-Chapter 4-

241 29 0
                                    

Third person's POV :

"So, ano na ang nangyari? Pumayag ba si Gabb?" Tanong ni Sela kay Coleen.

Nagsmile si Coleen at sabi, "Oo." Pero yung smile nya di dahil nag-Oo si Gabb sa kanya, dahil alam nya malaki chance nyang manalo.

"Alam na ba ni Gelo to? Harap harapan yung pagtraydor mo sa kanya!" Natawa ang lahat nung sinabi yun ni ate Sheki.

"Kahit anong mangyari, si Gelo lang ang mahal ko." Sabi ni Coleen.

"Uy, ano gagawin mo pagnalaman ni Gabb na niloloko mo lang sya?" Tanong ni ate Aly.

"Pasensyahan kami kasi nagpaloko sya sakin." Confident na sinabi ni Coleen.

Sa Bahay nila Gabb

"Ano bang iniisip mo at naging ganyan ka?!" Sigaw ni Albert sa kanya.

"Papa, di ko alam. Ganito na talaga ako!" Sabi ni Gabb.

"Sumasagot ka pa!"

Dumating si Chris at pinigilan si Albert

"Kuya, ano na naman ba to?" Tanong ni Chris.

Kumalma ng konti si Albert at tinuro si Gabb.

"Yang pamangkin mo! Wala na ngang mabuting ginawa, naisipan pang agawin ang girlfriend ni Gelo!!" Galit na galit si Albert.

"Kuya, please! Eh ano naman ngayon kung may girlfriend si Gabb?! At isa pa, hindi magiging girlfriend ni Gabb ang girlfriend ni Gelo kung hindi silang dalawa nagbreak." Defend ni Chris para kay Gabb.

"Bakit ang hilig mong kampihan yang tarantadong yan?!" Galit na tinuro ulit ni Albert si Gabb.

"Dahil mabait na bata si Gabb at dapat nirerespeto mo sya kagaya ng pagrespeto nya sayo bilang ama nya!!" Parang galit na rin si Chris.

Napasinghal si Albert at tumingin kay gabb.

"Papuntahin mo si Coleen dito bukas!!"

Pagkatapos nyang sabihin yun ay galit syang umalis sa harap ni Gabb.

Lumapit si Chris kay Gabb at pinunasan ang luha nya.

"Okay ka lang?" Tanong ni Chris.

Tumango lang si Gabb, niyakap naman ni Chris si Gabb at sabi, "Wag ka nang mag-alala. Nandito lang si Aunty, ha?" Sabi ni Chris at tumango ulit si Gabb.

Isang araw ang nakalipas

Naghahanda si Gabb dahil dadating si Gelo at si Coleen sa bahay nila.

Kumatok si Chris sa pinto at tiningnan sya ni Gabb.

"Ano Gabb? Ready ka na?" Tanong ni Chris.

"Opo Aunty. Kinakabahan lang kasi ako dahil makikita ko na ulit si Gelo." Sabi ni Gabb.

Lumapit si Chris sa kanya at sabi, "Gabb, proud ako kasi lumaking kang mabait kahit alam mo ang nangyayari sa paligid mo." Sabi ni Chris.

Nagsmile si Gabb at niyakap si Chris.

"Salamat Aunty kasi di mo ko iniwan." Sabi ni Gabb.

"Basta ipangako mo na di mo rin ako iiwan?" Sabi ni Chris.

Tumango si Gabb.

Isang oras ang lumipas ay dumating na sila Coleen at Gelo.

"Anak!" Masayang bati ni Albert kay Gelo.

"Pa." Niyakap ni Gelo si Albert.

"Hi po tito." Sabi ni Coleen pero di sya pinansin ni Albert.

Bumaba na si Gabb at nakita nya si Gelo.

"Gelo!" Masayang bati ni Gabb pero di sya pinansin ni Gelo.

Pumunta sila sa dining area at umupo sa upuan.

Tumabi si Gabb kay Coleen at halatang naiilang si Coleen pero di nya ito pinapakita.

Coleen's POV :

Kainis! Tumabi pa si Gabb sa tabi ko! Ano kaya gagawin ko?!

Pero nakita ko na nanginginig kamay ni Gabb kaya hinawakan ko ito at tumingin sya sakin.

"Relax." Sabi ko habang nagsmile sa harap nya para di nya mahalata na ayaw ko syang katabi.

"Ano plano nyo?" Tanong ni tito Albert.

Pareho kami ni Gabb na di makasagot.

"Ilan taon na kayo?" Tanong ulit ni Tito.

"Pa. Bago lang sila kasi kabe-break palang namin ni Coleen." Mabuti nalang nandito si Gelo para magsalita para sakin.

Di kagaya ng Gabb na to, duwag talaga!

"Gelo, di ka ba naiilang na kapatid mo lang ang kumuha sa girlfriend mo?" Sabi ni tito Albert.

"Pa, kung saan sila masaya. Dun din tayo." Sabi ni Gelo.

Nakita ko pagtingin ni Tito kay Gabb, at mukhang galit ito.

"Tingnan mo na, Gabb! Kapatid mo mapagbigay pero ikaw? Di ko alam kung saan ka nagmana?" Alam kong galit si tito.

Si Tita Melisah (Albert's wife) ay kalmado lang at walang sinasabi.

"Kuya, klaro na naman sayo diba? Break na sila kaya walang masama ron." Sabi ni Aunt Chris.

"Sa tingin mo, kaya ba tanggapin ng mundo ang pagmamahalan nilang dalawa?!" Tanong ni Tito.

"Ang pagtanggap ay nagsisimula sa atin. Kapag di natin sila tinanggap, pano sila tatanggapin ng iba?" Defend ni Aunt Chris.

"Bahala kayo sa mga buhay nyo!" Sabi ni tito Albert sabay alis sa harap namin.

Sumunod naman si Tita Melisah kay Tito Albert.

Tahimik parin si Gabb at nakita ko na nagsmile sakin si Gelo.

Parang napakatagal naman ata ng 100 days, ah?

"Gelo, sorry." Sabi ni Gabb.

"Tama na." Kalmadong Sabi ni Gelo.

Tumingin sakin si Gabb at sabi, "Okay ka lang?" Tanong ni Gabb sakin.

Tumango ako at sabi, "Oo naman. Basta kasama kita." Sabay hawak sa kamay ni Gabb na nasa mesa.

Alam ko nakita yun ni Gelo pero hindi ako kumibo. At nagsmile back naman sakin si Gabb.

There's no destiny on us | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now