7

1 0 0
                                    

Vivian's POV'

Lahat ng mga bahay ng mga tito namin ay may kwarto kami. Di nga lang solo, pero okay narin 'yun.

Minsan kasi di namin alam kung saan kami matutulog. Mas madalas pa nga ako sa bahay ng mga pinsan ko kaysa sa bahay namin.

Okay lang rin naman sa mama ko. Kasi minsan late na siyang umuwi at maaga siyang pumasok.

"Vi??"tawag sa akin mula sa labas ng kwarto. Hindi ko naman sila pinansin. Alam ko namang pagtatawanan lang nila ako.

"Vi?"pag-uulit nila and this time ay may kasama ng pag knock!

"Vi?? Pleas open the door.."sabi pa nila kaya padabog akong tumayo at nakasimangit na binuksan 'to. Bumungad naman sa akin ang lahat! Oo lahat na pinsan ko.

Akala ko sila xyra lang 'to.

"What?!"inis na tanong ko.

"Pwedeng pumasok?"tanong ni kuya Justin. Hindi pa man ako nakakasagot ng bigla nalang siyang pumasok sumunod naman ang kakambal niya kaya ganoon nalang din ang ginawa ng iba!

"Gusto ko ng magpahinga!"sabi ko pa. Bahagya naman akong Nagulat ng may humawak sa balikat ko at mahina akong tinulak.

"Bumabalik ka na naman sa dati.."sabi ni kuya math na siya ring tumulak sa akin. Kaya wala akong choice kundi ang bumalik sa pagkakahiga at nagtalukbong.

Akala ko di nila ako pipilitin. Pero nagkakamali pala ako!

Malaki ang bed namin. Kaya naramdaman ko nalang na isa-isa na silang humiga.

"Araaay!!"reklamo ko ng mahigaan nila ang paa ko! "Ano ba!!! Gusto ko pong magpahinga!!"sigaw ko at hindi naman sila nakinig.

Pero sadyang ayaw talaga nila akong pakinggan kaya no choice akong umupo sa kama at masama ang tingin na tumingin sa kanilang lahat.

"Magkwento ka na kasi!"si ysha at lumipat ng pwesto tapos ginawa pang unan ang mga hita ko!

"Doon ka nga!"pagtutulak ko sa ulo niya.

Mukhang wala talaga silang balak na patulugin ako. Kaya kahit ayaw ko ng pag usapan ay kinwento ko nalang sa kanila kong ano ang nangyari.

Tss! Mga marites!!!

•••

Maaga akong nagising. Dahil na rin siguro sa sobrang excitement na nararamdaman ko!

Ngayon kasi ang 3rd anniversary namin! Ang corny diba!?

Kaya dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Tapos no'n ay nagbihis na ako.

Naglagay na rin ako ng make up. Syempre light lang ayaw ko namang magmukhang coloring book sa harap niya.

Nang makuntento na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko at kaibigan ni mama ang una kong nakita.

Naglilinis siya ng bahay. Hindi naman namin siya katulong pero nag-kukusa lang talaga siya.

Nagpa-alam na ako saglit sa kaniya at sinabi niya naman na siya nalang daw muna ang mag lolock ng bahay.

Malapit lapit lang naman dito ang park na pagkikitaan namin. Kaya naglakad nalang ako hindi rin pa naman ganoon ka init.

Past or PresentWhere stories live. Discover now