-Chapter 5-

239 31 0
                                    

Coleen's POV :

Naglalakad kami ni Gabb sa garden nila kasi niyaya nya ako.

"Ang laki pala ng garden nyo." Sabi ko habang nakasmile sa harap nya.

"Oo... Noong una, mahilig kami ni Gelo maglaro sa garden na to." Sabi nya.

Tumigil kaming dalawa sa paglalakad at tiningnan ko sya.

"Anong nangyari ba't naging ganun ang pakikitungo nila sayo?" Tanong ko.

Napabuntong-hininga si Gabb at sabi, "Kasalanan ko rin kasi.. Palaging naaksidente si Gelo dahil sakin." Sabi nya.

Kaya naman pala parang galit lahat ng tao sayo, kasi kasalanan mo rin naman pala.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.

"Di ko alam. Baka tama si Papa at Mama... Pinanganak akong malas." Sabi nya at kitang kita ko kung pano nya pilitin ang sarili nyang magsmile.

"Gabb, di mo yun Kasalanan." Sabi ko dahil sobrang drama na nya.

"Salamat.. Alam mo, ikaw ang pangalawang taong nagsabi nyan sakin." Nakita ko ang genuine smile ni Gabb nung sinabi nya yun.

"Sino ang una?"

"Si Aunt Chris. All this years sya lang naman ang naniwala na mabait akong bata at di ko kasalanan ang lahat."

Hinawakan ni Gabb ang kamay ko at sabi, "Kahit tayo na.. Liligawan parin kita." Tapos bigla smile ulit.

Di ko napansin na namula pala ang pisngi ko kaya agad ako lumingon papalayo.

"Dun kaya tayo. May fountain pala kayo dito?" Sabi ko sabay turo sa fountain.

"Sige." Sabi nya.

Buwesit ka Gabb! Ba't ang ganda mo kapag nakasmile?

Gabb's POV :

Ang cute ni Coleen kapag namumula pisngi nya.

Dati pangarap ko lang sya, ngayon sya na ang buhay ko, ako na ang kahawak ng kamay nya at ako parin sa dadating na mga araw.

Maiisip kong malaking biyaya para sakin si Coleen dahil simula ngayon, sya na ang mundo ko.

"Gabb, may piso ka?" Tanong ni Coleen sakin.

Kumuha ako ng piso sa bulsa ko at binigay ko ito sa kanya at tinapon nya ito sa fountain. Pumikit sya at alam kong humihiling sya.

Masarap sa pakiramdam na pagmasdan ang mukha nya habang nakapikit ang mga mata nya.

Tapos dumilat sya at masayang tumingin sakin.

"Anong hiniling mo?" Tanong ko sa kanya.

"Secret, kasi di matutupad yung wish ko kapag sinabi ko sayo." Sabi nya sakin.

Naisipan kong magwish din kaya kumuha ako ng piso at tinapon ito sa fountain.

"Sana, maging masaya si Coleen sa araw araw na ako ang kasama nya." Ang bagay na hiniling ko.

Dumilat ako at nakita ko na magkatabi ang piso namin kaya natuwa ako.

"Tingnan mo oh! Magkatabi ang piso natin." Sabi ko na parang bata.

Tumawa sya at hinawakan ang kamay ko at sabi, "Tara na. Bumalik na tayo." Sabi nya.

Lumakad kami pabalik at nakita namin ang pagdating ni Gelo sa harap namin.

"Gelo?" Sabi ko.

"Coco, pwede ba tayong mag-usap?" Sabi ni Gelo sa seryosong boses.

"Oo naman, ano ba yun?" Tanong ni Coleen kay Gelo.

"Wag dito. I want something private na hindi kasama si Gabrielle." Sabi ni Gelo sa harap ko.

Alam kong hindi masyadong maganda ang relasyon namin bilang magkapatid kaya hinayaan ko nalang.

Tumingin sakin si Coleen at sabi, "Okay lang ba?" Tanong nya.

Tumango ako at sabi, "Okay lang. Hindi naman yun big deal para sakin." Sabi ko kahit alam kong disagree ako.

Hinila ni Gelo si Coleen palabas ng garden habang ako naiiwan na nanonood na ilayo sakin si Coleen.

Napabuntong-hininga ako at lumabas nasa garden.

Sa coffee shop

Coleen's POV :

Mabuti nalang talaga na kinuha ako ni Gelo kay Gabb.

"Sorry na!" Sabi ko sabay pagpapacute sa harap ni Gelo.

"Ewan ko sayo." Sabi ni Gelo at halatang nagseselos sya.

Napabuntong hininga ako at sabi, "Sige na, sorry na. Pagkatapos ng 100 days, babawi ako para sayo." Sabi ko.

Tumingin si Gelo sakin.

"Pwede naman kitang bigyan ng pera eh." Sabi nya.

"Alam mo na ayoko na umaasa sayo. Wag kang mag-alala, di ako mahuhulog sa kapatid mo." Sabi ko para di na sya mag-alala.

"Sigurado ka?"

Tumango ako at nagsmile.

"Oo nga, kaya wag ka nang magalit." Sabi ko sa kanya.

Tapos bigla syang nagsmile at hinawakan ang kamay ko.

"Coleen, alam mo naman ikaw lang ang mahal ko at wala nang iba pa." Sabi nya at alam kong sincere sya.

"Kaya nga di kita ipagpapalit kay Gabb." Sabi ko.

Hinalikan ni Gelo ang kamay ko at sabi, "Ako lang, wala nang iba." Sabi nya.

------

Guys, kahit meron nang Ate Maxine sa buhay ni Ate Gabb, stay team Unicoco parin tayo.

Thank you all for reading, kahit walang sense yung story!!

Love you all.

There's no destiny on us | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now