1

4 0 0
                                    

Vivian's POV'

Time check it's already 11:30pm. At alam kong pangit akong haharap sa mga pinsan ko tomorrow!!

Sa dami ba naman kasi ng araw na mang-iiwan ang lokong 'yun! Ngayon pa talagang sa mismong araw ng anniversary namin!!

Kaya ito ako ngayon... Nag iisa...
Nakahiga sa malambot kong kama. habang umiiyak sa madilim kong kwarto.

Alam kong late na para magdrama, pero kasi hindi ko mapigilan!!

Masyadong masakit!!!

Ang sakit sakit!!!

Akala ko mamahalin niya ako forever?

Wala nga talagang forever!!

Dahil kung meron kami pa sana hanggang ngayon!

Saan ba ako nag kulang!?

Maganda naman ako!

Matalino!

At higit sa lahat...

May kaya rin naman ako sa buhay!

Tangina! Kung tutuusin ang swerte na nga niya sa akin eh!

3years!!!

3years kung iningatan ang relasyon namin!!

Pero bakit andali lang para sa kaniya na bumitaw!?

Umupo ako sa aking pag-kakahiga at tumingala sa kisame, nag babakasakali na baka huminto ang pag-agos ng aking mga luha!

Dahil pagod na ako!!

Pagod na pagod!!!

Pagod na ako kaka-isip kung saan ba ako nag kulang!

Pagod na kaka-isip kung saan ako nagkamali!!

"Tang~na mo!!! I hate you!!!"buong lakas na sigaw ko

•••

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko..

Naka-tulog pala ako??

Umupo ako mula sa aking pagkakahiga at tumingala.

"Thank you lord.."nakangiting sambit ko. Habang naka intertwined ang mga kamay ko.

Every morning ay 'yan ang ginagawa ko. Nagpapasalamat ako kay lord! 'yan kasi ang turo ng lola namin sa amin.

Sabi pa niya, lagi raw tayong mag thank you kay lord kasi utang natin sa kaniya ang mga buhay natin. Kahit na anong problema ang dumaan sa ating buhay ay dapat pa rin tayong mag thank you sa kaniya. Dahil lahat ng mga problema ay may solution. At kahit gaano man 'to kahirap dapat huwag nating kalimutang mag dasal.

Kaya ako. Kahit hindi naging maganda ang araw ko kahapon, hindi parin ako nakalimot na mag thank you sa kaniya

Hindi naman natin hawak ang oras. Malay natin, bukas o sa mga sususnod na araw e, magiging masaya kana! Diba!?

Pagkatapos noon ay tumayo na ako at tumungo na sa banyo.

Hindi na ako nagulat ng makita ko ang itsura kong parang zombie!

Napapala ng pag-ddrama!

Mabibigat ang mga hakbang kong puma-ilalim sa shower at walang buhay na naligo

Hindi na kita mahal!

Napahinto ako sa pag-sasabon ng umeco sa pandinig ko ang mga huling salitang kaniyang binitawan bago ako talikuran.

Past or PresentDonde viven las historias. Descúbrelo ahora