Chapter 9

19 1 0
                                    


THE NEXT DAY, Abby continued her job like nothing happened between her and her boss. They had a very busy day na siya ring lihim niyang ipinagpasalamat, dahil hindi niya alam kung paano niya haharapin ang boss niya sa nangyari.

She did enjoyed it, yes. But it didn't change the fact that she is a mere secretary. Ayaw niyang maging assuming, kaya pinigilan niya ang sariling mag-expect ng kahit ano mula sa boss niya. Iisipin na lamang niya ang lahat na panandaliang ligaya. Hiling lang niya ay huwag sanang magbunga ang kapusukang nangyari sa kanila.

Ayaw niyang maging disgrasyada sa pangalawang pagkakataon. 'Eh, ba't nagpadilig ka, kung ganun?' Kaagad na kastigo ng isang bahagi ng isipan niya na ikinailing-iling niya. "Eh sa naakit siya, ano pang magagawa niya?" pabulong niyang sagot sa sarili.

Humugot ng malalim na hininga si Abby at iwinaksi sa isipan ang kasalukuyang laman niyon saka itinuon na lamang ang buong atensyon sa trabaho niya.

Wala ang boss niya dahil nasa isang importanteng meeting ito sa conference room kasama ang mga stockholder ng kompanya. Magdadalawang oras na ito roon, kaya natitiyak niyang malapit nang matapos ang meeting nito.

Sinilip ni Abby ang oras sa cellphone niya at nang makitang ilang minuto na lamang bago mag-lunch time, kaagad siyang kumuha ng sticky note at nagsulat doon ng mensahe para sa boss niya kung sakali mang dumating ito na wala siya.

Simula ng maging secretary siya ay hindi na siya bumababa ng canteen para doon mag-lunch. Nalalayuan na kasi siya kung bababa pa siya roon at nasasayangan siya sa oras na gugugulin niya sa pagbababa imbes na pahinga na niya dapat iyon. 20 floor ang building ng company at nasa top floor ang cubicle niya samantalang nasa ground floor naman ang canteen. Imagine kung ilang minuto rin ang masasayang sa kanya kapag bababa pa siya roon para lang kumain?

Kaya naman ay naisipan niyang magbaon na lang, hindi lang oras ang natipid niya sa ideyang iyon, pati na rin perang pambili dapat ng pagkain niya.

Pero sa araw na iyon, sinadya talaga ni Abby na hindi magdala ng pagkain. Plano na niya kanina pang umaga na sa canteen siya kakain upang kahit papano ay mabawasan ang oras na nakikita niya ang boss niya.

Oo, iniiwasan niya ito. Alam niyang imposibleng hindi niya ito makaharap. She's his secretary after all. Pero hangga't maaari at kapag nakakahanap siya ng pagkakataon na hindi ito makausap, she immediately grab the opportunity. Mahirap na at baka maakit na naman siya rito.

Once is enough. Twice is too much, at ang pangatlo ay isang kahibangan na.

KAAGAD NA umorder ng pagkain si Abby sa counter pagdating niya sa canteen. Pagkatapos ay kaagad din naman siyang nakakita ng bakanteng lamesa na malapit lang din sa counter na siyang inikupa niya kaagad.

Nasa kalagitnaan siya ng pagkain nang may naglapag ng isang tray na may lamang pagkain sa mismong lamesa na inuukupa niya. Nang mag-angat siya nang tingin at makilala kung sino ang may gawa niyon ay napangiti na lamang siya kapagkuwan ay napailing.

"Long time no see, Ms. Secretary." Bati sa kanya ni Vina sabay upo sa katapat niyang upuan.

"Long time no see? Parang dalawang linggo pa nga lang ako simula nang malipat." Kaagad na tugon niya sa kaibigan.

"Matagal na iyon para sa akin eh." Nagkibit-balikat lang ito bago sumubo. "Anyway, kumusta naman ang bagong job description mo? Hindi ba nakakatakot ang kasungitan ni Sir Nikolaj? O totoo ba talagang masungit iyon?" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya na ikinabuntong-hininga niya.

Sinasabi na nga ba niya. Kunwari lang ito sa pangungumusta sa kanya pero ang totoo ay nakiki-marites lang ito.

"Aling Marites, ikaw ba yan?" Ganting tanong ni Abby sa kaibigan.

"Ito naman, para nagtatanong lang, Marites agad."

"Hindi ka kasi mukhang nagtatanong, mukha kang nakikiusyuso. Tapos ipapasa mo ang nasagap mo sa kapwa mo marites." Abby rolled her eyes saka ipinagpatuloy ang pagkain.

"Sige na kasi, kwento mo na." Pangungulit pa nito sa kanya.

