Chapter 27

5.2K 206 28
                                    

10 minutes lang kami hinayaang maglakad sa paligid ng retreat house.

Nakakarelax lalo na at tanging mga halaman ang nakikita mo dito ang sarap sa pakiramdam nakakalimutan ko panandalian ang mga problema ko. Pero tulad nga ng sinabi ko panandalian lamang ito.bumalik kami sa cottage at naisipan naming magpahinga kahit mga 5 minutes lang.

"Sayang naman 3 days lang tayo dito! Ang daya yung last batch one week!!"

"Anne alam mo naman na may kasunod pang event diba? Tsaka nagkataon na may gagawin din ang mga k12 students."

"Fine hmmpff alam na alam mo din ano? Teacher kase asawa eh."
Napailing na lang ako at napatawa ang kulit din ni anne eh.

Nahiga ako sa kama. Wala akong magawa at tinitigan ang ceiling mas naappreciate ko yung interior ng cottage.

"Kaya pala mahal."sambit ko

"Shhhh ingay nito"napalingon ako kay Anne at natutulog na pala siya.inirapan ko si anne at muling tumingin sa ceiling.

Boring naman.

Yung phone ko naman naka surrender sa teacher namin.para daw mas maging relaxed kami. Parang yung balik simpleng buhay ganun.

Nakarinig na kami ng bell that means kailangan na namin pumunta sa hall. Start na ng activities!

Nang makarating na kami dun sinalubong kami ng isang babae.mukhang respetado at matalino.nasa 20's na ata.

"Goodafternoon! I'm Ms.Cesca Elero.i'll be your speaker throughout this program."

We all greeted back and started to seat down to our respected seats. Isa-isa din kami inabutan ng name tags para mas maging personal ang aming speaker towards sa topic.

Nagkaroon ng ilang introduction and inexplain niya ulit ang mga rules sa loob ng retreat house.then she gave us a topic.A topic about long term goals. Tsaka yung pagkukuhanan ng motivation.natahimik naman ako ng mabanggit na ang tungkol sa family.di ko namalayang uniiyak na pala ako.

Mukhang bumalik lahat ng masasakit na nangyari sa past ko.Ang kabataan ko.another reason bakit ako ipinakasal kay Vice.

Lumaki naman ako ng maayos pero lahat nagbago ng tumuntong ako ng 10 years old.
Namatay ang mommy ko at ang kapatid ko.Ang Dad naman naguilty at isinisisi ang sarili sa pagkamatay nila.

May kumpanya ang tatay ko sa pagkakaalam ko .
Dahil nga sa pagkamatay ng mom at kapatid ko.masyadong na apektuhan ang tatay ko at napabayaan niya ang kompanya.

Nagkaproblema siya at nagkautang kay lolo.Oo sa lolo ni Vice. Dahil sa pagkakautang ng tatay ko sa kanya lumubog na kami at lalong nahirapan dahil bumagsak na ang kompanya. 3 taon ang palugid kay Dad pero sa tatlong taon na yun walang naipon si Dad dahil iniipit siya ng mga shareholders at pinagbabantaan ang buhay niya dahil sa pagkalugi ng kompanya.

Sa murang edad ko na katorse anyos di pa ako ganun ka aware sa nangyayare dahil di naman sa akin ipinapaalam ng Dad ko . Lalo akong naiyak ng malaman ko lamang ito ng ikwento ito ng mismong Dad ko ipinaalam niya sa akin na pagtungtong ko ng 16 years old ay ipapakasal ako sa apo ng pinagkakautangan niya. Nung una galit na galit ako sa kanya pero mas nanaig yung pagka awa ko sa Dad ko. Lahat ng ipinundar niya,dugo't pawis ang ginugol niya pero nauwi ang lahat sa wala.

Ipinaliwanag din niya na pag pumayag at tuluyan na naikasal ako sa apo ng pinagkakautangan niya. Mawawala na daw ang ilang debts namin at tutulungan kaming makabangon muli at magsimula ng bagong kompanya.pikit mata akong pumayag para narin sa ikabubuti namin kahit labag sa sarili ko ang desisyon na ito.

Tinupad naman nila ang pangako nila.

nawala na at tuluyan at nabayaran ang mga utang namin. Akala ko magiging ok na ang lahat pero..

VICERYLLE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon