Chapter 42

4.4K 156 16
                                    

Vice

Eto na nabuko na ako ni Karylle, actually no, binuko ko ang sarili ko sa plano ko. Ok na din naman diba? Kase sasama naman siya eh.

"Karylle, so pupunta ka na?"
Nginitian ko siya at pilit kong hinawakan ang kamay niya.

Nakatingin siya sa akin at di umimik sa paghawak ko sa kamay niya.

"Salamat kase binigyan mo ako ng pagkakataon na--"

"Igilid mo yung kotse." Omaygad bakit igigilid? Ang utak mo nanaman.

"Huy! Sabi ko igilid mo.. Vice?"

"Ah eto na eto na."

"Igilid mo lilipat ako sa likod."

"Teka Karylle, sigurado ka ba na dito natin yan gagawin? " medyo napapakamot ako sa ulo dahil sa pamumula ngayon. Bakit napaka casual lang sa kanya ng ganong bagay? Dahil ba naging mag-asawa na kami technically?

"Ano? Natin? Magbibihis ka din?"napataas ang kilay niya at napabuntong hininga ako. Na aligaga ako kase kanina pa siya nakatitig.

"OH?!! Ah HINDE! Hinde ibig kong sabihin bakit dito ka magbibihis?"

"Saan ako mag bibihis?"

Tanong niya sa akin. Seryoso ba siya na magbibihis na siya dito? VICE DEAN KA PADIN!! MGA INIISIP MO! Inayos ko ang upo ko at hinarap ko ang manibela.

"Gusto mo dun ka na lang sa party magbihis? Para di ka mahirapan."nilingon ko siya at tumingin naman siya ng matalim sa akin kaya napatigil ako sa pagsasalita.

"Tignan mo nga yung suot ko. Nakapantalon lang ako at polo. Madali lang para sayo kase lalaki ka, tsaka kahit ano namang suotin mo bagay sa---Basta kailangan kong magpalit."

"Ang sungit mo meron ka ba? Traffic na at wala tayong madadaanang gas station, siguradong  malalate na tayo."

"Well, ayoko parin na pumunta na ganto suot ko. Tsaka ang ganda ng binili mong dress.. Sige na nga Uuwi na nga lang ako.."

"HEP HEL HEP! Fine, igigilid ko ang sasakyan magbihis ka."

"Sige sa likod na ako magbibihis pero lumabas ka." Kondisyon ni Karylle.

"Bawal tong gagawin natin kaya ayokong lumabas baka ma towing tayo!"

"Anong gagawin mo dito papanoodin ako?"

"Sus, nakita ko na yan lahat." Nag ka jem na nga tayo eh.

"Anong sabi mo?"

"Wala eto na nga tatakpan ko mata ko, sabihin mo pag tapos ka na magbihis."

Kasya ba sa kanya yun? Hmmn tingin ko kasya naman sa kanya yun.

*ring ring*kinapakapa ko ang phone ko sa dashboard at sinagot ang tawag.

"Hello buern? Oo papunta na kami....... Alam naman niya yung plano........ OO umamin na ako ang may pakana...... DI na ako banban? Anong sabi mo?..... Teka oi..*tooot tooot tooot*"

"Vice... "

Nakatakip ako ng mata pero nag tatry akong lumingon.

VICERYLLE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon