-Chapter 9-

245 28 0
                                    

Coleen's POV :

Nakita ko si Gabb natutulog sa kama nya, nilapitan ko sya at tiningnan.

"Coleen, pupuntahan ko lang yung doctor. Kayo munang dalawa mag bantay sa kanya." Sabi ni Aunt Chris.

Tumango lang ako at tiningnan si Gabb.

"Coco, bibili lang ako ng tubig. Nauuhaw na kasi ako." Sabi ni ate Sheki sakin.

"Balik ka kaagad te, ha?" Sabi ko sa kanya at tumango lang sya.

Hinawakan ko kamay ni Gabb at unti-unti nyang binuksan ang mga mata nya.

"Coleen?" Sabi nya.

"Gabb, anong ba talaga nangyari?" Tanong ko sa kanya.

Umupo sya at sabi, "Pumunta ka talaga." Alam ko iniiba nya yung topic.

"Gabb, yung tanong ko yung sagutin mo?" Sabi ko.

Parang di makapagsalita si Gabb, parang gusto ko magalit kasi anong rason para saktan nya si Gabb?

"Wag ka nang mag-alala, hindi nya yun sinasadya." Kalmadong sabi ni Gabb sakin.

"Hindi? Tingnan mo, sinugod ka nga dito kasi binato ka nya ng babasaging baso!" Sabi ko na parang galit ako.

"Coleen. Lasing si Gelo, hindi nya alam yung ginagawa nya, Okay? Kaya hayaan mo na sya." Sabi nya.

Nagbuntong-hininga ako at kumalma.

"Dapat tinatawagan mo ko, hindi yung Aunty mo pa magsasabi sakin." Sabi ko.

Nginitian nya ako at sabi, "Tapos na.. Nakaraan na ang nangyari kaya hayaan na natin." Sabi ni Gabb.

At bigla nalang akong umiyak, di ko alam kung bakit pero ramdam ko yung guilt, lungkot at galit.

"Coleen, ba't ka umiiyak?" Tanong ni Gabb.

"Tears of joy.. Tears of joy kasi binato ka ni Gelo ng baso..! Malamang nag-aalala ako!! Ano, wala ka bang pakialam sa nararamdaman ko?" Di ko alam kung saan nanggagaling ang mga salitang iyon, pero wala na akong pakialam.

Niyakap ako ni Gabb at sabi, "Sorry na.. Hindi ko sinasadya." Sabi nya sakin.

Pinunasan ni Gabb ang mga luha ko at hinalikan ang noo ko.

Third person's POV :

Hindi alam ni Gabb at Coleen na nakatingin si Ella sa malayo.

Halatang galit at selos ang nararamdaman nya tuwing nakikita nya na ganun sila Coleen at Gabrielle.

"Magpakasaya ka, Coleen. Kasi sisiguraduhin ko na makukuha ko si Gabrielle sayo." Ang mga salitang tumatakbo sa utak ni Ella habang pinagmamasdan sila.

Papasok na si Sheki at nakita nya si Ella.

"Si Ella ba yun?" Tanong ni Sheki sa sarili nya.

Lalapitan nya na sana pero nabunggo sya ng isang nurse, ang mga gamot ay accidentally nahulog sa sahig.

"Sorry, Ma'am." Sabi ng nurse kay Sheki.

Nakita ni Ella si Sheki kaya agad syang umalis.

"Hindi, okay lang." Sabi ni Sheki habang tinutulungan ang nurse na mamulot ng mga nahulog na gamot.

Pagtingin nya ay biglang nawala si Ella.

"Nasan na yun?" Tanong nya.

Di nya makita si Ella kaya dumeretso sya kay na Gabb at Coleen.

"Gabb, pumunta ba dito si Ella?" Tanong ni Sheki.

"Hindi naman ate, bakit?" Tanong ni Gabb.

"Parang nakita ko kasi sya.. Di ko sure kung sya yun?" Sabi ni Ate Sheki.

"Baka namalikmata ka lang." Sabi ni Coleen.

Sheki just ignore it kasi di rin naman sya sure kung sya yung nakita nya.

2 days later

Coleen's POV :

Napagdesisyunan ko na komprontahin si Gelo about sa nangyari 2 days ago.

Nasa rooftop kaming dalawa, sa building ng school kasi yun lang naman ang walang tao.

"Ba't mo yun ginawa?" Tanong ko sa kanya.

"Ang alin?" Maang-maangan ni Gelo.

"Gelo naman! Ba't mo sinaktan kapatid mo?" Tanong ko sa kanya.

Gelo just look away and say, "Hindi ko sinasadya. I was drunk." Sabi nya sakin.

Niyakap ko si Gelo at sabi, "Basta wag mo nang uulitin yun." Sabi ko sa kanya.

Tiningnan nya ako at sabi, "Coleen, don't tell me nahuhulog ka na sa kanya? Remember 1 week palang kayo, it means 1 week nyo palang kilala ang isa't isa."

Di ko masabi sa kanya nya na madali lang makilala ang kapatid nya dahil sa sobrang bait, madaling mahalin dahil maalaga rin.

"Gelo, imposibleng mahulog ako sa kanya sa loob lang ng 1 week." Sabi ko kay Gelo.

Niyakap ako ni Gelo at sabi, "Sabihin na kaya natin sa kanya?" Tanong nya sakin.

Di ko alam kung ano gagawin ko, umiyak na lang ako dahil di ko kayang sabihin kay Gabb na niloloko ko lang sya.

Na hindi ko talaga sya gusto at ang lahat ng ito ay isa lang parte ng bet.

There's no destiny on us | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now