Chapter 35

4.7K 207 29
                                    

"Karylle,galit ka ba kila Mama?"kasalukuyan silang nagdadrive pauwi sa laguna.si vhong lang pala.

"Hindi,hindi ako galit kila tita.alam ko naman na gusto lang nila akong tulungan,pero hindi ko kaya Vhong.siya na lang ang natitira sa buhay ko."

Nasa likod ako ng kotse at yakap-yakap ko si Jemjem na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"Naiintindihan kita K,alam kong mahirap nga pag desisyonan ang bagay na yan.pero wag kang mag-alala tutulungan ka namin ni anne....nandito lang kami lagi."
------------

KINABUKASAN

VICE

"Eto na ho yung order niyong Pansit,lumpia,at ginisang sitaw!!"Masayang bati ng tindera sa akin. Kumakain kase ako sa karinderya malapit sa University.naisipan kong dito na muna kumain dahil sunod-sunod ang kain ko ng fast food.

"Mukhang respetado po kayo ano ho?"
Ngumiti lang ako at nagpatuloy sa pagkain.nganganga palang sana ako kaso muli siyang nagtanong.

"Ah,sa UP ka pala."

"Oho."
Napabuntong hininga ako at muling ngumanga.

"Professor ka ba iho?"napapikit ako at ibinaba ang kutsara.

"Dean ho."

"Ay NAKU!Dean ka pala.siguradong napakatalino mong bata ano?"

"Salamat ho."kanina pa tong aling to.di ako makakain ng ayos.

Narinig kong nagtunugan ang ilang kaldero at umalis ang matanda sa harapan ko malamang inaalam kung anong nangyare sa kaldero.

"NAKU!JIM! Hindi yan laruan.teka maupo ka muna dito.Gutum ka ba?"rinig ko sa background. Salamat sa batang makulit at naiwanan ako ng matandang iyon.sa wakas nakakain nadin ako.

Pagkatapos kong kumain.tumayo na ako at dumeretso sa susunod kong klase.

"TEACHER TEACHER!" Ano? Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang batang may hawak na panyo.

"Nahulog teacher." Iniabot niya ito sa akin at kinuha ko ito. Ewan ko ba napatitig ako ng matagal sa batang ito.

"Bye teacher!" Tumalikod na ito at naupo sa tabi ng tindera kanina.
After kong dumaan sa office ay dumeretso ako sa klase ko.

Napansin kong may palakad-lakad sa loob ng classroom na bata.

"Teka!sino ang batang ito?"

"Ewan po namin dean.kanina pa po pagala gala yung batang yan dito eh."

Sagot ng isa kong estudyante. Yung bata. Oo tama!yan yung bata sa kinainan ko kanina.

"Bata!psst lika dito. Nasan kasama mo?"
Ngumiti siya at kumaway sa mga estudyante. Maya maya lumapit siya at hinigit ang pantalon ko.

"Di ko alam.eh wala bigla nanay at tatay bon."

"Ano?"

"BINGI! Tatay Bon!"

Nag tatawanan ang mga estudyante at tumingin lang ako ng matalim sa kanila at nagsi tahimikan naman ulit ang mga to.

"Bata tara iuuwi muna kita wala dito yung bon ok?"

"Pero punta kanina si nanay tas wala bigla!"

Binuhat ko ito.

"Class maghanda kayo sa quiz ko pagbalik ko."

VICERYLLE 101Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon