Chapter 15

7.5K 150 51
                                    


A/n: sorry for the typos and hope you'll enjoy this one..

--------

Pagka pasok na pagka pasok ni den sa loob ng kwarto niya ay dumapa na siya sa kama at umiyak ng umiyak... galit na galit siya kay alyssa dahil pakiramdam niya hindi man lang siya nito tinanong kung tanggap ba niya si aly or hindi... hindi man lang siya binigyan ni aly ng pagkakataon na masabi niya ang opinyon niya tungkol sa sinabi nito sa kanya... natural lang na magulat siya dahil hindi naman niya inaasahan na ganuon ang naging kapalaran ni aly... hindi naman sila magkababata..

Bigla niyang naisip si Mika, alam kaya nito na ganuon si aly, na no read at no write ito? kaba ba pinipilit nito na si aly ang umorder ng pagkain nila? kaya ba panay ang parinig nito tungkol sa mga walang pinag aralan, na walang mararating ang mga hindi nakatapos ng pag-aaral... naalala pa niya na tinanong ni Mika si aly kung ano ang natapos nito... sinadya ba ni Mika ang lahat dahil gusto nitong ipahiya si aly sa kanya?? madami siyang mga tanong pero hindi na muna niya ito gustong pagka abalahan...

naalala din niya na kailangan niyang mag-aral dahil mag exam siya bukas, muli na naman siyang nainis kay aly dahil sa dinami-dami ng mga araw na pipiliin nitong hiwalayan siya ngayon pa...

iinot-inot siyang tumayo at pinilit niyang mag concentrate sa pag-aaral.. Sa twing maiisip niya si aly at ang mga sinabi nito naiiyak na naman siya... naawa siya kay aly, hindi niya gustong isipin nito na hindi ito karapat dapat sa kanya pero ayaw niyang ubusin ang lakas niya tungkol duon.. kailangan niyang mag-aral at makapasa dahil kung hindi baka mawala ang scholarship niya...

Den: kailangan mo muna kalimutan ang nangyari ngayong araw na ito... mag-aral ka muna den tsaka mo na lang isipin kung ano ang dapat gawin (sabi niya sa sarili niya)

--------

Iyak ng iyak si aly... nakaupo siya sa may sala nila habang umiiyak... sige din ang tulo ng dugo sa sahig ng bahay nila. Nanggagaling ito sa kamay niya..

Hindi niya alintana ang kirot at hapdi ng sugat niya sa kamay.. mas lamang ang sakit na nararamdaman niya sa dibdib niya...

Naisip niya ang mga sinabi ni Mika... tama ang pinsan ni den walang mapapala sa kanya si den.. hindi sapat ang pagmamahal niya para mabigyan ng magandang buhay si den...

Naalala din niya ang mga sinabi ni kim, paano kung wala talaga siyang makuhang trabaho? Paano kung maubos na nga talaga ang perang naipon niya? paano kung magka sakit ang mga magulang niya? paano niya mapapagamot ang mga ito... tama si kim hindi siya mayaman kailangan niya sundin ang plano niya ang makapag ipon ng makapag ipon para makapag aral siya at para sa pamilya niya...

Nilinis na ni aly ang dugo sa may sahig nila dahil baka makita ito ng nanay niya mag-alala pa ang mga ito... kumuha siya ng lumang t-shirt niya tapos ay ginupit ito at siyang ginawang benda sa kamay niya...

Nahiga na siya sa kama niya pero hindi pa din siya makatulog... nai-imagine niya ang magandang mukha ni den..

Aly: good night my labs.. mahal na mahal kita tandaan mo yan... (umiiyak niyang sabi)

---------

Mabigat ang katawan ni den ng magising siya kinabukasan... nang pumasok sa isip niya si aly at ang mga sinabi nito ay napaiyak na naman siya... halos hindi niya maibuka ang mga mata niya dahil sa namamaga ito dahil sa magdamag niyang pag-iyak...

Bumaba na siya para kumain at para maligo na din dahil may pasok pa siya sa skwela... gaya ng inaasahan niya mahahalata ng tatay at nanay niya ang mga mata niya...

Marco: den, bakit namamaga ang mga mata mo? umiyak ka ba? (nag-aalalang tanong niya kay den)

Den: hi-hindi po.. napuyat po kasi ako sa pag-aaral... may exams po kasi kami ngayon.. (pagsisinungaling niya sa tatay niya)

Trappedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن