Chapter 19

4.6K 125 70
                                    


Matapos makausap ni aly si Jake ay
pumasok na siya sa inuupahan niyang kwarto. Nanlulumo siya sa kahihinatnan ng relasyon niya ni Den. Kung gaano kabilis na dumating sa buhay niya ang dalaga ay siya din palang bilis nang pagkawala nito sa buhay niya.

Gusto niyang umiyak ng umiyak pero
alam niyang hindi ito makakatulong sa kanya. Sinimulan niyang mag plano kung paano niya maililigtas ang pinakamamahal niyang babae.

Wala na siyang pakialam pa sa sariling kapakanan basta mailigtas lang niya ang mga mahal niya sa buhay lalong lalo na si Den ay sapat na sa kanya.

Hindi siya natulog magdamag, umisip
siya ng paraan para makauwi sa maynila para maka-usap niya ang tatay
ni Den at para masigurado niya ang kaligtasan ng minamahal.

Halos mag-uumaga na nang maka tanggap siya ng tawag mula kay Jake. Pinag-usapan nila kung paano ang Pag-uwing gagawin sa Maynila. Kung paano din niya maliligtas ang mga magulang niya at mga magulang ni den at higit sa lahat si Dennise...

Malapit na siya makauwi kay den, Sa isang linggo ang usapan nila. Kailangan kasi niya asikasuhin ang plano niyang pag lapit kay Mario Lehmann.. Kailangan niyang maunahan ang amo niya. Kailangan niyang mag-isip ng 10 beses una sa kinikilala nilang "bathala".

Kung sana lang ay regular na pag uwi
ang gagawin ni Aly ay malamang na masaya siya. Ilang araw na din niya
hindi nakikita ang my labs niya, pero iba ang pag-uwi niyang ito.

Uuwi siya ng maynila para magpaalam sa taong mahal niya. Sa unang pag-ibig niya. Napa buntunghininga na lamang siya at muli ay tumulo ang kanyang mga luha.

Pagputok pa lang ng araw ay lumakad na si Aly, may sasadyain siya kaya kailangan niyang umalis ng maaga.

Dahil sa nalalapit niyang pag-uwi kailangan niyang mag double time at kumilos ng mabilisan.. Tsaka na niya iisipin kung paano niya kakausapin ang mga taong umaasa na mabuti siyang tao. Tsaka na niya haharapin ang mga magulang niya at mga magulang ni den.. Kailangan niya maging detalyado sa kanyang mga kilos Dahil kung hindi mas malaki ang mawawala sa kanya...

Hindi pa siya kumakain simula kagabi
pero tila baga hindi siya makaramdam ng gutom. Matiyaga lang siyang nakatayo sa ilalim ng isang puno na hindi kalayuan sa isang building.

Hindi niya inaalis ang kanyang mga mata sa building, sinisipat niya ang bawat papasok at lalabas duon. Kung tutuuisin ay hindi siya sigurado kung duon talaga dadaan ang kanyang inaantay. Mayaman ang kanyang inaantay, sa katunayan ito nga ang may-ari ng buiding na kanyang minamanmanan kaya hindi siya sigurado kung duon nga ito makikita.

Kinakabahan din si Aly dahil hindi
niya alam kung ano ang pwedeng mangyari sa kanya sa oras na makausap na niya ang kanyang pakay.

Lumipas ang ilang oras at hindi pa din niya nakikita ang inaantay kaya naman nagpasya na siya na pumasok sa building..

Huling baraha niya ang kanyang gagawin, maaring maisalba nito ang buhay niya pero maaring maging dahilan din ito ng kanyang katapusan. Wala siyang pagpipilian sa parehong sitwasyon buhay niya ang nakataya kaya itotodo na niya ang lahat..

Hinarang siya ng guardia na nag-babantay sa entrance ng building..

Guard: excuse me po ma'am, saan po kayo pupunta..

Aly: ah eh... pupuntahan ko sana si Mr. Mario Lehmann.. Kasi bini (hindi pa man siya natatapos mag salita ay napakunot na ang noo niya, hindi niya nagustuhan ang tingin na ibinibigay ng gwardiya sa kanya. Nakatingin ito ng masuri at tinitignan siya mula ulo hanggang paa)

Guard: sigurado ka si president ang hinahanap mo?! (nakangising tanong niya sa kaharap)

Aly: Oo siya ang hinahanap ko. Ang sabi niya kung gusto ko ng trabaho pumunta daw ako dito. Binigyan niya ako nito. (Pinakita niya ang calling card na binigay ng presidente ng kumpanya)

TrappedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant