Chapter 7

5.5K 133 76
                                    

A/n: sorry for the typos...

-----

May ilang minuto na din simula nang makaalis si den sa kwarto ni aly pero ang huli ay nanatili lang na nakatayo at naka tulala... hanggang ngayon at hindi pa din siya makapaniwala sa nadinig mula kay den... Pumapayag na ito na maging sila, pumapayag na ito sa gusto niya...

Unti-unti tumakas ang ngiti mula sa mga labi niya... bagamat hindi niya inaasahan ang nangyari ay hindi niya maitatanggi na natutuwa siya...

Bigla siyang natauhan ng maalala niya na basang-basa pa pala siya mula sa ulan at pinapupunta siya ni den sa kanila para mag-usap... dali-dali siyang kumuha ng damit sa kanyang cabinet at bumaba mula sa pangalawang palapag ng kanilang bahay para tumungo sa banyo...

Pagkalabas niya ng banyo ay nakabihis na siya, nagmamadali siyang lumabas ng bahay pero pinigilan siya ng kanyang tatay...

Antonio: anak, yung maputing babae ba na iyon ang sinasabi mo na mamanugangin namin? Maganda nga siya anak pero hindi naman kaya madami kang kaagaw sa kanya?

Aly: opo tay siya nga po yung sinasabi ko na gusto kong maging manugang ninyo... Tay may kasungitan po ang babaeng iyon kaya po kahit madaming umaligid aligid duon hindi nya po papansinin yun... kung ako nga po na anak ninyong pagka gwapo gwapo na nahirapan pa eh...

Antonio: oh eh bilisan mo anak baka maunahan ka pa ng kung sino dito a lugar natin...

Aly: tay wala na silang laban... akin na siya tay kami na! Sinagot na niya ako kanina lang... (masayang balita niya sa tatay niya)

Antonio: ayan naman ang gusto ko sa iyo anak eh! magaling kang pipili... Sige okay lang sa akin na hindi kayo ng manok ko ang nagkatuluyan basta gusto ko ang isang yun ha...

Alam mo anak ako din nuong kabataan ko madaming naghahabol sa akin pero ang nanay mo ang pinili ko.. Nakita mo naman hindi tayo dehado, ikaw ang naging anak namin... (pagmamayabang niya sa anak niya)

Aly: Syempre naman tay kanino pa ba ako magmamana ng galing ng pag pili kundi sa iyo diba? (nagtaas baba pa siya ng kilay)

Tessie: naku kayo talagang mag-ama puro kayabangan ang alam ninyo!! kayo na lang dalawa nagbobolahan pa kayong dalawa.. (iiling-iling na sabi niya sa mag-ama niya)

basta anak ayusin mo ha, ayaw ko na magka problema kami ng nga kapit bahay natin... mabubuting kapit bahay yaang si paul at anna ayaw kong mag kagalit galit kami... (paalala niya sa anak niya)

Antonio: bakit naman kayo magkaka problema nila anna at pareng paul?

Tessie: pamangkin niya ang batang pinag-uusapan ninyo kanina... Tsaka anak paano ang mga magulang nuon hindi ba sila tutol sa iyo? alam mo naman na iba ang relasyon ninyo...

Aly: hindi ko po alam nay, mag-uusap pa lang po kami, kaya nga po pupunta ako sa kanila eh...

Antonio: hala sige baka kanina pa nag-aantay yun... Pero anak gusto ko imbitahan mo siya dito, gusto ko makilala ang mamanugangin ko... (naka ngiti pa niyang sabi sa anak niya)

Aly: sige tay sabihin ko po sa kanya... aalis muna po ako baka nag-aantay na yun eh, alam mo tay may pagka maton ang mamanugangin ninyo, palagi na akong bugbog sarado...

Antonio: hahaha hindi pa man din under de saya ka na anak...

Aly: (kumamot lang siya ng ulo nya) kaya nga tay eh.. Sige na lilipat po muna ako duon..

nagmamadali siyang lumabas ng bahay dahil baka mamaya kanina pa nag-aantay si denden sa kanya at baka salubungin na naman siya ng walis tambo...

----

TrappedWhere stories live. Discover now