Chapter 4

21 9 22
                                    

Kanina pa ako tulala at hindi mapakali. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng minibus na sinasakyan namin. Halos ngayon lang pumasok sa isipan kong nasa kagubatan na kami.

Paano nila nalaman?

'Yan ang kanina ko pa tanong sa sarili ko. Hindi ko matanong sa kanila dahil ayokong masira ang kasiyahan nila. Nagtotong-its sila ngayon sa lapag ng minibus.

Narinig kong tumawa sila kaya napatingin ako sa bandang inuupuan nila.

"Ako na naman?! Pinagtutulungan niyo ba ako?!" Si Paps. Nakanguso siya habang may apat na dahon bayabas na hawak. Maya maya pa'y kinagat niya na ito. Natawa ako nang bigla siyang dumura.

"Tangina, lasang dahon." Ang bobo rin minsan ni Paps e no?

Natawa ulit sila. Tiningnan ko sila isa-isa at naabutan kong nakatingin sa akin si Sevirous. Tinaasan ko siya nang kilay at umiling lang siya at yumuko. Nakita kong may multong ngiti sa kaniyang labi kaya napailing din ako.

"Utot mo." Bulong ko.

Muli kong naisip ang mangyayari sa amin. Natatakot ako, sobra. Ayokong masira kami dahil lang sa isang tao. Isang tao... sisira sa ilang taon namin pagkakaibigan. Ang gusto kong malaman ngayon ay kung may tiwala ba kami sa isa't isa. Kahit 'yon lang.

"Sheania bib, naitext mo na ba sina tita at tito? Wala na kaseng signal dito banda." Tanong ni Aleeyah.

Tiningnan ko siya bago tumango. "Kanina, bago tayo umalis sa bahay. Iniwan ko rin naman ang susi kay Manong Edie, siya na rin ang magpapa abot ng sinabi ko." Sagot ko.

Tumango siya. "Mabuti naman."

HALOS magpipitong oras na kaming nasa byahe. Tapos narin kaming mananghalian. Nakapag take out kase kanina sina Alyana at Loraine bago kami byumahe.

"Malayo pa ba tayo? Baka matulog na muna ako. Walang signal eh, hindi rin ako nakapag offline ng story kanina, nasanay akong online nagbabasa." Si Blithyna.

"Share mo lang?" Pangbabara ni Seraphine.

"Ay nakikinig ka pala? Chismosa mo naman." Pang aasar naman ni Yna.

Inirapan siya ni Seraphine bago binelatan. "Chismosa nga ako, kahit nga kachat mo ngayon kilala ko." Ngumiti pa ito. Biglang may sumabat na unggoy.

"Sinong kachat ng Mi ko?" Tanong ni Sevirous. Hindi naman lingid sa kaalaman naming sobrang close ng dalawang 'to. Noong una nga ay akala ko magkarelasyon sila dahil sobrang lapit nila sa isa't isa.

"Oh, nandito din pala ang Knight in a shining unggoy mo." Napailing nalang ako kay Seraphine. Ibang klase, siguro branded.

Tiningnan ito ni Sevirous nang masama pero parang naalala nitong may kailangan ito sa babae kaya biglang ngumiti.

"Sino nga ulit ang kachat ni Mi?"

Tinawanan lang siya ni Seraphine bago nagflip hair. "It's for me to know, it's for you to find out." Bago tumawa nang malakas. Natawa narin ako nang makita ang paglaylay nang balikat ni Sevirous.

Bumalik sila sa kaniya kaniyang upuan bago nakinig kay Manong tanod—este Knoxx na nagsasalita for guidelines.

"So, pagdating natin doon, agad magsisimula ang laro. Wag kayong maguluhan kung may mga pangyayaring nakakagulo nang isipan, isa 'yan sa kanilang technique. That's our clue send by them. Tandaan niyo, hindi natin sila kilala. They said, maraming players na sumali, grupo grupo din. Matira matibay 'to kaya galingan natin. Although, kahit hindi manalo basta ligtas tayo, okay na ako. Maliwanag?"

"ANG NOO!" sabay naming sigaw lahat. Natawa din kami kalaunan.

Kahit takot ako, I can't deny the fact that I'm excited. I'm more than excited. I want to see how this one ends.

What's the next game?Where stories live. Discover now