Chapter 14

21 1 0
                                    

ISANG MALAKAS NA mag-asawang sampal ang ginawad ni Abby kay Darren matapos siya nitong tahasang hinalikan sa mga labi!

Pasimple niyang ipinalibot ang kanyang paningin upang tingnan ang mga taong kasama nila sa cafeteria ng mga oras na iyon at para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang mapagtantong walang nakapansin sa kanila lalo na sa ginawa ng kaharap niyang pangahas.

Matalim ang mga matang muli niyang tinapunan ng tingin si Darren.

"How could you..." nagngingitngit niyang anas. "Maayos kitang hinarap ngayon pero iyan ang gagawin mo?"

"What's wrong with it? I thought were okay."

Hindi makapaniwala si Abby sa narinig. "We are okay? Kailan pa? Ba't parang hindi ako na-inform?" Puno ng sarkasmo niyang turan.

"Abby naman... Can't we just make up? For the sake of our child?"

Payak na natawa si Abby sa narinig. "Anong nahithit mo at sobrang kumapal yata ang pagmumukha mo?" Aniya, bakas pa rin sa boses niya ang sarkasmo. "Alam kong dati pang makapal iyang mukha mo pero hindi ko akalain na may mas ikakapal pa pala yan." Dagdag pa niya.

"Abby naman..." Ulit ni Darren sa nakikiusap na boses pero hindi iyon nakikitaan ni Abby ng senseridad.

"Wala ka na bang ibang magawa sa buhay mo kaya ako naman ang guguluhin mo? Nananahimik na ako, Darren! Hindi pa ba sapat na sinira mo ang imahe ko sa mata ng mga magulang ko! Years are already passed. Ano pa bang gusto mo?!" Nauubusan na ng pasensyang turan ni Abby.

"Ikaw." Mabilis na tugon ni Darren sa kanya. "Look, I knew I did a mistake way back then, and I already apologized. It's in the past, just like you said. Can't we just forget it and move on. Let's make things out, this time."

Napailing-iling si Abby, hindi makapaniwalang narinig niya iyon mula sa lalaki, but what she will expect? "Wala ka pa ring pinagbago, Darren. Once a jerk, always a jerk."

Pagkasabi niya niyon ay walang paalam na tinalikuran niya ito, hindi alintana ang paulit-ulit nitong pagtawag sa pangalan niya. Wala ring patutunguhan kahit tumagal pa ang pag-uusap nilang dalawa.

Alam naman ni Abby na hindi na talaga babalik sa dati ang relasyon nila ni Darren. Matagal na iyong tapos at kailan man ay hindi na magkakaroon ng karugtong. Ang mali lang niya ay umasa pa siya na kahit papaano ay magiging mabuting father figure ito sa anak nilang si Ryle pero mukhang nagkamali siya. Kailangan na niyang tanggapin na kahit kailan ay hindi nito magagawa ang responsibilidad nito bilang isang ama.

Ang inaalala lang talaga niya ngayon ay ang anak niya. Abby pretty knew na darating talaga ang panahon na magtatanong si Ryle sa kanya at hahanapin nito ang ama nito. At kapag dumating ang araw na iyon, wala siyang ibang pagpipilian kundi ang sabihin dito ang totoo.

Alam niyang masasaktan ang anak niya sa katotohanang isang gago ang ama nito, but it's better to tell him the hurtful truth than to feed him with an optimistic lies.

Atleast doon, isang beses lang na masasaktan ang anak niya at darating din ang panahon na matatanggap niya iyon kaysa habangbuhay siyang umasa at maniwala sa isang kasinungalingan, mas masakit iyon. Mas masakit ang umasa sa wala kaysa malaman ang nakakasakit na katotohanan.

Marahas na napabuntong hininga si Abby dahil sa tinatakbo ng isip niya habang hinihintay na makarating sa floor kung nasaan ang cubicle niya naroroon ang elevator na kinalululanan niya.

Hindi rin nagtagal ay bumukas din iyon. Pagdating niya sa cubicle niya ay ganoon na lamang ang pagkunot ng noo niya nang makita si Vina na nakaupo sa upuan niya, halatang hinihintay siya nito.

"Bored ka yata." Bungad ni Abby kay Vina na noon ay nagkakalikot ng cellphone nito. "Wala ka nang trabaho?" Tanong niya rito habang nakasandal sa hamba ng pintuan ng cubicle niya.

Loving A Disgrasyada Onde as histórias ganham vida. Descobre agora