-Chapter 12-

255 27 0
                                    

Coleen's POV :

Hawak ko parin ang kamay ni Gabb nung pumasok kami sa loob ng party.

Ramdam ko ang nanginginig nyang kamay.

"Papa! Mama!" Tinawag ko si mama at papa.

"Coco! Halika!" Sabi ni mama.

Lumapit kaming dalawa ni Gabb.

"Ma, pa. Girlfriend ko po." Sabi ko at kinakabahan din.

Ngumiti si mama at papa at sabi, "Gabrielle Skribikin, right?" Sabi ni papa.

Tumango si Gabb at sabi, "Opo. Nice meeting you sir." Sabi ni Gabb sa nanginginig na boses.

Natawa si Mama at Papa.

"Bueno.. Welcome to the family, Gabrielle." Masayang bati ni papa samin.

"Ano? Akala ko po, hindi-."

Bago pa ako matapos sa pagsasalita, inunahan na ako ni mama.

"Wag kang mag-alala, nak. Eh ano naman ngayon kung ganyan ka, atleast masaya ka." Sabi ni Mama.

"Pero may tanong ako." Sabi ni papa.

"Ano po yun?" Tanong ni Gabb kay Papa.

"Sino ang lalaki sa relationship nyo?"

Gulat ako nung tinanong ni papa yun.

"Pa naman!" Sabi ko.

"Alam ko di importante ang tanong ko pero i guess it's you Gabrielle?"

Mukhang di alam ni Gabb kung pano sya sasagot.

"Di ko po alam sir." Sabi nya sa nahihiya na tono.

"Alam ko ikaw.. Tingna mo nga suot mo, mas lalaki pa sa ex ng anak ko.. Pero Gabrielle, ipangako mo na aalagaan mo ang anak ko." Sabi ni papa sa seryosong mukha.

"Opo sir." Sabi ni Gabb at mukhang seryoso rin.

"Wag na ang sir.. Papa nalang." Sabi nya.

Natawa nalang si Gabb, "Opo, papa." Gabb added.

Di ko inaasahan ang ganitong pagtanggap ng mama at papa ko, napakabilis.

"Sige na, mag enjoy kayo." Sabi ni mama sa aming dalawa.

Tumingin ako kay Gabb at ngumiti, ganun din ang ginawa nya sakin.

Nakipag-break na ako kay Gelo at tinanggap ko na ang pagkatalo ko sa bet..

I fell in love to my boyfriend's sister inside 1 week and 2 days.

I know I sound selfish pero ngayon lang ako nakaramdam ng pagmamahal na di ko naramdaman kay Gelo, isang mainit na pagmamahal at pagtanggap ang nararamdaman ko ng minahal ko si Gabb.

Kinain ko ang mga salita ko na hindi ko sya gusto dahil sa tingin ng iba sa kanya, pero nandito ako, proud to be her girlfriend.

Third person's POV :

Dumating sila Gelo, Nate, JL, Akira at Mikki sa party ng mama ni Coleen.

Nilapitan ni Gelo si Coleen at hinawakan ang braso nya.

"Mag-usap tayo." Seryosong sambit ni Gelo.

"Teka, sandali. Gelo, ano ba?!" Sabi ni Coleen.

Hinila ni Gelo ang braso nya at sabi, "Coleen, gusto ko lang naman makipag-usap."

"Usap?! Wala na tayong pag-uusapan kasi tapos na tayo!" Sabi ni Coleen na sumisigaw kaya nakuha nila ang atensyon ng iba.

"Ang selfish mo na man!" Sabi ni Gelo.

Dumating si Gabb at parang inaawat ang dalawa.

"Gelo, tama na!" Sabi ni Gabb.

"Ano bang paki mo?!" Sigaw ni Gelo sabay tuluk kay Gabb.

"Gelo wag kang mag-eskandalo dito!"

"Bakit? Porket pinili ka nya, makaasta ka parang sino ka!"

Nagbuntong-hininga si Gabb.

"Gelo, tama na. Please." Nagmakaawa si Gabb.

"Gelo, tama na yan." Sabi ni Albert.

"Hindi.. Yan! Si Coleen! Niloloko ka lang nya!" Sabi ni Gelo sabay turo kay Coleen.

"Guards, kunin nyo si Gelo dito!" Sabi ni Ate Sheki.

"Pare tama na." Pilit na inaawat nila JL at Nate si Gelo.

"Hindi!!! Di mo ba alam na kaya ka nya naging girlfriend kasi may bet silang mag-best friends ng 10,000?" Sabi ni Gelo.

Tumingin ng kalmado si Gabb kay Coleen.

"Gelo, hindi ka pa nakakainom pero parang lasing ka na naman." Sabi ni Gabb sabay ngiti.

"Nagmamaang-maangan mode tayo dito?!" Parang galit na si Gelo.

Dumating ang mga guwardiya at parang pinapalabas si Gelo.

"Sandali!!" Sabi ni Gelo.

Tumingin si Gelo kay Coleen at sabi, "Mamili ka! Si Gabb o ako?!" Sabi ni Gelo.

Tumingin si Gabb kay Coleen.

"Si Gabb." Sabi ni Coleen.

Natawa lang si Gelo sa kanya.

"Talaga! Yan?!" Di makapaniwala si Gelo sa desisyon ni Coleen.

"Itong tandaan mo Gabb, kahit kailan, ano man ang relasyon ko sayo, ay di na maayos pa! Inaagaw mo nalang lahat, eh! Una, papatayin mo ko. Pangalawa, yung atensyon at pagmamahal nila papa at mama, ngayon si Coleen!!" Sabi ni Gelo.

"Gelo, tama na." Ang tanging sinabi ni Gabb.

"Wow! Pano mo nagagawang maging manhid?!"

Lumabas si Gelo at sinundan sya nila Akira.

Isang patak ng luha ang tumulo sa mata ni Gabb, nilapitan ni Coleen si Gabb at sabi, "I'm sorry."

Ngumiti si Gabb at sabi, "Okay lang.. Pero hayaan mong ayusin ko ang problema namin.. Babalik ako." Sabi ni Gabb sabay halik sa pisngi nya.

Sumunod si Gabb at nagdrive mag-isa.

"Guys!! Continue ang party! Wag nyo na lang pansinin!!" Announce ni Aly sa mga bisita.

They just continue the party..

Alam ni Coleen na guilty sya pero wala na syang magagawa pa.

There's no destiny on us | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now