36

1 0 0
                                    

Vivian's POV'

Ang saya naming mag pipinsan kasi sa wakas! Hindi na rin kami ma prepressure kasi nalaman namin ngayon na panakot lang pala 'yun lahat nang mga grandparents namin.

Pero hindi ibig sabihin nun ay hindi na namin aayusin ang aming pag aaral. May mga dreams rin naman kami na gustong ma tupad, kaya gagawin namin ang lahat para ma abot 'yun.

At ang problemang haharapin nalang namin ay ang sermon galing sa mga pinsan namin.

Nakalimutan kasi naming mag-paalam sa kanila. And alam naman namin na kasalanan namin 'yun. Worried lang talaga sila sa amin.

Bumalik kami sa pagkaka-upo sa sofa. Hindi ko alam kung anong meron at bakit sila andito.

Nilingon ko naman si dada kasi kanina ko pa siyanapapanson na nakatingin sa akin --- no, actually lahat nang mga tita and tito ko, pati na rin si mama. At masasabi kong worried sila.

"He's coming"

Naalala kong sabi ni dada. Alam ko king sino ang tinutukoy niya. And I'm hoping and silently praying na sana hindi siya dumating.

Pero lahat nang 'yun ay nawala nang marinig ko ang boses niya.

"Sorry, ngayon lang ako nakarating . Traffic kasi."sabi nang dating asawa ni mama.

Ang huling kita namin ay 'yung pag bisita ko kay Miguel at hindi naging maganda ang pag uusap naming 'yun.

At ayaw kong mag mukhang bastos sa harapan nang mga tita and tito ko lala na sa mga grandparents namin at kay mama. Kaya bago pa siya makalapit kina lola ay agad akong tumayo at hindi talaga siya tinignan.

"Ahm, lola, lolo. Excuse po muna ako. Marami pa kasi akong mga school works. Sorry po." Sabi ko at nagmamadaling umakyat sa kwarto ko at in-lock ang kwarto ko.

Hindi naman 'yun lie. Totoong marami akong gagawin lalo na at malapit na ang anniv. Nang school namin.

Kaya agad akong na-upo sa study table ko at ginawa ang dapat gawin hanggang sa nakaramdam ako nang pagod.

Gustuhin ko mang lumabas pero hindi ko magawa, kasi alam king andun pa siya.

Nahiga na muna ako sa kama ko at pumikit saglit. Iniisip ang mga nangyari sa amin--

Sa amin nang dating hero ko na ngayon ay ang kinamumuhian ko.

•••

Dalawang buwan na rin ang nakalipas simula nung iwan kami ni miguel. At namimiss ko na siya.

Bumaba ako sa kwarto at eksakto rin na lumabas si papa sa kwarto nila ni mama. Magkatabi lang rin kasi ang kwarto namin.

"Papa, Starbucks tayo please!"nagpapa-awang sabi ko. Simula kasi nung nakalabas ako nang hospital ay lagi na sobrahan sa pag spoiled sa akin si papa. Lagi niya akong sinasamahang mag Starbucks.

"Sorry, may important meeting ako ngayon."sagot niya at agad na umalis. Tinignan ko lang si papa na papalayo sa akin.

Malungkot akong bumaba nang hagdan at pumunta sa kitchen. Uminom nang tubig at lumabas nang bahay.

Ako nalang ang mag isang pumunta sa Starbucks. Busy kasi mga pinsan ko. Kaya hindi ko sila pwedeng guluhin.

Past or PresentWhere stories live. Discover now