Chapter 4

5.6K 124 14
                                    

Napapikit na lang si den ng makita niyang palapit na ang mukha ng lalaki sa labi niya... sige pa din siya sa pag-isip kung paano siya tatakas sa lalaki ng may biglang maramdaman niyang nagkikisay na lang ito sa harapan niya bago ito tumumba sa sahig na walang malay...

???: pasensya ka na hindi mo pwedeng makuha ang babaeng ito... dahil akin lang siya... (habang hawak ang taser stun gun)

Marahil dahil sa takot kanina at isipin na ligtas na siya ay biglang nag dilim ang paningin ni den at nahimatay ito...

Buti na lang at nasalo siya ng malalaking braso ng taong nag ligtas sa kanya...

----

Pinangko niya si den sa kanyang mga bisig atsaka hinatid sa bahay ng mga tiyahin nito... Nagulat naman ang mga ito dahil nakita nilang walang malay si Dennise habang karga karga niya...

Halata sa mga mata ng mga ito na wala silang ka-alam alam na muntik na palang napahamak ito...

Marissa: jusko! Anak, anong nangyari sa anak ko?! (tanong niya sa taong may buhat buhat sa anak niya)

????: nagkagulo po kanina sa may plaza at kinuha po siya ng isang lalaking lasing.. may dala po itong itak at pilit na isinama si den...

Marisaa: paki higa mo muna siya dito (tinuro nito ang sofa ng bahay nila)

Marco: Asan na ang walang hiyang lalaking iyon?!

????: kinuha na po siya ng mga tanod at dinala na po siya sa prisinto... hinatid ko lang po si den dito pero pupunta din po ako duon para mag sabi sa mga pulis kung ano ang nakita ko...

Wag po kayong mag-alala hindi niya po nasaktan o nagawan ng masama si den... Sigurado po ako duon dahil hindi ko po hahayaan na ma lapastangan siya... (tinignan pa niya si den den na kasalukuyang wala pa din malay)

Marissa: maraming salamat sa iyo, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung may nangyaring masama sa anak ko...

Marco: sasama ako sa iyo!! Gusto kong makaharap ang walang hiyang iyon!! Isipin mo wala kaming kaalam alam may mangyayari na pala sa anak namin na hindi maganda!!! (Naka kuyom ang kamao niya at halata ang galit sa mga mata nito)

????: kayo po ang bahala... siguro po ay tayo na at para masampahan na natin ng kaso ang lalaking iyon!!!

Papalabas na sana sila ng bahay nang makita nilang humahangos si anna at paul ang tiyahin at tiyahin ni den... Ito din ang may ari ng bahay na tinutuluyan nila...

Magkapatid ang nanay ni den at ang tiya anna niya... Mas matanda ang nanay ni den kaysa dito...

Anna: ate!! Kuya!! (tawag niya sa mga ito)

Papauwi na siya mula sa trabaho nilang mag-asawa ng madinig nila ang balita sa mga kapit bahay na kinuha daw ng isang lasing ang pamangkin nila...

Nagtratrabaho bilang kasambahay si Anna sa isa sa mayaman na intsik habang ang asawa naman nito ay hardinero sa masabing bahay... Tuwing linggo lang sila umuuwi ng bahay dahil nanghihinayang sila sa pamasahe kung uuwi sila araw araw... libre sila lahat sa bahay na pinapasukan nila kaya mas maigi pa na duon sila buong linggo at uuwi lang para kamustahin ang ate niya at pamilya nito...

Iisa lang din ang anak nila at malayo pa sa kanila... kasalukuyan itong nasa Davao at duon nagtrabaho sa isa sa mga pabrika ng textile...

Anna: (para siyang nabunutan ng tinik ng makita niyang nakahiga ang pamangkin niya sa lumang sofa nila) ate, may nakapag sabi sa amin na may kumuha daw kay den na isang lasing kaya humahangos kami ni Paul dito para sabihin sa inyo ni kuya...

TrappedWhere stories live. Discover now