Chapter 6

4.9K 141 23
                                    

Nagising si den dahil sa mahihinang katok sa pintuan ng kwarto niya... nuong una ay ayaw pa sana niyang bumangon o sumagot man lang sa katok pero ng madinig niya ang boses ng tatay niya at maalala niya na katabi niya si aly matulog na kasalukuyan pa ngang nakayakap at nakadantay sa kanya ay bigla siyang natakot... Baka pumasok ito sa kwarto niya...

Pilit iniisip ni den kung nai-lock ba niya ang pintuan...

Den: Ly, Ly, gising si tatay kumakatok baka pumasok yun dito sa kwarto hindi ko alam kung nai-lock ko ang pintuan ko... (tapik niya sa pisngi nito)

Aly: hmmm (ungol lang nito sabay siksik pa at lalo pang humigpit ang yakap kay den)

Den: huy, gising na... magtago ka muna baka makita ka ng tatay ko mapapagalitan ako eh... (takot na sabi niya kay aly dahil hindi siya nagpaalam na papatulugin niya ito sa kwarto niya)

(Nakarinig na naman siya ng mahihinang katok)

Den: ang hirap mo naman gisingin... Aly, gising na huy... (muli tinapik niya ito sa pisngi)

Aly: my labs ang aga pa eh... antok pa ako... (sabi nito habang naka siksik pa din ang mukha sa leeg niya)

Den: pag hindi ka tumayo diyan at napagalitan ako hindi na talaga kita kakausapin kahit kailan!! Siguro naman nakabawi na ako sa utang na loob ko sa ito dahil pinatabi na kita sa pag tulog dahil kamo natatakot ka sa inyo!! (pagbabanta niya)

Marco: Dennise anak, bangon na muna diyan isara mo muna ang pintuan sa baba aalis na kami ng mga tita mo... ang nanay mo naman ay mamalengke..

Den: opo tay... san-sandali lang po, susunod na po ako sa baba... (muli niyang binulungan si aly) Ly, sandali lang wag mo muna akong yakapin... isasara ko lang ang pintuan sa baba..

Aly: hmmm dito ka lang... (nakayakap pa din siya)

Den: ano ba naman aly ang kulit mo... mapapagalitan ako sa iyo eh!! isa ha naiinis na talaga ako sa iyo!!! (pagbabanta niya)

Umalis na sa pagkakayakap si aly at nagmamadali namang tumayo si denden para sundin ang inutos ng tatay niya...

Nang makababa na siya ay agad siyang nag-mano at bumati ng magandang umaga sa tatay niya, hinanap niya ang nanay niya pero ang sabi ni mang Marco ay nasa itaas pa daw ito at nagbibihis..

Naupo muna si Dennise sa may hagdana habang inaantabayanan ang pagbaba ng nanay niya... halos mapatalon siya ng madinig niya ang boses niya at sabihin nito na papasok sa kwarto niya dahil hihiramin ang isa niyang sandalyas..

Den: nay, ako na po! Ako na po ang kukuha!! (nagmamadali siyang umakyat at halos madapa pa siya sa hagdanan dahil sa kaba na makita nito si aly na nakahiga pa sa kama niya)

Marissa: ako na anak, alam ko naman kung saan kukunin yun, anduon lang naman yun sa ilaim ng kama mo diba?

Den: AKO NA NAY!! WAG KA NA PUMASOK NG KWARTO MAPAPAGOD KA PA EH AKO NA ANG MAGHAHANAP SA ILALIM NH KAMA!!! (sinadya niyang sumigaw dahil dasal niya na madinig ni aly na papasok ang nanay sa kwarto kaya kailangan niyang mag tago... (kabang kaba siya dahil kahit sa ilalim ng kama magtago si aly makikita siya ng nanay niya dahil anduon nga ang sandalyas na hinhiram nito)

Marissa: ano ka ba naman Dennise, hindi mo kailangan sumigaw... ang aga aga baka makabulahaw tayo ng mga kapit bahay natin... (Hindi sumagot ang anak niya at nagulat pa siya ng maunahan na siya ni den na pumasok sa kwarto)

Nakita ni den na nakatayo na si aly at halatang nagulat ito ng nakitang pumasok siya sa kwarto, marahil ay inakala nito na ang nanay na niya ang pumasok.. Pinandilatan naman ni den si aly na kasalukuyang nakatayo lang at parang natuklaw nang ahas.. sa mga tingin niya parang sinasabi niya na magtago si aly...

TrappedМесто, где живут истории. Откройте их для себя