Kabanata 24

137 6 2
                                    

Mix Bautista

"Uy! Anong trip non?" Sanggi sa'kin ni Reyn habang tinuturo ng nguso niya sila Seiji at Gerald na bumibili ng pagkain namin.

"Hindi ko nga rin alam dyan, eh. Gusto daw sumama bored ata sa buhay niya." Kibit-balikat kong sabi. Pero ang babaita nginitian lang ako nang nanghihinala, piste.

"Eh, bat hindi kasama mga kaibigan niya? Baka bored din, ehe!" Patagong nilagay nito ang kamay sa gilid ng kaniyang tenga, nagpapabebe.

"Ano yun domino effect sila? Kapag na-bored siya dapat ma-bored din yung iba? Malay mo busy, busy sa mga babae nila, haha." Ako naman ang tumawa ngayon sa mukha niyang masama ang tingin.

Napapala ng mga malalakas mang-asar, mabilis naman mapikon. Parang ako rin.

"Che! Shatap na nandyan na sila." Pananaway nito. Ayaw atang marinig mga pinag-uusapan namin kanina.

"Here's your food," Inilapag nito sa table ko ang ice coffee at cheesecake na pinili ko kanina. Tumango ako rito pero napansin ko pa ring nakatayo siya sa gilid ko kaya akala ko naghihintay ito ng 'thank you' mula sa'kin. Humarap ako rito at napansin nakangiti ito. Weird.

"Enjoy," Biglaang sabi niya nang magte-thank you na sana ako. Pero kalaunan ay nag-thank you pa rin ako.

Nasa cafe kami dahil ito rin ang gusto nila Reyn pero alam ko naman na gusto nila ito dahil may posibilidad daw na makalibre rin sila. Balak pa sana kanina Starbucks mabuti napansin namin itong cafe.

Pinalipas lang namin ang break doon hanggang sa maubos ang pagkain namin. Nang matapos ay ako naman ang nagsasalita.

"Oy, mga bayad nyo. KKB tayo rito!" Tiningnan ko ng madiin ang dalawa at pinaparating na magbayad kayo at ako ang nahihiya.

"No, it's okay. I already pay." Biglang sabat ng katabi ko.

"Bayad naman pala, eh!" Biglaang balik ni Reyn ng wallet sa bag.

"Ano ba kayo nakakahiya, teh. Baka mahal yun. Basta ako magbabayad ako." Angal ko rito.

"But I would not accept that even if you tried to give it to me." Ani nito habang matindi ang tingin.

Nang nasa school na kami ay tumingin na ako sa lalaking parang aso pa kanina. Sunod ng sunod.

"Thank you ulit. Ako nalang magbabayad, hah?" Sabi ko rito na nahihiya.

"Don't." Maikling sagot nito. Tumungo na lang ako rito.

Nang papasok na sana papunta sa building namin ay biglang ako tinawag ni Seiji kaya nagtataka akong napatingin dito. Tinaas ko ang kilay ko bilang sagot na 'bakit?'.

"I will wait for you after your last class. Hahatid kita pauwi and that's the pay for today." Maangas na sabi nito at bigla nalang nag-smirk at tumalikod na nagpapaalam pa. What?

Tinabingi ko ang ulo ko sa kawirduhan ng lalaking yun. Takasan ko nalang siguro mamaya yun.

Paakyat na ako sa floor ng room namin nang akbayan ako ng malaking braso. Sino na naman kaya 'to?

"Hey, hey! It's me, Gerald, your handsome friend." Pakilala pa nito dahil biglang nagulat ako. Mga walang magawa nga naman.

"Problema mo?" Inis na sabi ko rito.

"Hey, hey! Bad mood kaba ngayon? Kanina kapa nakabusangot dyan. Ikaw ata may problema, eh." Nagtataka nitong sabi at talagang humarang pa sa daan ko para lang tingnan ang mukha ko!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing The Heartless Guy (BL BxB)Where stories live. Discover now