21

1 0 0
                                    

Vivian's POV'

Kanina pa ako nakahiga sa kama ko. Simula kasi noong dumating kami sa bahay ay dumiretso na ako sa kwarto ko.

Nasa sala naman si mama nagluluto tatawagan niya na lang daw ako kapag mag lunch na.

Masyado pa kasing maaga at tsaka na bo-bored na ako. Sana talaga hindi ako na hospital nasa school na dapat ako at inaayos ang program para sa event--

Tama pala ang event!

"Shit!"bulong ko at dalidaling bumangon at tumungo sa study table ko.

Kinuha ko naman ang laptop ko at notebook ko para mag sulat nang pwedeng gawin sa event na 'yan.

Hanggang ngayon ay wala oa talaga akong naisip na pwedeng gawin.

Pano ba maging interesting ang isang event!?

Ano ba dapat ang gawin!?

Kung gayahin ko nalang kaya ang na unang event na ginawa ko?

"Aistt!! Ano ba naman 'to!?"frustrated na sabi ko!

Hindi naman 'to ang unang beses na mag hahandle ako nang isang event! Pero kasi darating ang mga grandparents ko at darating rin ang mayor!

Iba oa naman 'yan sila lola masyado silang strict sa mga ganitong event!
Daoat malamangan mo ang expectations nila! Kasi kapag hindi...

"Paano ka naging SSG PRESIDENT kung pati ang mag handle nang simoleng event ay hindi mo pa magawa!?"

Mariin akong napailing nang bigla kong narinig ang boses nang lola ko!

"Ahh! Kainis!"

Masyadong strict ang mga grandparents namin, lalo na sa usaping studies!

Masyadong matataas ang mga expectations nila sa amin. Kaya minsan nakaka pressure!

Ayaw nilang may nakikitang may line of 8 kami sa aming mga report card!

Kaya todo bigay kami para lang maka 90!

Hindi nila kami pinagyayabang sa mga business partners nila. Kasi hindi naman daw dapat ipagyabang 'yan! Kasi responsibilidad naming mga studyante na maging magaling sa paaralan.

Kaya kapag may nagawa kaming achievement sa loob nang school. Good job lang ang tangi naming na tatanggap. Kasi kapag pinuri daw kami nang todo baka lumaki raw ang mga ulo namin.

Pero hindi naman sila nang kulang sa pagararamdam sa amin na proud sila.

"Ehem!"napabalik ako sa realidad nang marinig ko ang pekeng pag ubo ni mama. Kaya dali dali akong napalingon sa may pinto.

"Sabi nang doctor'wag kang masyadong mag paka stress! "Sabi niya at lumapit sa akin.

"Nabobored na kasi ako. Wala naman akong magawa kaya inumpisahan ko nalang ang pag aayos sa parating na event nang school!"paliwanag ko naman.

"Oo nga pala, nabalitaan ko kay jace na ikaw raw ang mag oorganize nang event."tumango lang ako. "Alam kong kaya mo 'yan! Ikaw pa!"dagdag niya pa kaya napangiti naman ako.

Pero kusa rin nawala nang maalala ang pag alis niya.

"Sana makapunta ka pa sa event bago ka umalis."nakayukong bulong ko.

"Syempre naman! Saan ba ako pupunt--" kusa siyang napahinto. "Don't tell me..."

"Yeah, payag na ako. Basta 'wag mo akong kakalimutan ha? Dapat tawagan mo ako palagi! Kasi kapag hindi pauuwiin talaga kita!"nakangusong sabi ko. Tumawa naman siya.

Past or PresentWhere stories live. Discover now