Chapter 29

4.2K 193 25
                                    

Natapos ko na ang gawain ko sa office kaya umuwi na ako sa aparment para magnakaw ng kaunting tulog kase sigurado madaling araw na ako makakauwi dahil singer ako sa isang restobar. Maayos naman ang restobar at malaki din ang sweldong nakukuha ko dito.

Malaking tulong to lalo na sa renta ng apartment ko at iba pang expenses and sa course ko pa.masaya ako dahil kinaya kong tumayo para sa sarili ko.nagpapadala din ako ng kaunting pera para makatulong na din ako sa pamilya ni vhong.sila kase ang tumayong pamilya muna ng anak namin. Anak ko pala.

Naalala ko din ang pagkagulat sa mukha nila tita dahil sa pag aakala na si vhong ang ama ng anak ko.lugmok na lugmok lang talaga ako nun at nagpapasalamat ako na tinulungan ako ni vhong pati ang pamilya niya.

Naging pamilya na din ang tingin ko sa kanila inalagaan nila ako sa mga panahon na pinagbubuntis ko si JemJem. Ang unica iha kong napaka bibbo. Mag tatlong taon na ito next month.nakakamiss din ang batang yun. Napaka kulit. Medyo matalino din ang bata for her age nagmana... Nagmana sa akin.

And they even volunteered to take care of little jemjem dahil napamahal na din ito sa kanila at tinutulungan nila ako para makatapos ng pag-aaral.

---

Nakarating ako ng maayos sa restobar at nag practice ng kaunti bago buksan ang restobar.

Madaming napasok sa restobar na ito at madami ding loyal customers kaya minsan nabibigyan din ako ng malaking tip.buti na lang at nahiligan kong kumanta.

Nagpapasalamat na ako sa lahat ng pumunta at nag papaalam na ako.matatapos na kase ang shift ko at gustung-gusto ko nang matulog.

Palabas na ako ng may tumawag sa akin.

"Mrs.Viceral?"

"Atty.Tiangco,we both know na di naman talaga kami kasal. Kaya wag mo na akong tawaging Mrs."cold kong sabi.tumahimik naman siya and he cleared his throat.

"May gusto lang akong idiscuss sayo ms.tatlonghari."

"Kung tungkol pa rin to sa tulong at sa kayamanan nila.ilang beses ko na-" "Terminal na ang sakit ni Mr.Viceral."

Nabitawan ko naman ang bag ko at dali-dali ko na itong pinulot.

"Kung pwede lang sanang mapag-usapan-Ms.Karylle?Teka!!"

Di ko namalayang tumulo ang ilang mga luha sa mata ko.iniwanan ko si atty.lucky at nagtatakbo palabas,ayokong makita ito ng ibang tao dahil kilala nila ako as a strong woman. Pero bakit ng marinig ko yun parang gumuho yung mundo ko.
Terminal? Tinablan ang damuhong yun?

Tulala akong naglalakad pauwi ng bahay namin.

Malakas na pala ang ulan pero tamad akong buksan yung bag ko para kunin ang payong. Naglalakad pa din ako habang umuulan.

Nakapasok na ako sa apartment at doon ko mas ibinuhos ang sakit. Kahit lumayo ako,kahit takbuhan ko ang nakaraan. Bad memories still haunts me.bakit ko ba nadedeserve to?

Si lolo,ang tumayong tatay ko dati,lalo na at kinupkop niya ako.pero paano niya nagawang lokohin ako.kami?

F L A S H B A C K

matapos nga ng pag alis ni Vice at pag sabi niya sa akin na itigil nanamin ang relasyon namin. Tinotoo niya ang lahat nawala siya ng ilang linggo. Iyak ako ng iyak nun dahil hindi manlang siya lumaban.sumuko agad siya.he didn't put a fight for us.mahal ko siya eh. Mahal ko siya dati.

Pinuntahan ako sa bahay ni lolo.sinabi na din niya na sa bahay niya daw muna ako tumira habang hindi pa nagpapakita si Vice.galit na galit nga si anne dahil sa nangyare.

Dun ako nagpalipas ng gabi at dun na ako tumira dahil sa tagal na hindi nagpakita ni Vice.

Isang beses nagdala ako ng meryenda para kay lolo at atty.tiangco.narinig ko ang usapan nila tungkol sa pag sesettle ng ilang-ariarian nila.

Nabanggit doon ang kompanya namin. Nalaman kong siya pala ang nag-ipit sa amin para bumagsak ang kompanya at mapasa kamay niya ito. Ginamit niya lang ako para makuha niya gusto niya.nalaman ko din na hindi totoo ang kasal namin ni Vice.ng makaalis silang dalawa ako mismo ang nakakita sa dinoktor na marriage certificate namin.

Bakit?bakit lolo?bakit niyo to ginawa?

Nang malaman ko ito. Umalis na ako ng walang pasabi sa mansyon ni lolo. Niloko lang ako ni lolo.akala ko pamilya ko siya pero siya papala ang sumira ng pamilya ko kung hindi sana niya ginawa yun edi sana masaya kaming nabubuhay ni papa ngayon.knowing na dahil sa pagkaluge ng kompanyang yun na depress si Dad at humantong sa pagkamatay niya.

Kaya nga siguro ngayon hindi na ako masyadong nagtitiwala sa mga tao. Pili lang ang mga kausap ko at kung mayron man sila anne at vhong lang ang nga yun.

4 na oras lang ang tulog ko.masakit ang ulo ko dahil sa pag-iyak ko kagabi.

Nakakapagod na pero lalaban ako para kay jemjem. Gusto ko siya bigyan ng magandang kinabukasan.

-------

Sa univ.lagi akong kinakausap ng mga prof dahil responsable daw ako at maayos kong nagagawa ang ilang errands na pinapagawa nila.

Dakilang utusan.student assistant eh.

Normal na araw lang papasok sa classes ko at sunod naman nun ang pagpunta ko sa office para sa duties ko as a student assistant.

Papasok na sana ako ng iffice ng makasalubong ko si sir na may kausap sa phone.

"Mr.maximo alam niyo naman na busy talaga ako nga--OO kung ganun kailangan ng pag-usapan yan!" Sinenyasan niya ako at tinakpan niya ang mic ng cellphone niya.

"Iha ikaw ng bahala dito yung mga estudyante na kakausapin ko ikaw na kumausap." With that umalis na siya at muling kinausap ang taong nasa kabilang linya.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at nakita kong nakapila sa dulo si Billy. Di ko siya inimikan at dumeretso sa table bi Sir.

Iba iba ang offense ng mga ito. Yung iba dahil sa hair color,cheating,late and the list goes on.

Binigyan ko na lang sila ng dates para magawa ang community services.
Maya-maya ang naupo na ay si Billy.

"Hello K."
"Pangalan?"

"Ano?"

"Sabi ko...pangalan and pakilapag na lang yung registration form and pa fill-upan tong tardy sheet."

Hindi na siya umimik at ginawa ang utos ko.

"Kamusta ka na?"

Tanong niya sa akin.hindi parin ako umimik at inasikaso ko na lang ulit ang pag-aayos ng papeles.

"Mr.Crawford,makakaalis ka na,sasabay ka nxt week sa NSTP ng HR department."

"Ah ganun ba?"

Nakaupo parin siya dun at ako di ko padin siya pinapansin.

"Madami pa akong gagawin at nakakahiya naman kay Sir kung hinahayaan kong may nakatambay dito.Again makakaalis ka na."

Napakamot na lang siya sa ulo at lumabas ng office. Pagkasarang pagkasara ng pintuan na pabuntong hininga ako.

-----
Ano nga bang nangyari kay Vice?

VICERYLLE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon