Chapter 12

12 1 0
                                    


MAG-IISANG LINGGO NA simula nang bumalik sa dati niyang posisyon si Abby sa kompanya. At mag-iisang linggo na ring balik sa nakagawian ang ginagawa niya. Mabuti na rin siguro iyon, atleast sa department nila, walang basta-basta na lang sumisigaw kapag hindi kaagad nakuha ang gusto na aakalain mong isang batang nagta-transtum. Napabuntong hininga si Abby.

Kasalukuyan niri-review ni Abby ang isang report na ipapasa niya mamaya kay Ma'am Laura nang biglang sumulpot sa cubicle niya si Vina.

"Hello there, Ms. Ex-Secretary."

Abby rolled her eyes heavenward upon hearing Vina's greetings. Simula nang bumalik siya sa department na iyon ay ganoon na ang tawag ng mga kasamahan niya sa kanya. Hindi niya alam kung nang-aasar ba ang mga ito o ano.

"Hi there, Ms. Fashionista." Ganting bati niya rito nang makita ang ayos nito.

Naka-off shoulder ito na mini-dress na kulay abuhin at high heels boots na ganoon din ang kulay. Ang buhok nitong may kahabaan ay bahagyang nakakulot habang nakalugay, saka dinagdagan ng manipis na make up. Lalo tuloy lumitaw ang ganda nito samantalang siya, ito simpleng plain white blouse lang at pantalon ang suot plus rubber shoes. Napabuga siya ng hininga.

Oh well, it's not that she's going to impress someone. Wala naman siyang nakikitang dahilan para mag-ayos. Lagi lang naman siyang nasa loob ng cubicle niya kaya, there's no reason to dress up like Vina na palaging rumarampa sa loob o labas man ng department nila.

"Whatever, Ms. Ex-Secretary." Vina rolled her eyes kapagkuwan ay tumabi ng upo sa kanya. "Care to tell me the real reason why you're back here?"

Abby exaggeratedly heaved a sigh. Lagi na lang nitong tinatanong iyon sa kanya na parang isang sirang plakang hindi makaintindi sa sinasagot niya rito. "How many times do I have to tell you that it's because his former secretary is back."

"And how many times do I have to say na hindi ako naniniwala sa dahilang iyan." Panggagayang sagot nito sa kanya.

Abby rolled her eyes. "Eh di, bahala ka."

"Yep." Tumangu-tango ito. "Talagang bahala ako. Kung hindi mo sasabihin then I will find it out myself instead." Determinado nitong turan na para bang napaka-big deal ng pag-alis sa kanya bilang secretary ng may topak nilang boss.

Nagkibit-balikat siya. "Whatever you say, Ms. Fashionista. Anyway, wala ka na bang trabaho at nangangapitbahay ka na naman?"

"Meron." Kaagad nitong sagot.

"Iyon naman pala eh, ba't andito ka?"

"Dahil mag-uumpisa pa lang ako sa trabaho ko." Anito na ikinataas ng kilay ni Abby. "Kung bakit pinalitan kaagad si Abigail sa posisyon as secretary." Dagdag pa nito.

"Ano bang mapapala mo diyan sa balak mong gawin?"

"For my peace of mind." Tumangu-tango pa ito habang sinabi iyon, habang hinihimas din ang baba nito.

Napailing-iling at napabuntong hininga na lamang si Abby sa naging sagot nito "May lahing Marites ka talaga ano."

"May lahi na kung may lahi, basta malalaman ko rin iyang tinatago mo. Hmp!" Turan nito kapagkuwan ay tumayo at walang paalam na lumabas ng cubicle niya.

For the ninth times. Abby heaved a sigh. Hindi naman kasi niya pwedeng sabihin na nakipagtsuktsakan siya sa boss nila at nasaringan siya nitong malandi kaya siya inalis bilang secretarya nito. Bahala na nga ito. Malaman man nito o hindi ang tungkol doon ay wala na siyang pakialam. Nasa kaibigan na rin kung paano niya iinitindihin ang tungkol sa bagay na iyon.

Ang mahalaga ay may trabaho siya at hindi na mapupuno ng tensyon ang katauhan niya dahil sa prensensya ng isang taong nagngangalang Nikolaj Saadvedra.

Abby thought her day that day will went just like the old days in that department but guess she was wrong, cause when she's about to end her peaceful day and send herself home, some unexpected call from Ma'am Laura came.

Gusto nitong mag-report siya sa opisina nito. There is nothing new about it though, ang bago ay ang taong hindi niya inaakalang madadatnan niya rin doon.

Abby cleared her throat before she greet Ma'am Laura and the other man in the office na kausap nito nang dumating siya. Ayaw niya sanang pansinin ang lalaki but she doesn't have any choice. Boss pa rin niya ito kahit gustuhin man niya o hindi.

"Good afternoon, sir." Bati niya rito kapagkuwan ay kaagad na ibinaling ang tingin kay Ma'am Laura at hindi na hinintay kung babati rin ba ito sa kanya but she bet that he will not. He fired her, after all.

Iniabot muna ni Abby ang hawak niyang folder kay Ma'am Laura bago muling nagsalita. "Nandyan na po Ma'am yung report na pinapagawa niyo akin kahapon. Kompleto na po iyan. Approval at perma niyo na lang ang kulang."

Tumangu-tango ito. "Thanks, Abby." Ngumiti ito habang inii-scan ang binigay niya na folder.

"Am... Ano po pala yung urgent na sinasabi niyo kanina sa phone, Ma'am?" Tanong ni Abby makalipas ang ilang sandali.

"Oh! I almost forgot about that, buti at pinaalala mo." Anito sabay sirado at lapag ng folder na tinitingnan nito sa lamesa. "Ito kasing si Nikolaj, bigla na lamang sumusulpot dito tapos wala namang sadya."Dagdag pa nito habang umiiling-iling.

Palihim na nilingon ni Abby si Nikolaj na nakaupo sa isa sa mga sofang naroroon habang nagkakalikot sa cellphone nito. Kaagad din namang ibinalik ni Abby ang atensyon niya kay Ma'am Laura nang muli itong magsalita.

"May urgent dinner meeting kasi akong pupuntahan mamaya. I just want to ask kung pwede ka bang sumama? Kung wala ka bang plano after work?"

Napakamot ng kilay si Abby sa narinig. Hindi niya alam kung nakalimutan ba ng ginang na hindi talaga siya nag-o-overtime o ano. Eh alam naman sana nito iyon simula pa lang dahil siya mismo ang nakiusap dito dahil na rin sa sitwasyon niya.

"Am... Eh kasi po, Ma'am." Hindi alam ni Abby kung paano niya ipapaalala sa ginang ang tungkol doon. Lihim na lamang siyang napabuga ng hangin. "Di ba po alam niyo namang hindi ako nag-o-over time? At pumayag po kayo dun. Alam niyo naman po ang sitwasyon ko. Wala pong makakasama si Ryle." Aniya sabay sulyap sa wrist watch niya. Malapit na ang out niya.

"Oh, silly me! How could I forget about Ryle" Napatampal pa ito sa sariling noo. "Oh siya, forget about it. Hahanap na lang ako ng pwedeng sumama sa akin mamaya. How about Vina? Do you think she's free?"

Nagkibit-balikat si Abby. "Hindi ko po alam, pero kung gusto niyo tatanungin ko siya o di kaya ay papupuntahin dito para kayo na po mismo ang magsabi." Suhestiyon niya rito.

"Good idea." Kaagad na sang-ayon nito sa kanya. "Papuntahin mo siya rito pagkababa na pagkababa mo. And as for you, Abby, it's almost time na rin naman at natapos mo na rin ang report na pinagawa ko sayo, feel free to go home na. I'm sure Ryle will be happy if he can see you early in the afternoon."

Napangiti si Abby sa narinig. Napakabait talaga ng ginang at maintindihin. Kaya nga hindi niya alintana na may pasungit siyang pinaka-boss dahil na rin sa presensya nito.

"Salamat po, Ma'am." Yumuko siya rito bago nagpaalam. "If you'll excuse me."

Tanging tango lang ang itinugon nito sa kanya habang nakangiti. "Don't forget to tell Vina."

"Yes po."

Nang mapunta sa gawi ni Sir Nikolaj ang mga mata ni Abby, isang bahagyang yuko lang ang iginawad niya rito bago lumabas ng opisina ni Ma'am Laura, pero bago pa siya tuluyang makalayo roon, hindi nakaligtas sa pandinig ni Abby ang naging tanong ni Sir Nikolaj kay Ma'am Laura.

"Who is Ryle?"

Saglit na natigilan sa tanong nito si Abby, but why he'd asked? Bakit parang interesado ito sa anak niya?

Loving A Disgrasyada Where stories live. Discover now