12

1 0 0
                                    

Vivian's POV'

"Jade!"pag bati ni kuya math sa kaniya at nag fist bump pa sila.

Anong ginagawa niya dito!?

"Wala ba kayong pasok Mathew?"tanong ni miss kay kuya math.

"Wala po miss! Dinalaw lang po namin ito mga bunso namin."nakangiting sagot niya pa.
"Pero pa-alis na po kami."dagdag niya pa. At bumaling sa amin. "Sige na una na kami. Si Justin nalang ang susundo sa inyo mamaya!"sabi niya at tumango naman kami.

"Hoy!! Umayos kayong apat kung ayaw niyong sabay-sabay tayong mabitay!"sabi ni kuya dustin at tumango naman kami.

"Sige miss, una na po kami!"pag-papaalam ni kuya jace. "Ysh, xy, xyrel, vi! Una na kami!"paalam niya pa sa amin.

"Bye!"sabay na sabi namin.

"Mga babies una na kami! Bye miss!"si kuya jason at humalik pa sa mga pisngi namin. Ganoon na rin ang ginawa nila ate nicole at ate Marie.

"Okay pasok na kayo!"nakangiting sabi ni miss at tumango naman kami.

Unang pumasok si miss. Ann at nasa likuran naman niya kaming apat.

Nang maka-pasok na kami ay nagulat ako ng makita ko si danica na naka upo sa upuan ko. Tinignan konsilang dalawa at aaminin kong nag seselos ako.

Sino ba namang hindi.!?

"Vivian, are you okay.."tawag ni miss sa akin.

"Ah, yes miss!"sabi ko at nag tuloy-tuloy na sa paglalakad. Hanggang sa madaanan ko ang pwesto nila.

"Vi, dito ka!"sabi ni xyra kaya tumango naman ako. Na sana ay hindi ko ginawa dahil eksaktong pagka-upo ko ay nakita ko kung paano hawakan ni jude ang kamay ni danica.

Dahil nasa harap namin sila ay kitang-kita ko mula dito ang mga galaw nila!

"Okay! Good morning everyone!"bati ni miss at tumayo naman kaming lahat.

"Good morning miss Ann!"sabay-sabay na bati namin at yumuko.

"Okay, please sit down!"umupo naman kami. "Okay class! Bago natin simulan ang ating klase, gusto ko sanang ipa-alam sa inyi na may bago kayong kaklase!"sabi niya sabay tingin sa katabi niya. "Magpakilala ka na hijo!"naka ngiting sabi ni miss.

"Hi everyone I'm Jade Santiago."maikling pag-papakilala niya. Napangiwi naman ako.

Iyon na 'yon!? Tf!

"And??"tanong ni miss. Naghihintay ng kasunod!

"And.. that's all miss."sagot niya. Tatangu-tangu namang bumaling si miss ann sa harapan.

"Okay! Class, si jade ay galing sa Delcruz University."sabi ni miss. "Maaari ka ng ma-upo."at naupo na man siya sa likuran namin. Nilingon naman siya ni xyra.

"Hey! Magan---"

"Yes miss. Xyra alam nang lahat na gwapo si Mr. Jade, pero hindi 'to ang oras para sa getting-to-know-each-other niyo.."pagsingit ni miss at nagtawanan naman ang lahat maliban sa akin.  Napapahiyang binalik niya ang paningin sa harapan.

Sinimulan na ni miss. Ann ang pag-tuturo. Naka-tingin lang ako sa harapan Pero hindi talaga ako nakikinig. Dahil parang walang pumapasok sa utak ko at lahat ng mga pinagsasabi niya ay lumalabas lang sa kabilang tainga ko!

Past or PresentWhere stories live. Discover now