Chapter 40

4.4K 200 19
                                    

Karylle

Napansin kong buhat-buhat ni Vice si jem habang paakyat galing ng pool. Binulungan niya si Vice at binaba niya ito.

"Ah kase po wiwiwi ako."hinigit niya ang laylayan ng sando ni vice.

"Sige baby sasamahan na kita." Nginitian niya ako bago sila tumalikod para pumunta sa restroom.

Hindi ako nakapagrespond agad kase nagulat ako. Baka tama nga si anne. Kailangan na mag-usap kami tungkol dito.

"Nanay! Swimming ka din?"

"Nako baby hindi na kayo na lang."

"Awww.. Please nanay."

"Nako wala akong dalang pamalit baby. Sige tatabihan ko na lang kayo sa pool." Lumapit ako at hinubad ko ang slippers ko. At binabad ko ang paa ko sa tubig.

"O diba parang nag siswimming din ako."

"Ang daya naman ni nanay hahah."

"Mamang nasa wallet ni---tito daddy? na lang po ba? Dun po ako sa kiddie pool di po ako aalis promise mag lalaro po kami ni ryzza at bimby!"

"Tito daddy? Sige ok lng haha samahan na kita sa kiddie pool and Wag  lalayo baby ha?  tatawagin mo kami pag may gagawin ka ok?"

"Ok po :)"

Lumipat ito at napansin kong masaya itong nakikipaglaro sa mga ibang bata.

"Ngayon ko lang napansin na hindi siya nahiyang makipaglaro sa ibang bata."

"Ah.. I talked to her. Sabi ko mabuting maging friendly sa ibang bata and i guess she took my advice well." Umupo siya sa tabi ko at nakababad din ang paa niya sa tubig.

"Thank you."

Napalingon ako sa kanya at di ko napansin na nakalingon din pala siya kaya halos kainin ang space sa aming dalawa napalingon ako pabalik sa pagkabigla.

"Salamat Karylle kase you let me bond with our child. Kahit alam kong hindi pa tayo ganun ka ok."

"May karapatan ka naman sa bata kaya marapat lang naibigay ko yun sayo."

"I'm sorry." Saad niya. nilarolaro niya ang tubig. "I'm sorry if you felt like i abandoned you. Masyado akong galit and i  wasn't thinking straight, i let my anger eat me up. Alam kong mahirap pagbayaran ang oras na nawala at mga oras na sana napagtuunan ko ng pansin kayo ni jem pero sana hayaan mong mapunan ko yun ngayon or kahit kailan kayo handa, i will wait."

Bumaba siya at lumusong sa tubig. Humarap siya sa akin at hinawakan niya ang kamay kong kanina lang ay nilalaro ang tubig.

"A chance. Please give me a chance to fix everything." Hinalikan niya ang kamay ko at natulala ako.

"Karylle.. I... I lo--"

*splash*
*psshhh*

"RYZZA! Nahulog tuloy si nanay! Lagot ka!!!"

Nagulat ako dahil kase bigla akong nahulog sa pool napatuon ako kay Vice. Mahigpit na nakakapit ang mga kamay niya sa bewang ko ako naman nakasandal ang kamay ko sa dibdib niya. Parehas kaming nagulat sa nangyayare.

"Ay si nanay pbb teens." Napalayo naman kami parehas ni Vice at lumusong ako pataas ng pool.

"Ikaw Ryzza natulak mo si nanay . Hulog siya tuloy. Sorry tayo!" Lumapit naman ito at nagsorry sa akin.

"Sorry po." Maya-maya ay may dumating na mag anak at talagang mapapalingon ka sa kanila. Yung isa kaseng lola aakalain mong sasali sa malapit na miss gay dahil sa kapal ng make up. Mas lalo akong natawa dahil madami siyang kasamang akala mo ay psg.

"Nakaka amuse naman yung kilay tinakpan ng concealer tapos kinapalan pa yung kilay sa noo." Komento ni Vice ng mapansin niya kung saan ako nakatingin.
Nilagyan niya ako ng towel sa balikat at ibinalot niya ito.

"Share na tayo ha? Sorry kung medyo basa na wag kang mag-alala malinis naman--"

"Ok lang para namang hindi tayo nagsama dati."
Napalunok ako sa sinabi ko at napa smirk siya.

"Ah ehh oo nga pala may klase pa ako eh. Jem! Jem! Baby ahon ka na bukas na lang ulit!"

-------------------------

Vice

Masayang-masaya ako. Iba to eh never ko pang naramdaman to. Iba pala talaga pag nagka anak ka. Gustong-gusto ko siyang yakapin kahit ayun lang ang gawin ko papayag ako. Seeing her smile nakakatunaw ng puso. Sana lang pumayag na si Karylle dahil miss na miss ko na siya. At least ngayon diba? Nag-uusap na kami?

Bumaba na kami at buhat buhat ko pa din si Jem. Di ko kase alam kung kailan ko ulit siya mayayakap o mabubuhat ng ganito.

"Tito daddy. Baba na po ako."

"Ah sige sige."

"Ah Vice papaliguan ko lang si Jem pwede mo gamitin yung CR sa may kitchen tas may sabon and shampoo naman dun kaya may magagamit ka, oo nga pala mangheheram ka ba ng damit?"

"Hindi na meron naman ako sa kotse salamat."

Umalis na siya at maya-maya nilapitan ako ni Anne.

"Once na malaman ko na nasaktan mo ulit ang bestfriend ko. Mag sisisi ka! Nakikita mo yun?" Tinuro naman niya yung bintana sa may living room.

"Bintana."

"Alam mo ba kung anong floor tayo?"

"20-20th floor."

"Once na saktan mo siya mag saskydiving ka ng walang harness at parachute ok?"

"Wag kang mag-alala anne. I'll take care of Karylle and Jem. This time i will stand to my word. Aayusin ko ang pamilya ko."

Ngumiti naman si anne at hinawakan niya ang kamay ko sabay talikod."Pero i'm warning you. Laging bukas yang bintana ko. Sige po Dean."

Napa chuckle ako at pumasok na para makapag shower.

----------------
Karylle

Bumaba na kami ni Vice dahil sabi niya papunta din siya sa University.  Nakasakay kami sa elevator at papunta siyang basement para sa kotse niya samantalang ako baka magpatawag na lang ng taksi sa lobby.

"Karylle, sumabay ka na lang sa akin same destination naman bakit ayaw mong sumabay?"

"Parang  nangyare to noon diba alam mo kung ano ang ibig kong sabihin." Tugon ko.

Umiling siya at hinigit niya ang kamay ko.

"Karylle, bago ka magalit. I want to say thank you. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayong araw. Salamat dahil binigyan mo ako ng anak na kasing cute at ganda ni jem jem. Manang-mana sayo."hinawakan niya ang pisngi ko and planted a kiss on my forehead. Niyakap ko siya ng mahigpit at bumulong siya sa tenga ko.

"Akala mo ba makakalimutan ko yung mamang nasa wallet ni nanay?"


-------------

😻😻❤️❤️❤️❤️❤ #VICERYLLE44thefans

Comment and vote. Sembreak na hihi

VICERYLLE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon