Chapter 15

21 1 0
                                    


KATULAD NG INAASAHAN ni Abby, kinabukasan ay pinatawag nga siya ni Sir Nikolaj sa opisina nito. Kung bakit, iyon ang aalamin niya pagdating niya roon.

Kasalukuyan na siyang lulan ng elevator paakyat sa floor kung saan ang opisina ng boss nila naroroon. Hinihintay na lamang niya ang pagbukas niyon para malaman niya kung ano ang kailangan ng boss nila sa kanya.

Pagkabukas ng elevator ay isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ni Abby bago niya inihakbang ang mga paa niya palabas. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili na nag-uumpisa na namang kabahan. Inalis niya sa isipan ang alaala ng nangyari noong araw na iyon kung bakit ganoon na lamang ang nararamdaman niya. Ito ang unang pagkakataon na makikita niya muli ang boss nila pagkatapos ng araw na iyon. Sana nga lang ay mapanatili niya ang pagiging kalmado dahil kapag hindi at sumabog siya, tiyak pati trabaho niya sa kompanyang iyon ay magiging abo ng wala sa oras.

Dahil sa layo ng narating ng isipan ni Abby, hindi niya namalayang nasa harapan na pala siya ng pinto ng opisina ng boss niya. Bahagya niyang nilingon ang cubicle ng secretary nito pala ipaalam dito ang presensiya niya ngunit ganoon na lang ang pagkunot ng noo niya nang makitang walang tao roon. Para masigurado na tama nga siya, lumapit siya sa cubicle nito at sumilip dahil baka nasa isang sulok lang ito at may ginagawa kaya hindi niya tanaw ngunit pumasok na lang siya't lahat-lahat ay wala siyang makitang tao doon, kahit na anino ng lintang iyon ay hindi niya mahagilap.

Mas lalo lang kumunot ang noo niya nang mapansing masyadong malinis ang cubicle nito na para bang ilang araw nang walang gumagamit doon. Napabuga na lamang ng hangin si Abby. Ano ba ang pakialam niya kung ganoon nga? Sa isiping iyon ay kaagad na lumabas ng cubicle si Abby saka tinungo ang nakasaradong pinto ng boss niya saka kumatok ng ilang beses para ipaalam dito ang presensya niya since, wala namang ibang gagawa noon dahil siya lang mag-isa sa labas ng opisina nito.

Ilang segundo lang ang hinintay ni Abby nang bumukas ang pinto at bumungad sa kanya ang isang lalaking mukhang may topak na naman dahil sa lalim ng gitlang nakaguhit sa noo nito.

"Good morning, Sir. Pinapatawag niyo raw po ako?" Walang paliguy-ligoy na bati ni Abby sa kaharap niyang boss.

"What took you so long? Don't you know that there's a lots of job undone here?"

Ngali-ngaling pagtaasan ni Abby ng kilay ang boss niya dahil sa tinuran nito. "Pardon, Sir? Baka nagkamali po kayo ng pinatawag?" Tanong niya rito habang pinipilit ang sariling maging kalmado.

"Oh shit. He didn't tell you?" Tanong nito na parang may na-realize.

"Tell me what?"

"You'll be a death of me, Gomez." Bulong nito pero rinig pa rin naman ni Abby.

"You're saying something, Sir?" Kunwari ay tanong niya rito.

Umiling-iling ito. "I was saying kung hindi ba niya sinabi sayo kung bakit kita pinapatawag?"

"No, Sir. Walang sinabi sa akin si Sir Jack maliban sa 'Pinapatawag niyo raw po ako.'" Iling-iling niyang sagot dito while quoting the phrase Sir Jack told her a while ago. Si Sir Jack ay ang head ng finance department at sa pagkakaalam niya ay malapit ito kay Sir Nikolaj.

Sir Nikolaj heaved a sighed and said, "Okay." Kapagkuwan ay nilakihan nito ang pagbukas ng pinto ng opisina nito and invited her to come in.

Abby obliged. Kahit ayaw man niyang makasama sa isang silid ang lalaki ay wala siyang choice. He is still her boss and she can't change that fact, maliban na lang siguro kung aalis siya sa kompanyang iyon at maghanap siya ng ibang trabaho, which is she doubt if she had the courage.

Masyado na siyang nasanay sa kompanyang pinapasukan kaya ang mag-quit at sumubok sa iba ay talagang wala sa pagpipilian niya, lalo na sa panahon ngayon. Bilang na lang sa daliri ang tiyansang swertehin na magkaroon ng mabait at maunawain na boss, katulad ni Ma'am Laura. At sa kalagayan niya ngayon as a single parent, an understanding boss is what she needed the most, kaya hangga't kaya pa niyang tiisin ang presensya ng lalaking minsan nang tumapak sa pagkatao niya, she will endure it. For the sake of her son. For the sake of his bright future. She mentally heaved a sighed.

"May ipapagawa po ba kayo sa akin, Sir?" Walang paliguy-ligoy na tanong ni Abby sa boss niya pagkapasok niya sa loob ng opisina nito at maisara ang pinto.

"I want you to be my secretary again." Kaagad na sagot nito na lihim na nagpatigil sa kanya.

"I'm sorry, to be what?" Tanong niyang muli nang makabawi sa pagkabigla.

"You heard it right, Ms. Perez. And I will appreciate it if you will be back as my secretary now."

'Just like that?' Abby thought. Payak siyang natawa sa isipan niya. 'Of course, just like that. What will she expect? He is the boss who can get what he want.'

"But how about, Bianca Sir?" Abby reasoned out.

Sir Nikolaj just shrugged his shoulder. "Bianca is a mess, so yeah."

Hindi na nagtanong pa si Abby tungkol sa babae dahil halata naman kung ano ang ginawa ng boss nila rito. "What about Ma'am Laura?" She asked instead.

"I already talked to her and she said that the decision will be up to you. So, Ms. Perez... Can I expect a yes from you?"

'Can I say no?' Abby asked and heaved a sighed mentally. Hindi niya alam kung anong isasagot niya. Being his secretary is an opportunity dahil malaki ang pinapasahod dito kumpara sa posisyon niya sa analysis department. Malaki ang matutulong niyon sa ginagawa niyang pag-iipon para sa darating na pasukan ng anak niya sa grade school. But her inner self actually saying no and shouting her to stay away from him as much as possible. Cause it will be a torture for her for sure but...

But always, her praktikal side, won and said a word that made a conniving devil smile triumphatically.

"Great!" Sir Nikolaj exclaimed after he saw her nod and said "Okay".

"Can you start by giving me a cup of coffee?" He asked right away. "My head is throbbing because of these paperworks na hindi matapos-tapos. I need some break with coffee."

Hindi kaagad nakakilos si Abby sa narinig. 'That's a first.' she thought upon hearing his complaint. Never pa itong nagreklamo sa kanya dati when it comes to work, so what change?

"Well, Ms. Perez. Did you change your mind?"

Napakurap-kurap si Abby nang marinig itong muling magsalita. Kaagad siyang umiling-iling at sumagot, "No, Sir. I will make your coffee now. Please give me a minute or two."

When Abby saw Sir Nikolaj nod his head, kaagad siyang tumalima at lumabas ng opisina nito at pumunta ng pantry area, hindi para magawa kaagad ang hinihingi nitong kape kundi para tumakas sa presensya ng binata na para yatang biglang nagbago nang pumayag siyang maging secretary nito ulit.

Abby heaved a sighed while thinking about it again. Just like that, she's a secretary again. No sorry and such. What an unfair life. Kung hindi lang talaga niya kailangan ng trabahong may malaking pasahod, for sure her pride will always on the top of her head.

Iniling-iling ni Abby ang ulo para maiwaglit sa isipan niya ang mga tumatakbo roon. Saka niya inasikaso ang kape ng may topak niyang boss.

Nang buksan niya ang drawer na lagayan ng mga stock ng kape sa pantry ay napataas ang kilay ni Abby nang makita ang ilang dosenang instant 3 in 1 coffee na naroon.

"Takot lang maubusan?" Bulong niya sa sarili habang kumukuha ng isang sachet doon saka iyon tinimpla.

Pagkatapos niyang matimpla at maihatid kay Sir Nikolaj ang kape ay nagpaalam muna siya rito na kukunin muna niya ang mga gamit niya na naiwan niya sa cubicle niya sa analysis department. Hindi ito umimik sa kanya pero tumango naman ito kaya naman ay hindi na rin siya nagsalita pa ulit at lumabas na lang ng opisina nito.

Bago kunin ni Abby ang mga gamit niya ay dumaan na muna siya sa opisina ni Ma'am Laura para ipaalam dito ang naging desisyon niya katulad ng napag-usapan nila kahapon. And as expected, Ma'am Laura understood why she said yes.

Napangiti at napailing-iling na lang si Abby nang maalala ang sinabi ng ginang sa kanya kung sakali mang tupakin daw ulit ang pamangkin niya at siya na naman ang pagbuntunan.

"“Hindi pwedeng oo ka lang ng oo, dapat marunong ka ring sumagot lalo na kung alam mo sa sarili mong wala ka namang ginawang masama. Huwag kang mag-alalang mawalan ng trabaho, palaging bukas ang department ko para sayo kung sakali mang palayasin ka na naman ng suplado mong boss.”"

Loving A Disgrasyada Onde histórias criam vida. Descubra agora