Kabanata 19

129 11 1
                                    

Mix Bautista

He gently kisses me while caressing my waist and going to my back. Mas hinigpitan ko ang pagkapit sa kaniyang matipunong dibdib at lumaban sa halikan naming mas lumalalim na sa hindi ko alam ay may nararamdaman akong kakaiba sa aking baba at ang pagbilis ng tibok ng puso ko at ang puso niyang nararamdaman ko sa dibdib niya ay tila tumitibok din.

I imagined all the kisses we have done but for me, the one in the locker room is something different and best. I just couldn't help to remember the gentle, his hands caressing my waist, his soft lips, and his heart that I can feel pounding. Kahit na ilang beses na rin kaming naghalikan at nakakahiya na public siya pero hindi ko mapigilang isip-isipin. It's just that I can feel that it's my first time, first-time ko magkaroon ng kiss pero laplapan.

"Ohoy! Tulaleng ka dyan!" Hindi ko na natuloy ang pag-iisip ko sa iniisip ko dahil sa bwisitang gumulo.

Tiningnan ko ng masama ang lalaking nasa harap ko na nanggugulo dahil wala na namang magawa sa buhay.

"Tulala si gurl kanina pa, recess na. Namumula ka pa, grabe siguro iniimagine mo. " Sumabay din ang katabi kong si Reyn na nagse-cellphone.

Dahil sa sinabi ni Reyn ay napahawak ako sa mukha ko. O to the My to the God! Nang dahil sa pag-iisip ko at pag-iimagine sa last kiss namin ay hindi ko alam na ganito ko na pala siya kamiss.

Tatlong araw na ang lumipas pero hindi man lang kami nag-uusap kahit sa messenger lang, hindi nagcha-chat at lalong hindi ko halos siya makita sa school kaya ang ending lagi kami tatlo nila Reyn, Gerald at ako ang magkakasama.

Ang naririnig ko lang mga usapan sa iba ay mukha daw hindi pinapapasok si Seiji sa school ng magulang niya dahil umalis daw at hindi rin nila alam kung lugar lang ba o ibang bansa.

Hindi ako nagcha-chat dahil baka malala ang family problem nila at mamaya makaabala pa ako. Masyadong naduwag, eh.

"Tara na mga labidabs ko, nagugutom na ang queen nyo!" Nauna na si Reyn sa paglalakad at mukhang gutom na talaga. Sinabayan ko na si Gerald na sumunod maglakad sa kaniya.

"Kailan mo uli kami ililibre, bro friend, haha!" Tanong ko rito na hindi ko maiwasan matawa sa pag papangalan sa kaniya ng "bro friend".

"Kaya nga, Geraldloloko," Mas lalo akong natawa sa "Geraldloloko" galing sa name niyang Gerald.

"Tigilan nyo muna ako sa mga endearment  nyo sa akin, babaduy!" Nagkatinginan kami ni Reyn at napatawa nalang.

"Sge, sir Gerald ~" Maarteng boses na nang-aakit ang pagsabi ni Reyn dito habang kinikiskis pa ang kamay niya sa braso nito na ikinalayo ni Gerald, haha.

"Yes! Corpuz," Ang pagtawag ko naman dito.

"Ewan ko sa inyo, weird nyong dalawa," Angal nito na tila takang-taka dahil sa kaweirduhan daw namin. Nauna pa itong maglakad dahil sa pang-aasar namin kaya ito kaming dalawa ni Reyn, tawang-tawa.

_______

Another day, another tulala sa umaga dahil sa katamaran ko na ayaw kong pumasok pero kailangan at papasok dahil gusto ko na siya makita. In short miss ko na siya balik kana S.

Maaga akong nagising ngayon dahil ipaggagawa ko ng special favorite sweets ko ang mga labidabs ko at isasabay ko na rin ang breakfast namin nila papshie and momshie.

I'm going to make a Choco Butternut Munchkin, one of my favorite in Dunkin Donuts. When I'm bored sa bahay lalo na kapag vacation, nag-iisip ako ng magagawa kong food or snacks na meron sa bahay namin kaysa naman ma-expired.

Chasing The Heartless Guy (BL BxB)Where stories live. Discover now