Chapter 41

4.4K 179 21
                                    

Karylle

"Akala mo ba makakalimutan ko yung mamang nasa wallet ni nanay?"

Napabitaw ako sa yakap at lumayo ako ng onti.

"Hahahha o bakit namumula ka?"

"Hindi mo yun picture . Calling card mo yun. binigay---binigay ni Sir Claros sa akin nung naaassign ako sayo,kaya wag kang mag illusion. Gusto mo ipakita ko pa"nilabas naman ni Karylle ang wallet niya pero pinigilan ito ni Vice.

"Ang defensive mo naman hahah tara na sakay na."

-------
Vice

"Saang building ka ba?"

"Kahit ibaba mo na lang ako sa kanto ng university."

"Nope, ihahatid kita. Iba na ngayon Karylle."

"Paanong iba."
Tinignan niya ako ng kakaiba and she squinted her eyes, confused? Hindi na ako umimik at siya naman tumingin sa bintana.

I pulled over dahil nasa loob na kami ng university,nakatulog ang babaita.

Maya-maya napansin kong nahulog yung wallet niya.

Nahulog ng babaita. Halatang may tinatago di manlang nilagay sa bag niya.

Binuklat ko ito.

Napangiti ako ng makita ko yung picture namin. Parehas kaming nakangiti at magkaakbay kaming dalawa, nasa background pa nito ang space shuttle na tanda kong pinuntahan naming dalawa, akap akap pa ni Karylle ang napalanunan kong little pony na fluttershy. Halatang matagal na ang litrato dahil sa creases nito sa tabi at medyo faded na ang ink.

"Itinago mo pa talaga to?" Madalian kong ibinalik ito at inilagay ko sa bag niya.
Napatingin ako sa mukha niya. Kelan kaya kita ulit makikitang natutulog ng ganto kalapit?

Tumingin ako sa oras.
3:30 pm

"Karylle..Karylle gising na."

Lumabas na ako at siya naman nag inat at lumabas na din.

"Sasalamat.." Tumalikod na siya at naglakad palayo.

Ngumiti na lang ako habang pinapanood siyang lumayo.

"Malambot naman ang puso mo pero bakit nagmamatigas ka pa din Karylle?"

Binuksan ko ulit ang kotse ko at napansin ko ang isang folder na nakapatong sa likod.

"Humanities Compilation of the semeater finals... Kay Karylle to diba?"

Umiling ako and i checked my phone . Pinicturan ko kase schedule niya kaya alam ko kung anong room niya.

"Ang burara mo talagang babae ka"

-------------

Karylle

"Dapat pala nag pa hatid na ako . Yung building kase nasa kabilang ebayo pa ..."

Tumingin ako sa relo ko

"3:50 pm"

Ano ba yan !

VICERYLLE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon