Chapter 9

5.4K 105 32
                                    

????: Ima! Inaapoy po siya ng lagnat... Ano po ang gagawin natin... marahil dahil po ito sa impeksyon ng mga sugat niya..

kasalukuyang nanginginig sa lamig si alyssa, inaapoy siya ng lagnat at nagdedeliryo na..

Aly: my labs, dito ka lang sa tabi ko... (Tawag niya sa babaeng nasa tabi niya ngayon)

????: naku nag dedeliryo na ata siya Ima, tinatawag niya akong my labs...

Matandang Babae: sige punasan mo lang siya ng maligamgam na tubig para bumaba ang lagnat niya... marahil ay dahil sa taas ng lagnat niya kung ano-ano na ang sinasabi niya...

Aalis pa naman ako at pupunta sa kabilang baryo... alam mo naman na pinag luluto ako ng kumare ko at piyesta sa kanila duon bukas...

????: sige po tumuloy po kayo duon... sayang naman po ang ibabayad sa inyo ng kumare ninyo, ayos lang po ako dito.. ako na po ang bahala sa kanya...

Matandang babae: sigurado ka ha... dalawang araw pa naman ako mawawala... Pero ibibilin kita kay Ara para matignan tignan ka din dito ha...

????: sige po salamat po... matulog na po kayo at ako na po ang magbabantay sa kanya...

Mag-aala otso pa lang naman ng gabi pero dahil basa probinsya sila ay maaga talaga natutulog ang mga tao duon...

Siya si Amanda Villanueva, siya ang naka pulot kay alyssa... pauwi na sya galing sa palengke kung saan siya namamasukan bilang tindera...

Sa maynila sila dati nakatira pero dahil sa namatay ang mga magulang niya ng 2nd year high school siya dahil sa isang aksidente ay sinundo na siya ng kanyang lola na ang tawag niya ay Ima... nanay ito ng nanay niya, ito na ang nag-patapos sa kanya sa high school.. gustuhin man niya na magpatuloy sa kolehiyo ay hindi niya magawa dahil wala naman itutustos ang Ima niya sa pag-aaral niya...

Matanda na din ito at may mga iniinda na ding sakit... ang tanging ikinabubuhay lang nila nuon ay ang pag luluto ng Ima niya para sa mga piyestahan, masarap kasi itong mag luto kaya naman kinukuha itong tagapag luto kapag may handaan sa lugar nila... nang matapos siyang ng high school ay namasukan na siya bilang tindera sa palengke... nanay ni ara ang may ari ng pwesto, naging matalik niya itong kaibigan ng dalhin siya ng Ima niya sa Batangas...

Mabait ito sa kanya at lagi siya nitong inaalagaan... Madalas nga silang mapag kamalan na may relasyon dahil sa lagi silang magkasama pero magkaibigan lang talaga sila at na para na nga silang mag kapatid..

patuloy niyang pinunasan ang katawan ni aly ng maligamgam na tubig... napahanga siya nito ng makita niya ang magandang katawan nito... At kahit kita ang hirap na pinagdaanan niyo makikita na maamo ang mukha nito...

Hindi namalayan ni Amanda na matagal na pala siyang nakatitig sa babaeng napulot niya...

Amanda: taga san ka kaya? Bakit ka napadpad dito sa amin... Sana hindi ka masamang tao... sana maging mag-kaibigan tayo...

Nagulat pa siya ng may nag salita sa likuran niya...

ara: tisay, tunaw na yan sa kakatitig mo oy... paano yan makakauwi sa kanila kung lulusawin mo siya sa mga titig mo? aha! alam ko na may gusto ka sa kanya ano?!?! (pang-aasar niya sa kaibigan niya)

Amanda: tumigil ka nga!! baka magising siya madinig niya ang mga pinagsasabi mo... (saway niya sa kaibigan niya)

Ara: bakit dapat nga matuwa siya tignan mo naman isang kagaya mo na Ubod ng ganda at puti ay may gusto sa kanya... swerte niya kaya sa iyo tisay!! (pangungulit pa niya ulit sa kaibigan nya)

Amanda: may gusto kaagad sa akin? hindi pa nga ako nakikita nito dahil mula kaninang tanghali ay natutulog lang... Tsaka parang may boyfriend eh... may tinatawag siyang my labs..

TrappedDove le storie prendono vita. Scoprilo ora