Chapter 14

6.5K 118 31
                                    

A/n: sorry for the typos and hope you'll enjoy this chapter....

------

Naging abala si Dennise sa kanyang pag-aaral, sa pagitan nito ay nagtratrabaho din siya sa library kaya naman pagod na pagod siya palagi kapag umuuwi na sa kanilang bahay...

Pinilit ni aly na matandaan kung paano ang pagsakay sakay ng jeep pa papunta sa skwela nila Dennise para maihatid niya ito papasok at masundo pauwi...

Tanging yuon na lang ang panahon nila magkasama... hindi naman nagrereklamo dahil alam naman niya na pagod na si den kaya hindi na niya ito masyadong kinukulit... sinusuportahan niya ito sa abot ng kanyang makakaya... hindi niya ito masyado binibigyan ng alalahanin, hindi din niya ito ginagalit..

Si aly at kim pati na din si bang hanggang ngayon wala pa din sila makuhang trabaho... Sa twing nalalaman ng mga inaaplayan nila na hindi sila nakatapos ng pag-aaral hindi na sila pinapansin ng mga ito... hindi na alam nila aly kung ano pa ang gagawin nila...

Pauwi na sila mula sa mag hapon na pag hahanap ng trabaho... nalulungkot na din sila dahil may ilang linggo na din silang walang kita... minsan napapaisip na din si aly na tawagan na ulit si Jake dahil alam niyang kailangan ng pera nang mag pinsan na kim at bang... Alam niyang siya lang naman ang sinusunod ng mga ito, sa kagustuhan niya na maging karapat dapat kay den pinili niyang talikuran ang dati niyang buhay at sumunod naman sa kanya ang mga magulang...

Kim: tol, hindi na ata talaga tayo makakahanap ng trabaho?

Bang: wag ka mawalan ng pag-asa makakahanap din tayo ng trabaho..

Aly: oo nga naman kim wag kang mawalan ng pag-asa makakahanap din tayo ng trabaho... atsaka alalahanin mo si mela hindi din niya alam ang trabaho natin... gusto mo bang iwanan ka niya pag nalaman niya ang totoo... itama natin ang lahat hanggan hindi pa huli ang lahat...

Kim: ikaw lang naman ang inaalala ko... magkano pa ba ang ipon mo? walang pumapasok na pera sa iyo, araw araw mo hinahatid at sinusundo si Dennise kumakain kayo sa labas tapos pag may kailangan siya sa skwela tapos hindi niya mabili dahil wala pa siyang sweldo ikaw ang bumibili, pero kapag sumahod na ang tatay ni den at sinubukan kang bayadan ni den hindi mo naman kinukuha.. Aly hindi ka mayaman!! hindi mo kayang pag-aralin si Dennise! Wag mong akuin si den sa mga magulang niya!! paano pag nagkasakit ang mga magulang mo? Sino ang aasahan mo na tumulong sa iyo?!! (mahabang paalaa niya kay aly)

natahimik naman si aly, tama si kim panay palabas ang nangyayari sa kanya at walang pumapasok na pera.. paano nga naman kung maubos na ang pera niya? Ayaw niyang bumalik sa dati niyang trabaho... gusto na niya talagang mag bagong buhay...

Kim: aly, pasensya ka na hindi ko sinasadya ang mga sinabi ko. Nag-aalala lang ako para sa iyo.. kung mayaman lang sana tayo eh di walang problema kaso mo hindi.. kaya nga natin pinasok ang ganuong trabaho para makaipon tayo at makapag handa sa pagtanda ng mga magulang natin..

Bang: pero Ly, wag kang mag-alala tutulungan ka pa din namin makahanap ng trabaho...

Aly: hindi... hindi ako galit... tama naman si kim... sige wag kayong mag-alala iisipin ko ang mga sinabi ninyo.. mauna muna ako sa inyo, susunduin ko muna si den.. pasensya na kayo sa ganuon na lang kasi kami nagkakasama dahil pagkatapos ng klase ni den pumapasok pa siya sa trabaho kaya pagod na pagod na siya pag uwi.. isa pa ayaw kong umuuwi siya ng gabi kaya gusto kong masundo siya sa pag-uwi..

Kim: naiintindihan ka namin.. sige na sunduin mo na si my labs mo.. pasensya ka na ulit.. (pag hingi niya ng pasensya kay aly)

Aly: wala na yun tol kalimutan mo na yun.. pasensya na din kayong dalawa dahil nadadamay kayo sa mga desisyon ko.. salamat na din at sinusuportahan ninyo ako sa mga kahibangan ko... (nag paalam na siya sa dalawa at umalis na para sunduin si den)

TrappedWhere stories live. Discover now