Napabuntong hininga si Abby bago nagsalita, "Okay naman siya." Aniya. "Sa sobrang okay ay nakapagpatusok na nga siya." Dagdag pa niya sa isipan.

"Yun lang?" Hindi makapaniwalang turan ni Vina, she even looked at her flatly.

Nagkibit-balikat si Abby. "Oo, masungit talaga si Sir, pero nasa lugar naman ang kasungitan niya kaya keribels lang."

"Taray... Sana all nilulugar ang kasungitan."

Hindi na umimik pa si Abby at ipinagpatuloy na lang ang pagkain, ganun din naman ang kaibigan na hindi nagtanong ulit sa kanya. Malapit na rin kasing matapos ang break time kaya kailangan na nilang tapusin ang mga pagkain nila.

Sabay nang umakyat at sumakay sa elevator si Abby at Vina pero naunang lumabas ang huli nang makarating sa seventh floor ang sinasakyan nilang elevator. Nandoon kasi ang cubicle nito, kaya naiwan siyang mag-isa na lang sa loob ng elevator.

Tahimik na hinihintay ni Abby na marating ang top floor kung nasaan ang cubicle niya nang biglang tumunog ang message tone ng cellphone niya. Sa pag-aakalang trabaho iyon ay kaagad niya itong binuksan at binasa ngunit nagkamali siya. Ang Day Care Center na pinag-iiwanan niya sa anak niya ang nag-text sa kanya, imporming her that her son is not feeling well, na siyang ikinabahala niya!

Kaagad niyang tinawagan ang Day Care Center pagkabasa niya ng text. Nakahinga naman ng bahagya si Abby nang malamang konting sinat lang ang meron sa anak niya but still, she's worried, kaya naman ay napagpasyahan niyang magpa-alam sa boss niya na kailangan niyang umuwi ng maaga sa araw na iyon.

Mag-a-undertime na lamang siya para maalagaan niya ang anak at masiguro niyang maayos lang ito.

Nang matapos ang pag-uusap nila ni Sister El, ang isa sa mga namamahala ng Center, ay siya ring pagbukas ng elevator. Kaagad siyang lumabas doon at tumungo sa cubicle niya para mag-log in pagkatapos ay tinungo niya ang opisina ng boss niya para magpaalam dito. Nagbabakasakaling nandoon lang iyon sa loob at hindi umalis.

Kumatok ng tatlong beses si Abby saka hinintay na bumukas iyon o di kaya ay sumagot si Sir Nikolaj. Hindi naman siya naghintay ng matagal dahil segundo lang ang hinintay niya nang bumukas ang pinto ng opisina nito ngunit hindi niya inaasahan ang sasalubong sa kanya!

"Ito yung linta noong isang araw." Turan niya sa isipan. Pilit na tinatago ni Abby ang pagkagulat niya nang makita ang babae sa loob ng opisina ng boss niya, lalo na nang makita ang mapanuyang ngisi sa mga labi nito, na kalat na ang lipstick, habang nakatingin sa kanya.

Hindi siya nagpa-apekto sa presensya nito at casual na nagtanong dito. "Andyan po ba si Sir Nikolaj?"

"Yes." Kaagad nitong sagot sa kanya at hindi pa rin nawawala sa mga labi nito ang mapanuyang mga ngisi na ikinakunot ng noo ni Abby.

"Baliw rin yata 'tong isa ito."

"But he's in the bathroom as of the moment." Dagdag pa nito.

Napatangu-tango si Abby sa narinig. "Sige po, balik na lang ako mamaya kapag tapos na siya." Paalam na lamang niya rito bago pa maubos ang pasensya niya sa kakangisi ng babae at masabunutan niya ito ng wala sa oras. Parang nang-aasar na kasi.

Akmang tatalikod na sana si Abby para bumalik sa cubicle niya pero kaagad din siyang napatigil nang marinig niya ang boses ng boss niya na mukhang kakalabas pa lang sa kwarto nito.

"What do you want, Ms. Perez?" Tanong nito sa kanya gamit ang malamig na boses.

Hindi alam ni Abby kung bakit pero ramdam niya na parang may kakaiba sa pakikitungo nito sa kanya kumpara noong mga nakaraang araw, kaya naman ay hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa, kaagad niyang sinabi rito ang pakay niya pagkatapos ay nagpaalam din siya kaagad kahit na hindi pa niya naririnig ang sagot nito sa kanya.

Kung papayag ba ito o hindi.

Dahil isa lang ang alam niya sa mga sandaling iyon. Iyon ay ang biglang pagsikip ng dibdib niya.

Loving A Disgrasyada जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें