ÁT1: 14

64 0 0
                                    


"Your friends are waiting for you at the reception-"

Hindi na ako nagdalawang isip pa tumakbo papunta sa mga kaibigan ko at hindi na hinintay pang matapos ang sasabihin niya.

"Iscy! You're here na!" Shewi excitedly said,

Natigilan ako at napako ang tingin sa taong kapapasok lang. Bumilis ang paghinga ko at sunod-sunod na tumulo ang luha. Walang tigil... gaya ng walang tigil ring pagragasa ng mga alaala sa isipan ko. Walang pagaalinlangan na tumakbo ako patungo sa kanya at niyakap ito mahigpit.

"Love..." The pain in his tone made me cry harder.

Humigpit ang yakap ko kay Stephen at tila lahat ng sakit at takot ay muling bumalik at nadoble. 

"Love, what's wrong?" Mas lalong tumindi ang iyak ko na mas nagpabahala sa kanya, "Love, hey..."

"I'm sorry... I'm sorry... I'm sorry..."

Hindi ko alintana ang tahimik na paligid at ang mga matang nakapukol sa amin ngayon. Hinagod ni Stephen ang buhok ko at pinapatakan ng magagaang halik. Mas lalong tumintindi ang pagiyak ko sa tuwing nararamdaman ko ang pagmamahal at pagiingat sa mga kilos niya.

I don't deserve him... hinding hindi na... hindi na kailanman...

"Legacy..." tawag ng nagaalala ring si Andrei,

Nagawang hawakan ni Stephen ang mukha ko at inangat ito upang masalo ang mga tingin ko. Kitang kita ko ang pinaghalong sakit, takot, at pagaalinlangan sa mukha niya. He wiped my tears and gently caressed my cheeks.

"Love, shhh... you're making me worry. What is the problem?"

Umiling ako at niyakap pa siya ng mas mahigpit. Takot na takot ako. Nanginginig ako sa sakit at takot. I just want to hold him forever. Gusto kong yakap niya lang ako, na nasa akin lang ang atensyon niya dahil natatakot ako na baka kapag umalis ulit siya... baka... baka...

I shivered badly. Mas lumakas ang pagiyak ko na ikinaalarma ng mga tao sa paligid. I saw them moved and tried to reach me. 

"Iscy, hala bakit?" 

"Iscy, calm down. Anong problema..."

Ibinaon ko ang mukha sa leeg ng kasintahan at pinilit ang sariling maging kalmado.

No. Legacy... you need to be strong. Remember what he said, tandaan mo ang napagusapan niyo. Hindi ako pwedeng magpatuloy sa pagiging ganito dahil ikakapahamak iyon ng mga kaibigan ko. I can't let that happen.

"I'm sorry..." I whispered,

Nanginginig ang dalawa kong kamay nang inangat ko ito at haplusin ang pisngi ng lalaking pinakamamahal.

"Iscy, anong problema?" Lana worriedly asked,

"Hoy, masyado mo ata kaming namiss grabe." Karlos even tried to joke around to make the humid lightier.

Pinasadahan ko silang lahat ng tingin at hindi inaasahang nahagip ng mata ko ang taong seryosong nakatingin mula sa malayong parte ng silid na ito. I stilled.

"I'm just..." Muling napadako ang tingin ko kay Rogue, "...worried."

My knees tremble as I looked back at Stephen. 

"I'm sorry for avoiding you. I just felt like... I'm..." Napapikit ako ng walang maisip na dahilan.

But Stephen immediately captured my hands and made me look at him. He smiled lovingly.

"It's okay, Love. You don't need to explain, naiintindihan kita."

Panibagong bungkos ng luha ang namuo sa mga mata ko. Kagat ko ang dila habang mariing nakatitig sa kanya.

ÁT1: Legacy's PsychopathWhere stories live. Discover now