Chapter 20(di yayaman)

7K 214 20
                                    

-----------------

Naglalakad na kami palabas ng may tumawag sa amin kinabahan ako.nakaakbay kase sa akin si Vice at baka kung anong isipin ng mga ito.

Lumingon si Vice at ngumiti ako naman tinanggal ko ang pagkakaakbay ni Vice.

"Oh Richard ikaw lang pala bakit?"
Hmmmn si Sir Richard lang pala pero bakit parang iba yung boses?

"Aba,di ko alam na close pala kayo?"nakataas ang kilay nito at nakakunot ang noo.

"Ah Kase pinapagalitan ko siya ayaw na kaseng sumali sa cotillion."muli niya akong inakbayan at kunware kinutusan.

"O sige maiwan ko na kayo." Nagpaalam na siya at umalis.

"Ang clingy kase yan tuloy." Sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang braso niya.

"Gusto mo naman.tara na may pupuntahan pa tayo."ngumiti siya at sumakay na kami ng kotse.

--------------------------------

"Eto try mo to.dali pak na pak."
Nakangiti niyang sambit sa akin habang inaabot ang gown .o diba bak to beks mode haha

Pumasok na akong fitting room at sinukat ang gown. Another perk pag may asawa kang bakla.hahah alam nila kung ano yung bagay na bagay sayo.

Nakailang pasok ata ako.

Umiiling siya at nagthuthumbs down pag ayaw niya ng gown ko.

"Turn around."

"Hindi bagay eh."

"Magpalit ka...!"

Nahihilo at napapagod na ako sa pag papalit.kanina pa kase eh....

"Ang tagal naman nan.lumabas ka na daliiiii."

"Oo na ang kulit mo naman.kala nito ang dali magpalit."sabi ko habang tinitiklop ang damit ko at nilalagay sa tabi.

"Lumabas ka na lang dito.ginabi na tayo K!."lumabas na ako at sinara ang pintuan nakatingin parin siya sa cellphone niya at nagtatype.

"Ok lang ba" tinawag ko si Vice at inangat niya ang ulo niya.nagbago yung ngiti niya sa pagtingin sa cellphone kanina at nagbago ang expression niya ng tignan niya ako. Na ilang ako sa tingin niya. Di ko kase mabasa eh kung natutuwa ba siya o napapangitan.

tahimik lang siya at bigla siyang tumayo.

"Magpalit ka na tara na."muli niyang binaling ang tingin niya sa cellphone niya at napakamot ako sa ulo.

Problema nun?

"Sir kukunin niyo na po ba?"

"Oh Karylle kung kukunin mo na daw ba?"tanong niya habang nakatingin parin sa Cellphone.

"Ah sisige po."

"Nako maam ang ganda po bagay na bagay sa inyo." Masayang bati ng saleslady

"Nako ate buti ka pa naappreciate mo.nakakainis kase yung--asa--isa diyan di marunong mag appreciate hmmpf."

"Nako maam natutuwa lang yan sa iyo.di lang maamin na nagandahan siya sa inyo.nako sanay na po ako sa ganyang mga reaction maam promise"napatawa naman ako.

lumapit na si Vice sa cashier at nagbayad. Ako naman lumabas na at naupo sa bench.

"Uwi na tayo " inalok niyang hawakan ang kamay ko para tumayo pero di ko kinuha at tumayo ako mag isa.

"O bakit K?"kinuha niya ang gown ko. At naglakad kami palabas ng mall.

"Wala umuwi na tayo."napaling siya at nauna akong maglakad.

VICERYLLE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon