Kabanata 10

199 16 0
                                    

Mix Bautista


Pagkalabas ko ng cr ay wala ng tao sa loob. Tumingin pa ako sa gilid baka nagtatago lang, gaga ang liit nito magtatago? Nang na-confirm kong wala na ito ay umupo ako sa kama at nag-isip kung sakaling hanggan doon na lang yun?

Hindi kami nag-usap tungkol doon, ano yun one-night stand?

Habang nag-iisip ako ay may napansin ako sa ibabaw ng lamesang mallit sa gilid ng kama. Kinuha ko ito at tiningnan, isang note na may nakasulat.

Thanks. See you soon.

-SS

Si Seiji? Thanks ba ibigsabihin tapos na, ganon-ganon nalang? And see you soon? Magkikita pa ba kami? Sa school syempre. Dumagdag pa sa iisipin ko tuloy.

Kaya kaysa ang mag-isip ay lumabas na ako at dumiretso kay Reyn dahil na sa kaniya ang bag ko. Kakamustahin ko rin siya kung bakit nawala siya kagabi.

Pagkalabas ko ay napansin ko na nag-iba ang harap ng bar, isang Cafe? Wow, Cafe sa umaga, bar sa gabi.

Dumeretso na ako sa bahay nila Reyn at kumatok dito. Mabuti nalang ang binigay ni Seiji sa akin na damit ay  mala-turtle neck pero hindi kataasan sa leeg ko at hindi ko alam kung mahahalata ba o hindi.

"Oh, Mix si Reyn ba?" Si Tita ang nagbukas sa akin.

"Good morning po, yes po," Magalang na sabi ko rito.

"Nako! Yung batang yan mukhang pagod na pagod pagka-uwi rito at magpapahinga raw muna siya, pero puntahan mo na doon dahil anong oras na," Saad ni tita kaya tumungo ako rito.

Umakyat ako ng hagdan nila papunta sa kwarto ni Reyn. Kumatok ako rito ngunit walang sumagot.

"Pasok ka nalang, bukas yan," Pahabol na sabi ni ng mama ni Reyn kaya tumungo ulit ako rito.

Pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko itong nasa kama at mukhang tulog patagilid. Gigisingin ko ba? Baka maistorbo ko, pero sabi ng mama niya, eh. Sa pag-iisip ko ay narinig ko ang mahina nitong mga hinaing.

"Shet, ang sakit, huhuhu. Ba't ba kasi ang laki," Narinig ko ito may sinasabi ng mahina kaya duda akong hindi ito natutulog.

"Hoy! Gising na!" Panggugulat ko rito.

"WAHH! ANO BA MIX!" Nagulat na sabi nito habang nakahawak sa kaniyang dibdib.

"Ikaw, huh! Ano ba yang mga sinasabi mo dyan?" Pang-aasar ko rito dahil narinig kong may sinabi itong ang laki raw. Nakita ko itong biglang namula.

"Kanina ka pa ba dyan?" Takang tanong nito pero mababase ang takot.

"Kanina lang, nag-iisip ako kung gigisingin ba kita, bakit ano yun, huh?" Sagot ko rito.

"W-wala! Wala," Nauutal na sagot nito. Wala, huh. Deny lang.

Tiningnan ko ito sa nagtataka at nang-aasar na tingin kung totoo nga ba ang sinasabi nito ngunit ito ay umiiwas habang ang mga pisnge ay namumula.

"Ikaw, huh. May tinatago ka sa akin," Nang-aasar na sabi ko rito.

"Ano ba yun, w-wala kaya," Nauutal na sabi nito.

"Eh, ano yang nasa leeg mo?" Biglang sabi ko rito na nagpagulat sa kaniya at mabilis na tinakpan ito ng kumot.

"H-huh?! Wala yan!" Deny na sabi nito habang ang kaniyang tingin ay nasa bintana.

"Ano yan napaglaruan na liptick tapos nilagay sayo?" Mapanglokong sabi ko rito.

"Ah! O-Oo kasi kanina dumating pinsan kong bata at nakita liptick ni mama, tama, tama." Haha, sumakay.

Chasing The Heartless Guy (BL BxB)Where stories live. Discover now