Chapter 26 part 1

5.6K 174 14
                                    

Nakauwi na ako sa bahay. Naabutan ko naman si Vice na nanonood ng tv. Madalian siyang tumayo at sinalubong na niya ako.niyakap niya din ako at bumitaw

"Ano? Kamusta araw mo hon?Kumain ka na ba? Gusto mo paghanda kita nagluto si--"

"Ah-eh busog ako salamat na lang.sige magpapalit lang akong pambahay."sabi ko sabay taas sa 2nd floor.

"Sige baba ka na lang pagkatapos."

Di ko maintindihan,pero parang naguguilty ako. Naguguilty ako kay Vice. Paano pag nakarating sa kanya to? Alam kong wala lang naman at pagpapanggap lamang ito diba?pero kinakabahan ako sa nais ni Billy.

Nakapagbihis na ako pero sa tuwing itatry kong buksan ang pinto napapatigil ako kaya pinili ko na lang magstay sa kwarto . Magmunimuni ganun. Nahiga ako sa kama at nakatitig sa kisame iniisip ko parin ang kondisyon ni Billy. Ang kondisyon niya tungkol sa pananahimik.

*sigh*
Bumangon ako kinuha ko ang bag ko at Umupo ako sa may study table ko,kinuha ang mga gamit ko at isa isa itong ipinatong sa lamesa.

Narinig ko naman may kumatok sa pintuan at nagsalita ako para sabihing bukas ang pintuan.

"K?hon? Busy ka ba?"

Nakatingin ako sa mga mga gamit ko at patuloy sa pagaayos nito.

"May inaayos lang ako."
----------------------------
VICE

Wala akong ginawa buong araw. Well siguro nagbuklat ako ng mga libro pero di ko nadin naman maayos yung lesson plan ko since yung iba nasa office ko .

Napabuntong-hininga ako kase bored na bored ako.
-----------------
We Chat

Vice😎💋💙:Busy kayo?

Archie💋✨:aba himala at napasyal ka dito.

Buern💕Dyosa: Hi meme. Teka wala ka bang trabaho ngayon?

Bernard🍕🍝🍗🍜: manlilibre ka??

Vice😎💋💙:nasa bahay lang ako ngayon.

Archie💋✨: Whychi? Anyare??

Vice😎💋💙:Mahabang Kwento! Basta ikekwento ko na lang pag nagkitakita tayo.

Buern💕Dyosa:Kelan ba??

Vice😎💋💙:Itetext ko na lang sa inyo kung kelan at kung ano yung plano para alam na alam niyo ok👌🏼👌🏼👌🏼.

------------------

Sa wakas nakauwi na din si Karylle masaya ko siyang sinalubong at niyakap.

Nakakapagtaka ang kinikilos niya dahil nauutal siya sa mga sinasabi niya at parang iwas siya sa akin.

Baka pagod lang siguro kaya ganun.kaya inintindi ko na lang.tama wag ka magisip ng masyado vice.

Nagpaalam na siya na magpapalit siya ng damit at sinabi ko na bumaba na lang siya pagkatapos.

Sabik na sabik akong makipag kwentuhan sa kanya ewan ko ba.

Pero lumipas ang ilang minuto hindi parin siya bumababa.kaya naisipan kong umakyat na sa kwarto niya.

"Karylle??"

"Bukas yan"

Ngumiti ako at pumasok sa loob. Seryoso siyang nagaayos ng gamit.

"K?hon? Busy ka ba?"

"May inaayos lang ako."

"Ganun ba?tulungan na kita gusto mo? Hmmn sa assignment mo gusto-"

VICERYLLE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon