ÁT1: 1

68 2 0
                                    


"Ito na ba yon?"

Lumabas ako ng sasakyan at ang tanong agad ni Shewi ang narinig ko. Stephen's warm big hand held mine, tumingin ako dito at napangiti nang bigyan ako nito ng isang magaang halik sa noo.

"Does your back hurts?" he gently asked,

Umiling ako. "No."

He nodded and pulled me. Sumabay ako sa lakad niya habang tinatanaw ang buong paligid.

Namamangha kong inilibot ang paningin habang medyo nakaawang pa ang labi dahil sa labis na pagkagalak at gulat. Andrei didn't tell us na ganito pala kaganda dito! Well, first time niya nga rin pala dito gaya namin.

"It looks... creepy!"

Binatukan iyon ni Fuji. Lana squealed dramatically.

"Gaga! It appears to be ancient rather than creepy! Perhaps because of the owner's keen interest."

Tumango ako sa sinaad nito. I find the place really beautiful! Siguro dahil mahilig din ako mga makalumang bagay.

"May infinity pool sila!" Shewi stated excitedly, "At mukhang malaki!"

Huminga ako ng malalim at inayos ang jacket na suot. Tiningala ko ang nagdidilim na kalangitan bago napatingin sa relo na nasa palapulsuhan, kumunot ang noo ko nang makitang magaalas tres palang ng hapon, salungat sa ipinapakitang kulay ng mga ulap.

"It's still early..." I mumbled,

"Yeah."

Nanguna sa paglalakad si Stephen dahil sa paghinto ko at pagtuon ng panandaliang pansin sa cellphone. May kung anong dumaang pakiramdam sa akin nang makitang walang signal pero agad din iyong nawala nang makaramdam ng presensya sa gilid. Tiningala at tinaasan ko ng kilay ang tumabing si Andrei.

"Bakit?" he asked, napansin ang mood ko.

"Walang signal." Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon.

Naglakad ako patungo sa mga kasama na nasa harapan na mismo ng malaking wooden classic two-way door na kasalukuyang nakabukas at may dalawang tao sa mismong sentro nito ang nakatayo. Isang babae at lalaki.

"Hi! Hello! Is this the... uhm... the Greek resort?" I heard Fuji asked,

The lady smiled widely. She's wearing dark red lipstick and curly brown hair. 

Pinasadahan ko ito mula ulo hanggang paa at hindi ko alam kung mamamangha ba ako sa style nitong manamit o mapapangiwi.

"I'm thinking if maybe I could bang her some other time, hmm?" 

Marahas akong napalingon kay Andrei nang marinig ang sinabi nito. Kinindatan niya ako.

"What do you think?"

I rolled my eyes and left him with his crazy thoughts. Narinig ko ang halakhak nito.

"Welcome to Ásylo Théretro!"

The smiling lady greeted us.

"My name's Amanda, and this is Nicolas. Kami ang tutulong sa mga pangangailangan niyo sa isang linggong bakasyon ninyo dito. Please don't hesitate to ask us anything."

Pinasadahan ko rin ng tingin ang kasama nitong lalaki na seryoso lang ang eskpresyon ng mukha. He suddenly averted his gaze to my position so I looked away and creased my forehead. I'm not even sure if sa akin nga siya tumingin, but I felt uneasy so whatever.

"Oh, we won't hesitate at all." Karlos uttered, halata sa tono ang kalandian.

Our attention diverted to Lana when she faked a cough. Nakita ko ang pagsiko sa kanya ni Fuji.

ÁT1: Legacy's PsychopathWhere stories live. Discover now