25

1 0 0
                                    

Vivian's POV'

Nang matapos na kaming kumain lahat ay kaniya-kaniya na naming niligpit ang mga kalat namin.

Tumingin ako sa wall clock na andito sa office namin at nang makitang malapit na mag 1pm ay tumayo na ako at kinuha ang notebook ko.

"Xyra."pagtawag ko sa kaniya. Lumingon naman siya sa akin kaya sinenyasan ko siya na lumapit.
"Paki sulat nito lahat!"utos ki sa kaniya at tinuro ang mga agenda namin sa meeting na'to. At tumango naman siya bilang sagot.

"Pupunta muna akong faculty office, para sabihin na hindi na muna ta'yo makaka-pasok sa afternoon class."anunsyo ko sa lahat at umalis nang office.

"Gusto mo samahan kita?"sabi ni ysha. Umiling lang ako at sinabing okay lang.

Mag isa kong tinungo ang faculty. At kagaya nang dati. Lahat nang mga studyanteng makakasalubong ko ay binabati ako. At nakangiting binati ko sila pabalik.

"Vivian!!"rinig kong tawag sa akin. Kaya napahinto ako sa paglalakad at lumingon sa likuran ko. "Sorry sa disturbo, alam kong busy ka. Kaya.."sabi ni darwin at may kinuha sa bulsa niya. Tinignan ko naman ang mga kasama niya at wala si jade?

"Here!"sabi niya at inabot sa akin ang apat na pares nang  earrings kaya taka ko naman silang nilingon.

"Ahm! Sorry pala kahapon! Alam namin na you're just being strict to us para hindi na maulit ang dati."sabi niya na ang tinutukoy ay ang pangyayari sa nakaraan.

Hindi ko alam kung na sabi ko na ba 'to o hindi pa.

Dati muntik nang mapa-close ang school na'to kasi sa dami nang mga gang.

Ang dating mga students na kasali sa mga gang ay hindi na nakikinig sa mga teacher!

At dahil 'yun sa mga SSG officers na kasali rin sa mga gang.

Pero lahat nagbago nag bago nang si kuya math na ang namuno!

Kagaya ko ay strict rin siya sa lahat. Naalala ko nga dati binansagan siyang monster president, dahil sa nakakatakot niyang awra.

"Sorry talaga!"sabi nang kasama niya.

"Thank you! Pero still pupunta parin kayo nang SSG office! Okay?"sabi ko sa kanila at tumango naman sila bilang sagot. Nag paalam na ako sa kanila at pununta na nang faculty.

Nang marating ko ang faculty ay na abutan ko ang mga teachers na nag lilinis nang kanilang mga tables. Mukhabg kakatapos lang nilang mag lunch.

Kumatok na muna ako sa pinto bago pumasok!

"Good afternoon teachers!"bati ko sa kanila.

"Good afternoon! Pasok ka!"sabay na sabi nila. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Bakit ka nga pala naparito vivian?"tanong nang isang guro sa akin.

"Ahm! Ano po kasi, gusto ko po sanang itanong kung okay lang po ba na hindi muna kami pumasok sa afternoon class?"tanong ko sa kanila at nagtaka naman silang napatingin sa akin. "Naisipan ko po kasi na magpatawag nang meeting para sa event po."pagpapatuloy ko. At lahat naman sila napatingin kay sir. Martinez.

"Hindi ba pwedeng gawin 'yan after nang klase?"tanong niya sa akin.

"Ahm, ano po kasi, mahaba-haba po kasi 'to at gusto po sanang ma finalize na ngayon sir. Kung okay lang?"alanganing sabi ko. Napaisip naman ang ibang mga guro.

Past or PresentWhere stories live. Discover now