Prologue

126 2 0
                                    

"HOW COULD YOU SAY THAT!" Abby can't help but to burst out her anger to Darren. Hindi niya maatim kung gaano kaitim ang budhi ng lalaking minahal niya ng ilang taon. After all this year-- five freaking year na magkarelasyon sila, hindi niya lubos-akalaing maririnig niya ang mga katagang iyon dito.

"Ipalaglag mo na lang iyan." Nagpanting ang dalawang tenga ni Abby sa narinig! How dare him!

"Para din naman sa ating dalawa iyan. We both have an image to be taken care of." Parang wala lang ditong dagdag. Na para bang hindi buhay ng isang walang kamuwang-muwang na bata ang pinag-uusapan nila!

"Our image?" Abby scoffed. "O baka image mo! Cause I'm pretty sure na hindi masisira ang image ko kahit magkaanak ako." Tiningnan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. "Oh right! Talagang masisira ang image mo sa mata ng mga babae mo kapag nalaman nilang may anak ka na!" dagdag pa niya nang maalala ang nalaman niya tungkol sa mga hooked ups nito behind her back. The nerve of him!

"Ano bang pinagsasabi mo?!" Singhal nito sa kanya pero hindi siya nagpatinag.

Buong tapang niyang hinarap ang talim ng tingin nito sa kanya na para bang siya pa ang may kasalanan sa nangyayari sa kanila.

Payak na lamang siyang napatawa nang mapagtantong walang patutunguhan ang pag-uusap nilang dalawa. "You know what, let just end this shit."

"Finally! Naisip mo rin yan!" Para itong nabunutan ng tinik sa lalamunan dahil sa tinuran niya.

Napamaang na lamang si Abby sa narinig. Aba't ang gago, talagang ito lang pala ang hinihintay!

"Since we're done. I'm out'a here." Mabilis na paalam nito at hindi man lang siya binigyan ng pagkakataong makapagsalita. What a jerk! And Abby didn't realize that until now. What a joke.

Nang tuluyan ng mawala sa paningin ni Abby ang lalaki ay napabuntong hininga na lamang siya kapagkuwan ay wala sa sariling hinimas ang tiyan niyang hindi pa halata. Thinking about the baby makes her want to smile at the same time, cry.

She's a graduating student in business administration, she's also a member of the student council and her parents expect her to graduate with flying colors, para na rin daw hindi siya mahirapang pasukin ang mundo ng mga negosyante kung saka-sakali. But now, hindi niya alam kung magagawa pa niya iyon, though apat na buwan na lang naman ang dapat niyang gugugulin sa pag-aaral bago siya maka-graduate but with a little human inside her, alam niyang hindi magiging madali iyon para sa kanya plus the fact na hindi pa niya alam kung paano sasabihin sa mga magulang niya ang tungkol sa kalagayan niya nang hindi ito nagugulat lalo na't ayaw itong panindigan ng sariling ama. She sighed.

Katulad niya ay graduating din si Darren and he's a varsity player-- a basketball player. Kaya ganoon na lang kalakas ang loob nitong buksan ang tungkol sa image kuno na iniingatan daw nila, akala siguro nito ay mas mahalaga pa sa kanya ang position niya sa council kumpara sa buhay na nasa sinapupunan niya, ginawa pa itong dahilan para patayin nito ang sariling anak. Walanghiya talaga.

Yes, she admit na mali talaga ang ginawa niya--nila, and unfortunately maling tao rin ang kasama niyang gumawa niyon. Iyon siguro ang pinagsisisihan niya, gayunpaman ay hindi niya kayang gawing option ang suggestion ng gagong iyon. Never in her wildest dream.

She knew having a baby is a big responsibility. It's not a joke. It's a kind of job where resignation is out of the option. Lalo na at mag-isa lang niyang gagawin ang responsibilidad na iyon, alam niyang hindi iyon magiging madali para sa kanya. All in all, she will need a helping hand but Darren is out of the list, tanging mga magulang na lamang niya ang inaasahan niyang mahihingan niya ng tulong but thinking about their possible reactiong are scaring the hell out of hell.

May mga scenario na na naglalaro sa isipan niya and one of those are her parent's glares and disappointing eyes. She sighed again.

Iniisip pa lang ni Abby ay naiis-stress na siya, ano pa kaya kung mangyari na talaga? Bahagya niyang iniling-iling ang ulo saka kinausap ang sarili. "No stress, no stress. Makakasama kay baby."

Inubos muna ni Abby ang inorder niyang pancake at gatas sa caffe kung saan sila nag-usap ni Darren bago siya umalis at umuwi para kausapin ang mga magulang na noon ay kapwa naghihintay na pala sa kanya sa sala ng kanilang bahay.

Napakunot ng noo si Abby nang makitang hindi lang ang mga magulang niya ang nakaupo sa sofa, nandoon din si Darren. Anong ginagawa ng walanghiya rito?!

Nang makita siya ng ina ay kaagad siyang sinalubong nito pero ganoon na lang ang pagkagulat niya sa sunod nitong ginawa!

Magkasunod na dumapo sa magkabila niyang pisngi ang mga palad nito at galit ang mga matang tiningnan siya.

"Nasaan ang delikadesa mo at nagawa mong magpabuntis sa ibang lalaki samantalang may boyfriend kang babae!" singhal ng ina niya sa kanya habang nakaturo kay Darren na animo'y isang inosenteng tuta sa mga sandaling iyon.

Napamaang na lamang si Abby sa narinig. "Ano pong--"

"Wag ka nang magmaang-maangan pa, Abigail." sabat ng kanyang ama. "Sinabi na sa amin ni Darren ang lahat."

Hindi makapaniwalang napatingin si Abby kay Darren. Talagang naglinis kaagad ng kamay ang gago at binaliktad pa siya, hindi lang iyon, ginawan pa siya ng kasalanan! Napatiim-bigang na lang siya.

"I can't tolerate such action, Abigail." pahayag ng ina niya na noon ay puno ng pagkadisgusto ang mukha. "Get out of my sight and forget that we are your parents."

Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ni Abby sa narinig. She did expect na magagalit sila, but this, she didn't expect at all!

"B-but mom--"

"Now, Abigail! Get out now! We don't have a kind of daughter like you. So shameless!"

"M-mom, D-dad... Please here me out. He's just making stories, he's lying!"

"Enough Abigail! Out now!" dumagundong ang boses ng ama niya sa kabuuan ng bahay at walang nagawa si Abby kundi ang umalis sa bahay na iyon habang hilam ng mga luha ang mga mata even though, she want to defend herself so bad.

Loving A Disgrasyada Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum