Trapped

16.6K 156 10
                                    

Nag-iisang anak nang mag-asawang Antonio at Tessie Valdez si Alyssa, mahirap lang sila at hindi siya nakapag aral kaya ni read no write siya.. Nakatira sila sa kilalang lugar sa tondo kung saan naglipana ang mga informal settlers. Ang nanay at tatay niya ay nagtratrabaho bilang street sweeper, isang programa ng gobyerno ng bansa. Ito ay para mabigyan nang trabaho ang mga pilipinong walang trabaho. Kumikita lamang ang mga magulang nila nang isang libo isang lingo kung kaya hindi ito sumasapat sa pang-ara-araw nilang gastusin. Sa gabi naman ay tanod ang tatay nila sa baranggay nila pero ang sweldo ay tuwing ikatlong buwan pa at sumusweldo lang ng isang libo.

Lumaking Brusko, siga-siga at walang kinakatakutan si Alyssa yun ang tingin sa kanya sa lugar nila. Dahil di hamak na matangkad siya kaysa sa mga kabataan duon na naging kaibigan na niya siya na ang tinuring nang mga ito na lider. Aly ang tawag sa kanya nang mga kaibigan niya at mga kalugar.

Malakas ang dating niya, madami ang nagkakagusto sa kanya sa lugar nila, mapa babae o lalaki ay madaming humabol sa kanya, pero babae ang gusto niya at alam ito ng mga magulang niya... tanggap siya ng tatay at nanay niya pero hindi alam ng mga ito kung ano ang raket niya... palagi lang niyang sinasabi ay pinapasok nila ni Kim ang kahit na anong trabaho kaya nakakapag uwi siya pera sa mga ito...

Kung siya ang lider ang kanang kamay naman niya ay si Kim, kagaya niya hindi din ito nakapag-aral at nakatira din ito sa kaparehong lugar kung saan nakatirik ang bahay nila.

Isa pa sa mga kaibigan niya ay si Bang, pinsan ito ni Kim kaya laging nakabuntot sa kanila kahit saan sila magpuntang dalawa ni Kim. Sa kanilang tatlo ito lamang ang nakatuntong ng elementarya kaya ito lang ang marunong mag basa at sumulat sa kanila...

Habang ang ibang bata ay abala sa pag-aaral sila din ay ganuon din pero iba ang pinag-aaralan nila yun ay kung ano ang bagong modus operandi nila. Dahil sa mahirap lang ang pami-pamilya nila napilitan ang tatlo na sumama sa isang sindikato. Siya din ang pinagka katiwalaan nang Amo nila, bihira na siya lumabas sa lansangan para sumama sa "lakad" nang kanilang grupo dahil madalas na lang siyang kasama ng Amo niya pero kung malakihan ang raket nila sumasama siya para masiguro niya na magagawa ng tama ang dapat gawin ng mga ka grupo niya. Bukod duon kailangan niyang masiguro na makakauwi nang maayos ang mga ka grupo nila dahil ayaw niyang mapahamak ang mga ito.

Si Jake ang kanilang amo, sa tinagal-tagal na nila sa sindikato hindi pa din nila alam kung ano ang apelido nito hindi din niya alam kung kung sino ang BIG BOSS nila, alam nilang may financier sila dahil pag may nahuhuli sa kanila ay may naglalabas kaagad sa kulungan sa kanila pero kailangan nilang pag trabahuhan ang pinang piyansa sa kanila.

Halos mag sa-sampung taon na din sila Aly sa sindikato at kahit kailang hindi pa sila nakukulong, ganun siya ka tinik, mabilis siyang mag-isip at madiskarte kaya naman siya ang pinaka paborito ni Jake.

---------

Si Dennise Lazaro ay Panganay na anak ni Marco at Marissa Lazaro. Lumaki siya sa Olongapo kung saan nakilala nang nanay niya ang tatay niyang amerikano kung kaya maputi siya kaysa sa kapatid niyang bunso na si Derrick. Step Father niya si Marco pero hindi naman siya itinuring nito na iba. Panganay na anak ang turing nito sa kanya at pinag-aral pa siya hanggang high school yun lamang kailangan nilang lumipat sa maynila dahil pinalayas sila nang lola nila, nanay nang step father niya. Mula pa noon ay ayaw na nito sa nanay niya dahil isa nga itong dalagang ina. Tanging ang lolo lamang nila ang pumapagitna sa kanila kaya nanatili silang nakatira sa pamamahay nang mga ito pero dahil sa namatay na ito hindi pa man nagtatagal ang lolo niya sa libingan ay pinalayas na sila nang lola niya dahilan para pumunta sila ng Maynila at mag-bakasakali.

May kamag-anak ang nanay niya na nakatira sa Maynila na siya nilang pupuntahan. Ang kwento nang nanay niya ay sobra siyang close ng pinsan niya na si Mika. anak ito nang tita anna at tito paul niya. Kimi siya, tahimik lang at hindi pala kibo. Madalas gusto niyang nag-iisa lang mas gusto niyang nagbabasa lang ng libro sa isang sulok. Ayaw kasi nang nanay at tatay niya na lumalabas sila ng kwarto lalo pa at wala silang mag-asawa dahil lagi lang silang pinapagalitan ng lola nila.

Maganda at mabait na anak si Dennise o den den minsan ay den sa pamilya, kaibigan at mga kakilala niya... madami ang nangliligaw sa kanya sa olongapo pa lamang pero wala siyang sinagot kahit na isa dahil natatakot siya na mapagalitan ng Lola niya... gusto niyang nakatapos ng pag-aaral at makapag trabaho na siya para mai-ahon na niya ang pamilya niya sa hirap...

-----

2nd story hopefully you would still like it.. medyo seryoso pa din ang plot tsaka iba ang twist kaya sana basahin ninyo pa din... :)

TrappedWhere stories live. Discover now