Chapter 39

5K 201 31
                                    

Vice

Tumingin ako sa orasan at tingin ko maaga pa para sa klase ko kaya dumeretso ako sa office ko.

Sa totoo lang wala na nga akong gagawin na paperworks dahil yung mga pinagawa ko kay Karylle natatapos niya naman on time kahit medyo redundant at wala naman masyadong sense. Pwede ko naman kaseng hindi na ipagawa yun dahil may soft copy naman ako sa usb ko. Gusto ko lang siya pahirapan. Di ka na niniwala? Fine, I just wanted to see her often kaya ganun.

Siguro mag sosocial media na lang ako or matutulog na lang to kill time.

Nakarinig naman ako ng pagbukas ng pinto at ilang yabag ng paa.di ko iniangat ang mukha ko para makita kung sino yun obvious naman kase.

"Diba sabi ko sayo kumatok muna bago pumasok? Tsaka i texted you na wag kang pumasok ngayon diba?"

"Sir.Good morning po. I'm Jimmy Bondoc.your new SA."madalian ko naman naingat ang ulo ko sa pagkabigla.

"Ano???!!!"

"Ho? Ah i was instructed po Dean."

"How did this happen? Diba dapat dumadaan muna sa akin to bago mapaltan ang SA ko? Diba dapat may approval ko muna??!!"napatayo ako and tinukod ko ang dalawa kong kamay sa table. Napansin ko namang kinabahan yung estudyante kase bahagya siyang napaatras sa gulat.

"Sir ganun po ba? Pero ano po kase--Sige ho."nagpaalam na siya at lumabas ng office ko.

Binuksan ko ang drawer at madaliang kinuha ang phone ko.

I quickly scrolled to Karylle's name and called her.

Naka-dalawang ring pa lang pero inend ko ito agad.

"Bakit ba frustrated na frustrated ka Vice?" Umubob ako at ipinatong ang phone ko sa lamesa.napansin ko yung binder na color violet sa may desktop.

Tumayo ako at kinuha ko ito.

"Hmmn notes pala to ni Karylle sa Subjects niya."

Napasmirk ako and madalian kong inilagay ito sa drawer ko.
-------------
Karylle

"Anning, pakibantayan muna si Jem pupunta lang ako sa school."

"Ano? Ang aga pa ah? Aalis ka na?"tanong ni anne. Kakauwi ko lang galing sa bahay ni Dean. Ang ackward talaga.

"Mag-ququit na ako sa pagiging SA."

"Ayan nanaman nag papadalos-dalos ka nanaman.Teka pwede ba yun? Knowing him? Hindi yun papayag K.."umiling siya habang tumatawa.

"Hindi ko naman ipaaalam at tsaka may kaibigan naman akong sasalo sa pagiging SA he can handle it."

"Teka bakit ka nga ulit nag quiquit?"

"Ayokong gumawa pa siya ng paraan para magkabalikan kami."

"Pero bakit Karylle? Alam kong mahal mo parin siya tama ba ako?"

"Anne. Sana respetuhin mo desisyon ko. Ginagawa ko to para kay Jem."

"No offense K. Pero hindi mo to ginagawa para kay Jem. Takot ka lang na umasa ulit diba?"

Napatahimik ako sa sinabi ni Anne. At napatingin ako sa baba.

"Anne, umiiwas ako sa gulo. Bumabalik nanaman ang mga nangyare noon. Mas mataas na siya ngayon at alam kong mas lalong hindi ko siya kayang abutin."

VICERYLLE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon