maliligtas ang kapatid mo." Sabi nya.

"Sige.. Payag ako." Sabi ko.

Binaba nya ang tawag at tumingin ako sa mga kaibigan ni Gelo.

"Kailangan ko tulong nyo."

"Bakit anong sabi ni Gelo?" (Tanong ni JL).

"Kinidnap daw sya ng Charlie, di ko alam kung tama ba yung pangalan?"

"Tama! Si Charlie yung pinagkautangan ni Gelo ng 30,000." (Sabi ni Akira).

"30,000? Para saan?" Tanong ko.

"Pumasok si Gelo sa Casino, natalo kaya umutang ng 30,000 kay Charlie."
(Explain ni Nate).

"Sige.. May pera ako, ako na ang bahala. Pero kailangan ko ang tulong nya para tumawag ng pulis." Sabi ko.

Tumango sila at sumakay kami sa mga sasakyan namin.

Pumunta ako ng bangko at ng withdraw ng 70,000 sa credit card savings ko.

Ayokong isipin na si Gelo ang tinutukoy ng manghuhula, ayokong mamatay sya, pero paghindi ko sya niligtas, babalik na naman ang pakikitungo sakin nila mama at papa.

At ayokong mangyari yun.

Nasa akin ang choices kung ililigtas ko ba sya o hindi, pero ganun parin naman ang pipiliin ko. Ang iligtas ang kapatid ko.

Tumawag ako kay Coleen at sinagot nya agad ito.

"Gabb, kamusta?" Tanong nya.

"Hindi pa kami nagkikita, pero soon." Sabi ko habang pinipigilan ang luha ko.

"Gabb, may problema ba? Sinaktan ka nya?" Tanong ni Coleen.

"Hindi.. Hinahanap ko pa sya... Coleen, matatagalan ata ako?" Sabi ko.

"Okay lang.. Hihintayin kita."

Tumulo ang luha ko sa sinabi nya, umiiyak ako habang tinatakpan ang bibig ko.

"Kahit gano pa katagal, Gabb. Hihintayin kita." Sabi ni Coleen sa malungkot na boses.

"Sige na Coleen. Magkikita pa kami ni Gelo." Sabi ko sa kanya.

"Sige.. I love you." Sabi nya.

"Mahal din kita." Sabi ko at pinatay yung tawag.

Gusto kong magalit, kung kailan okay na ang lahat, dun din gusto kunin ng iba.

Dumating ako sa eksaktong oras na binigay nya.

Dumating ako sa abondonadong lugar, at nakita ko agad sya at si Gelo na puro pasa ang mukha habang naka-upo.

"Akin na si Gelo, sayo na ang pera." Sabi ko sa taong yun.

"Well, mabait ka pala." Sabi nya habang tumatawa ng malakas.

Nakakairita ang tawa nya at gusto ko syang saktan ng dahil sa ginawa nya sa kapatid ko.

Pinatayo nya si Gelo at pinatakbo sakin, nung nakalapit na si Gelo ay hinagis ko ang maliit na envelope na may pera sa loob.

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Gelo.

"Oo." Sabi nya.

"Halika na." Sabi ko.

"At saan kayo pupunta? Akala nyo ba makakalabas kayo ng buhay?" Sabi nya bigla.

Pareho kaming dalawa nagulat sa sinabi nya, wala sa plano ko ang mga ito.

Ililigtas ko si Gelo pero hindi ako mamatay.

Yeah, good plan nga yun. Di ko inisip ang mga possibilities na mangyayari.

There's no destiny on us | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now