Chapter 3

37 11 46
                                    

Life is short. Enjoy it as much as you can. Remember that time is gold and wasting it means wasting your remaining time at the world.

Given the thought of, we only live once, and you should validate time consciousness. You should treasure your time, you should be thankful that you came that far because we knew that anytime soon, we might die.

So be more grateful. You have someone who's there to be with you at the remaining time of your life. Thank them for being there. Thank them as much as you can.

Nagising ako sa ingay ng yapak. I quickly stood up. Kakabahan na sana ako nang marinig ko ang mga boses nila.

"Sheania Fritzy! Bumangon ka na diyan! 4 AM aalis na tayo!" Rinig kong sigaw ni Seraphine.

Napangiti ako nang maalala kung anong gagawin namin ngayong araw.

It's our 40th game!

I'm so excited! Halos takbuhin ko na ang cr sa loob ng kwarto ko. It's still 2 AM pero ready na silang lahat.

I did my morning routine. Kakanta kanta pa ako sa loob ng banyo habang gumegewang. Muntik pa nga akong maslide eh.

Nang matapos sa banyo ay naglakad ako papuntang walk-in-closet. I saw my baggage there. Ready na ito at ako nalang ang kulang.

I wore a simple black leggings partnered with blue sports bra. Isinuot ko din ang black jacket. Lumabas na ako at pumunta sa harap ng salamin. I blower my hair and straitened it. I separate it into two then I put the one row on my front and let the other one at the back, flow.

I also wore my blue Nike sport shoes.

Kinuha ko ang maleta sa loob ng walk in closet. I already checked it kagabi before I slept.

Naglakad na ako pababa. I locked my room before walking downstairs. I made sure that I already have my phone, iPod, headsets, watch and charger.

Nasa sala na ang mga maleta ng iba. May tatlo pang kulang. Siguradong ang mag asawa 'yon pati si Ate Shiness. Inilagay ko narin ang maleta ko doon bago nagpatuloy maglakad papuntang kusina.

Naabutan ko silang kumakain na kaya napanguso ako.

"Bahay ko 'to tapos hindi niyo ako hinintay? Nasaan ang good moral? Nasaan ang respeto? Nasaan ang hustisya?" Inilagay ko ang kamay ko sa kanang dibdib at umaktong nasasaktan.

Biglang tumayo si Sevirous bago naglakad papunta sa akin. Akala ko ibibigay niya ang upuan para makakain ako pero..

"Ayos lang 'yan, kami din naman nagluto niyan. Magluto ka muna ng sayo bago ka umarte, okay?" Sabay tapik ng balikat ko bago umupo ulit sa upuan niya.

Napanguso ako pero napangiti rin kalaunan. Hindi nila ako matitiis, kung 'di ko lang mahal ang mga 'to, paniguradong sinupalpal ko na sila.

Kinuha ko nalang ang serials at gatas dahil walang epekto sa kanila ang acting ko. I mixed it before walking towards living room.

Umupo ako sa carpet bago kumain doon. Ilang sandali pa ay narinig ko ang pagtutulakan nila. Sabi ko na nga ba't di nila ako matitiis.

Narinig kong umubo si Skye. "Sheania! Ang layo ng pupuntahan natin tapos serials lang ang kakainin mo?!"

I gaze him before averting it. "Pake mo?" I playfully rolled my eyes. I continued eating.

"Nagtampo na. Hala kayo, basta ako kumakain lang."

"Yon na nga, kumakain tayo tapos 'di natin siya tinawag, pinaalis pa ni Sev."

"Si Sev naman dapat ang sisihin eh. Bahala kayo diyan."

What's the next game?Where stories live. Discover now