23

1 0 0
                                    

Jason's POV'

"Vi!"sigaw namin nang bigla nalang siyang tumalikod sa amin at umalis.

"Ihahatid ko na siya!"sabi ni jace at tumayo pero pinigilan siya ni tito khael.

"Nakainom kana hayaam mo nalang na iba ang maghatid."sabi ni tito k.

"Kaya ko pa naman po dad--"

"Ako na ang maghahatid!"pagsingit ni Justin at walang pasabing sinundan si vivian.

Nilingon ko naman si jace at kita ko ang pagkapahiya niya.

Alam kong nag-alala lang siya kay vivian. Lalo na nung nalaman niya kanina.

•••

"Nakita niyo ba si jace? Hindi  kasi siya pumasok kanina!"tanong ko sa mga pinsan namin. Kami lang kasi dalawa ni jace ang magkaklase. Parehong business ang kinuha namin kasi parehong mga business man ang mga tatay namin.

"Hindi eh! Kakalabas nga lang namin!"sagot ni nicole.

Nasa cafeteria na kami lahat kumakain kasi tapos na ang klase namin.

"Baka may pinuntahan lang!"si Dustin habang kumakain.

Baka nga! Tumahimik nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain.

Nasa kalagitnaan kami nang pagkakain nang biglang dumating ang kaibigan ni jace.

"Jason! Si jace!"sabi niya na ikinatayo namin. Lahat naman nang mga students ay napatingin sa amin.

"Anong nangyari kay jace!?"tanong ko.

"Sorry! Hindi ko mapigilan si jace! Susugurin niya 'yung ex nang pinsan mo!"mahinang sabi niya.

"Anong sinong ex nang pinsan namin--"

"Si jude!!"sigaw ni kuya math at tumakbo na papuntang parking lot.

Sumunod naman kami sa kaniya at sumama narin ang kaibigan ni jace. Nang marating namin ang parking lot ay bago oa man kami makasakay sa mga sasakyan namin ay sumigaw ang kaibigan ni jace.

"Sa DCIS! Doon niya raw aabangan!"sabi niya at tumango naman kami.  Ako ang nagmamaneho sa sasakyan at Kasama ko si marie at Nicole.

Kasi kapag ganitong nagmamadali kami ayaw sumakay ni nicole kay kuya math dahil masyado siyang mabilis magpatakbo.

Walang nag salita sa amin. Nakatutuk lang ako sa pagmamaneho ko nakasunod lang ako kina Justin at paniguradong si kuta math ang nasa unahan namin.

Malapit na kami sa DCIS nang biglang lumiko sina Justin sa ligar na wala masyadong tao. At doon lang namin nakita ang sasakyan ni jace.

"Kay jace 'yan diba!?"turo ni marie sa sasakyan. Tumango naman ako bilang sagot.

"Ano na naman kaya ang nangyari sa isang 'yun!?"si nicole

Past or PresentWhere stories live. Discover now