-Chapter 8-

248 27 0
                                    

Gabb's POV :

"Gelo!" Isang tao ang sumigaw ng pangalan ni Gelo.

Paglingon ko ay si Papa.

"Gelo! Ano ba to?!" Galit na tanong ni papa.

Pagpasok ni Aunt Chris ay nagulat sya sa nakita nya.

"Oh my god, Gabb. Are you okay?" Sabi nya habang papalapit sakin.

Tumango ako at sabi, "Opo, wag kayong mag-alala." Sabi ko sa kanya.

"Gelo! Ano bang iniisip mo?!" Galit na tanong ni Aunty kay Gelo.

"Ah, hindi. Hindi nya to kasalanan." Sabi ko.

"Nagsisinungaling kapa!"

Lumapit si papa sakin at nagsimula akong manginig.

"Patingin." Sabi ni Papa at mukhang seryoso sya.

Wala akong magawa kundi hayaan si papa na tingnan ang sugat ko.

"Chris, pumunta na kayo ni Gabrielle sa ospital. Ako na bahala dito." Sabi ni papa.

"Teka papa, hindi naman malala eh. Hayaan na natin." Sabi ko para di na mag-alala si Aunt Chris.

"Sa ayaw at sa gusto mo, pupunta tayo sa ospital!" Sabi ni Aunt Chris sakin.

Hinila ako ni Aunt Chris papalabas at di ko na alam ang nangyari sa loob ng bahay pagkatapos namin umalis gamit ang sasakyan.

Gelo's POV :

Nasa harap ko si Dad at tinitingnan nya lang ako ng seryoso, parang nagising ako sa pagkakalasing nung maisip ko lang ang ginawa ko.

"Papa-."

"Tumahimik ka!" Galit na sabi ni Papa sakin.

Nagbuntong-hininga ako at hindi ako makatingin ng deretso sa kanya.

"Yan ba ang gawain ng isang matinong lalaki?! Huh!" Sigaw ni Papa sakin.

"Albert, I'm sure hindi sinasadya ni Gelo ang nangyari."

Tumingin si Papa ng seryoso kay Mama.

"Melisah, kahit ayaw natin kay Gabb dapat hindi tayo nanakit na parang gusto natin syang patayin!! Mag-isip nga kayo! Kahit galit ako kay Gabb, anak ko parin sya!!" Galit na sabi ni Papa.

"Papa, ano ba nakain mo at parang gumagaan na loob mo kay Gabb?" Tanong ko kay Papa.

"Naisip ko na oras na para ayusin ko ang relasyon ko kay Gabb." Seryoso si Papa.

"After everything she did?! Ganun nalang yun?!" Galit kong tanong kay Papa.

"Gelo, pinarealize sakin ng kaibigan ko na dapat matuto tayong tumanggap at magpatawad, dahil kung hindi. Hindi natin mamalayan na may isang importanteng bagay ang mawawala."

"Wala akong pakialam." Sabi ko at sabay walk out.

In the hospital

Gabb's POV :

Natapos na ang nurse sa paglalagay ng bandage sa sugat ko.

"Ma'am, excuse me." Sabi ng nurse.

"Sige po." Sabi namin dalawa ni Aunt Chris.

Pagkaalis ng nurse ay bigla naman nagpakita ng pag-aalala si Aunt Chris.

"Gabb, ano? Masakit ba ulo mo?" Tanong nya sakin.

"Aunty, hindi nga." Sabi ko.

"Malay ko ba? Hindi talaga nagtatanda yang Gelo na yan, tingnan lang nya, pag-uwi ko sa bahay." Sabi nya at parang galit.

"Aunty, wag na. I know na iisipin na naman nya na kampi ka sakin." Sabi ko para di na nya gawin balak nya.

"Wala akong paki! I'm sure na hindi sya papaluin ng papa mo dahil papagalitan lang sya." Sabi nya.

"Aunty, atleast dumating ka. Kasi kung hindi, di ko ma-imagine ang susunod nyang gagawin." Sabi ko.

"Bakit, gusto ka ba nya patayin?"

"Aunty, stop with the assumptions, okay? Hindi ganun mag-isip ang kapatid ko, nagyon lang talaga sya nagkaganun kasi lasing sya." Sabi ko para di na sya mag-alala ng husto.

Napabuntong-hininga si Aunty at sabi, "Sige." Salamat kasi kumalma sya.

"Sasabihan ko nalang girlfriend mo." Nagulat ako sa sinabi nya.

"Teka! Aunty, wag na!" Sabi ko kay Aunty.

Pero tinawagan nya parin si Coleen.

"Hello, Coleen?" Sabi nya sa cellphone.

Pinipigilan ko si Aunty pero alam ko hindi sya makikinig.

"Si Gabb, nandito sa ospital." Sabi ni Aunty sa cellphone.

Coleen's POV :

Nagulat ako sa sinabi ni Aunt Chris.

"Ano po?! Anong nangyari?" Tanong ko dahil nagulat ako.

"Hindi naman malala.. Binato lang naman sya ni Gelo ng babasaging baso." Sabi ni Aunty sa telepono.

"Sige po, anong ospital po ba?" Tanong ko at ramdam ko ang kaba nung malaman ko yung ginawa ni Gelo.

"Sa Jill hospital. Puntahan mo nalang si Gabb." Sabi nya.

Tapos binabaan na ako ng telepono, wala na akong paki basta makarating ako sa ospital.

Ilang minuto ang nakalipas, nakarating kami ni Ate Sheki sa ospital at nasa Entrance pala si Aunt Chris, hinihintay ako.

"Aunt Chris, nasan na sya?" Nag-aalala kong tanong.

"Natutulog lang sya sa kama nya. Sabi kasi ng doctor na wag muna umalis kasi bibigyan pa sya ng gamot." Sabi ni Aunt Chris.

"Malala po ba ang nangyari?" Tanong ko.

"Hindi naman, pero bibigyan sya ng gamot para di daw sumakit." Sabi ni Aunt Chris.

Tiningnan ko si Ate Sheki at kita ko na tawang tawa sya.

"Meron ka pa talagang time na tumawa sa ganitong mga sitwasyon?" Tanong ko.

"Hindi, Coco. Ang cute mo pala kapag nagaalala ka para sa girlfriend mo." Sabi nya.

Kita ko rin na natatawa si Aunt Chris pero pinigilan nya ito.

"Aunt Chris naman. Nasan po ba si Gabrielle?" Tanong ko kasi para tumigil na sila.

"Halina nga kayo." Sabi nya at halatang pinipigilan ang pagtawa nya sakin.

There's no destiny on us | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now