Chapter 2

5.5K 119 4
                                    

Tumalikod na din si Aly at Kim para umalis na... malayo layo na din ang narating nila when Aly realized that Bang is not with them...

Aly: teka, Kim saan si bang? (takang tanong niya kay Kim)

Kim: umuwi na... tinopak eh...

Aly: huh? bakit? inasar mo na naman ano? ikaw talaga...

Kim: ako na naman? ikaw kaya ang nang asar sa kanya!!!

Aly: bakit ako? anong ginawa ko sa kanya?

Kim: alam mo naman na may gusto sa iyo ang pinsan kong yun... nakita niyang pinagtanggol mo na si miss sungit tapos pinamigay mo pa ang 500 na binigay niya na ambag para sa sinusuportahan mong bahay ampunan tapos pinamigay mo lang sa mga Ungas na lalaking yun kaya ayon nag walk out!! umuwi ng bahay namin...

Aly: Kim, alam mo naman na parang kapatid ko na lang kayo ni bang diba? pasensya ka na tol nasasaktan ko ang pinsan mo nang hindi ko namamalayan...

Kim: okay lang... alam din naman niya yan eh... pero syempre hindi naman niya mapipigilan ang sarili niya na mahalin ka... hindi naman madali yun lalo na at lagi tayo magkakasama... mabuti pa nga siguro ligawan mo na si miss sungit para matanggap na ni bang na wala talagang mangyayari sa inyo...

Aly: hayyy... pero ayaw ko naman siya magalit sa akin... dibale babawi na lang ako... oh ano tara na maglakad na tayo... malayo layo din ang bahay ampunan...

Kim: haiysst!!! ang init init Ly... ikaw kasi eh pinamigay mo pa yung 500 ni bang wala tuloy tayong kasama... hindi mo ba talaga natatandaan kung paano sumakay?

Aly: eh baka kung ano na naman nga ang masaktan natin.. sige na tara na lumakad na tayo... excercise din ito...

after nila puntahan ang mga maihatid ang donation at mabisita ang mga bata sa bahay ampunan ay lumakad na sila ulit pabalik para makauwi na sila...

dumaan muna si Aly sa bakery para bumili ng paboritong hopia ni Bang...

Kim: wag mo na ibigay yan kay Bang... kaya yun ganuon sa iyo eh may pa ganyan ganyan ka din kasi eh...

Aly: syempre tol, ayaw kong magalit si Bang sa akin... hayaan mo na ako wala naman akong ibang pinapakita sa kanya na nagbibigay sa kanya ng ibang kahulugan manghihingi lang ako ng tawad...

Kim: hay bahala ka na nga! pareho kayo ng pinsan ko parehong matigas ang mga ulo ninyo...

pag dating nila sa tapat ng bahay nila Kim ay pumasok na si Aly hanggang sa kwarto ni Bang... nakita ni Aly na tulog si Bang kaya maingat siyang umupo sa papag nito...

ipinatong niya ang binili niyang hopia sa tabi nito... may gumamela din siyang pinatas sa halamanan ni nanay Eli na siya din niyang nilagay sa tabi ng hopia...

nang maipatong niya ang mga dala dala niya ay maingat na siyang tumayo at dahan dahan na pumunta sa may stereo na nasa kwarto ni Bang...

binuhay ito ni Aly at nilakasan ang volume ng radyo dahilan para magulat at magising si Bang... napaupo ito sa papag at may hawak na bente nuebe tapos nakatutok ito kay Aly...

bigla naman kinabahan si Aly kaya namutla ito... si Kim naman ay tawa ng tawa hindi kay Bang kung hindi dahil kay Aly dahil nakita niyang takot na takot ito...

aly: huy bang easy lang si aly ito, baka masaksak mo ako niyang hawak hawak mo... (nalataas pa ang mga kamay niya na paranv sumusuko siya)

bang: gago ka kasi, ginulat mo ako... anong ginagawa mo dito? (inis na tanong niya habang tinutupi niya ang bente nuebe niya)

aly: dinalhan kita ng meryenda, yung paborito mong hopia... (hininaan na niya ang radyo) alam ko nagalit ka ng pinamigay ko ang 500 mo... Wag kang mag-alala binayadan ko yun kaya nakaabot pa din kanila msgr ang ambag mo...

TrappedWhere stories live. Discover now