27

1 0 0
                                    

Vivian's POV'

Nang matapos kang magligpit sa office ay sabay-sabay na kaming tumungo papuntang gate.

"So, sino ang susundo sa 'inyo?"tanong ni sir Martinez.

"Si kuya jace po."sagot ni ysha at tumango naman si sir.

Nang marating namin ay gate ay dumiretso na si sir sa parking area at umalis.

Ilang minuto rin kaming naghintay bago dumating si kuya jace.

"Sorry natagalan!"sabi niya nang makasakay na kami.

"Okay lang!"si xyra.

"So, saan tayo ngayon!?"tanong naman ni ysha.

"Bakit? May gusto ba kayong puntahan?"tanong niya sa amin. Nagkatinginan naman kaming nila ysha through rear mirror.

"STARBUCKS"excited na sigaw naming tatlo at sakto namang andito na kami malapit sa subdivision namin

Pero laking gulat namin nang dirediretsong lang nagmaneho palasok si kuya sa gate nang subdivision.

"Kuya!! Akala ko ba mag s-starbucks tayo!?"nagpapadyak na sabi ni ysha.

"Hindi ba kayo nag sasawa sa kaka-starbucks? Every day nalang andoon kayo diba!?"sabi naman ni kuya jace.

"Hindi kaya! Nitong mga nakaraan ay hindi na kami nagpupunta!"sagot ko

"Yeah!! At mas hindi pa kami makaka-pag milktea ngayon!!"pag singit ni xyra.

"Paanong hindi!? Eh! Nasa labas lang naman nang subdivision?"takang sabi ni kuya habang pina-park ang kotse niya sa labas nang bahay namin.

"Sisimulan na namin ang pag aayos sa event!"sagot ni xyra.  Tinignan naman ako ni kuya pagkatapos niyang patayin ang kotse niya.

"May plan ka na!?"tanong niya sa akin at tumango naman ako. "Kailan lang!?"

"Noong nakalabas ako nang hospital. Binigyan ako nang idea ni mama kaya ayun! May plano na. Sisimulan na nga namin bukas eh!"sagot ko. At tumango-tango naman siya

"Okaay! Kung may kailangan ka sabihan mo lang kami---"

"Thank you nalang kuya! Pero kasi hindi namin pwedeng aabihin sa inyo ang magiging plan namin sa anniv. Kaya bawal kaming humingi nang tulong sa inyo!"pagputol ko sa sasabihin niya.

"Okay! Sabi mo eh!"sabi niya at bumaba na nang sasakyan niya. Sumunod naman kami sa kaniya at pumasok na sa loob nang bahay.

Nang makapasok na kami ay nadatnan namin ang mga tita and tito namin sa sala pati na rin ang mga pinsan namin.

"Ba't ang tagal niyong nagpasundo!?"tanong ni tito k sa amin. Lumapit naman kami sa kanila at humalik sa mga pisngi nila.

"Nag meeting po kasi kami para sa paparating na event."sagot ko naman.

"May plan ka na vi!?"gulat na tanong ni kuya jason. Nilingon ko naman siya at tumango.

"Kaya nga kailangan namin mag Starbucks ngayon! Kasi magiging busy na kami!!"pagpaparinig ko na sinang ayunan naman nila ysha.

"Oh, eh! Ba't hindi kayo huminto sa labas!?"tanong ni kuya dustin habang umiinom nang juice.

Past or PresentWhere stories live. Discover now