Chapter 1

27 1 0
                                    

MABILIS ang mga daliri ni Abby na tumitipa sa keyboard ng computer niya habang tinatapos ang report na pinapagawa sa kanya ng kanilang head. Bukas na ang deadline niyon kaya dapat niya iyong matapos sa araw na iyon.

Panaka-naka rin siyang sumisimsim ng kape na sinadya pa niya kanina sa pantry ng kompanya nila na nasa first floor dahil naubusan sila ng stock sa third floor kung nasaan ang cubicle ng department nila, para lang manatiling gising ang diwa niya dahil wala siyang maayos na tulog noong nakaraang gabi gawa ng naglaba pa siya ng ilang piraso para may maisuot sila ng anak niya sa mga susunod na araw. Pwede naman sana niya iyong ipa-laundry na lang kaya lang ay nanghihinayang siya sa one hundred pesos na babayaran niya na pwede na ring pandagdag sa grocery. Laman tiyan na rin iyon.

Oo, natitipid talaga siya, lalo na't hindi biro ang mga bills na binabayaran  nila buwan-buwan. Napabuntong hininga na lamang siya kapagkuwan, marahan minasahe ang batok ng marakaramdam ng pangangalay doon. Tiningnan niya ang oras sa computer niya at nang makitang alas tres na ng hapon, kaagad siyang bumalik sa ginagawa niya. Kailangan niya iyong matapos bago mag-alas singco. Susunduin pa niya ang anak niyang si Ryle sa day care center kung saan niya ito iniiwanan tuwing may trabaho siya. Wala naman kasi siyang ibang mapag-iiwanan dito dahil wala naman siyang pamilya or should she say, itinakwil siya ng kanyang sariling mga magulang at iyon ay dahil sa isang kasinungalingan na hindi siya nabigyan ng pagkakataon para itama.

Napabuntong hininga na lamang siya ng maalala ang nangyari sa kanya sa panahon na iyon. Wala siyang mapuntahan noon kaya gamit ang konting pera na nasa bulsa niya, kumuha siya ng kwartong matutuluyan niya habang nag-iisip kung ano ang gagawin niya.

Mabuti na lang at mabait ang land lady na siya ring nagmamay-ari ng paupahang iyon, kahit kulang ang perang pang down at advance niya sa kwarto ay tinanggap pa rin siya nito lalo na nang malaman nito ang sitwasyon niya.

Si ate Amanda, ang may-ari ng paupahang iyon ang tumulong sa kanya sa pag-ahon sa biglang pagkalugmok. Nakatapos siya ng pag-aaral dahil sa tulong nito at nairaos din niya ang panganganak ng hindi siya masyadong nahihirapan dahil dito. Kaya laking pasasalamat talaga rito at alam niyang hindi niya iyon masusuklian basta-basta.

Ate Amanda became my fairy godmother at the very moment when I felt like the world are against me. She's became my helping hand na ang mga magulang ko dapat iyon, or maybe si Darren. Abby shake her head.

"Enough thinking about them," turan niya sa sarili habang mahinang tinatampal-tampal ang magkabilang pisngi. "They're not worth it." dagdag pa niya. "At may kailangan ka pang tapusin."

MATAMIS ang ngiti ni Abby nang matapos niya ang report at makitang nagustuhan iyon ng head nila. Hindi lang iyon, dahil din sa isang magandang balita na sinabi sa kanya ng head nila. Irerekomenda daw siya nito sa boss nila para sa bagong posisyon na magiging bakante next week. Nag-resign daw kasi ang dating nakaupo sa posisyon na iyon dahil uuwi na raw ito ng probinsya for good. Kaya next week ang umpisa ng turn over para sa posisyong iyon.

Napatigil si Abby sa paglalakad palabas ng building nila nang maalalang hindi niya natanong sa head nila kung ano ang bakanteng posisyon na tinutukoy nito. Napabuga na lamang siya ng hangin saka ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa elevator na maghahatid sa kanya sa ground floor.

Saktong pagdating niya sa tapat ng elevator ay ang pagdating din ng katrabaho niyang si Vina, na naging kaibigan na rin niya sa loob ng dalawang taon na pagtatrabaho niya sa kompanyang iyon, ang Saadvedra Group Incorporation.

"Hi, Abby! Pauwi ka na?" Bati nito sa kanya nang makalapit ito sa kanya.

"Yep." kaagad na sagot niya rito. "Mukhang ikaw din ah." dagdag pa niya saka sinulyapan ang sukbit nitong shoulder bag.

"Oo, pauwi na. Buti nga natapos ko rin yung assignment na binigay ni head kahapon bago pa sumabog ang ulo ko sa sobrang pagbi-brain storming." Pagkikwento nito na ikinailing niya.

"Bakit? Mahirap ba ang binigay sayo?"

Saglit itong nag-isip sa naging tanong niya kapagkuwan ay umiling-iling. "Kung tutuusin hindi naman, pero mabuti na yung sigurado na tama ang nagawa ko lalo na't ang bagong boss ang magri-review niyon bago maaprubahan."

"Bagong boss?" Kunot ang noong tanong niya sa kaibigan kasabay naman niyon ang pagbukas ng elevator sa harapin nila.

Sabay silang pumasok ni Vina sa loob at ito na rin ang pumindot ng ground button na pareha nilang lalabasan. Saka pa lamang siya muling hinarap nito. "Hindi mo alam?"

"Ang alin?" ganting tanong niya.

"Na bago na ang boss natin simula next week."

"Bakit? Anong nangyari kay sir Anton?" Puno ng kuryusidad ko pang tanong.

Nagkibit-balikat ito. "I'm not sure kung totoo, pero base sa naririnig ko, magma-migrate daw sa US kasama ang pamilya kaya iyong pamankin na daw nito ang magti-take over and take note, base na rin sa mga naririnig ko, ubod daw iyon ng sungit. Yung tipong, isang pagkakamali lang, 'You're fired!' ang kaagad na sinasabi nito." mahaba nitong pahayag na mas lalo pang nagpakunot ng noo ni Abby.

"Bakit hindi ko iyon alam?" Wala sa sariling naitanong niya.

"Paano mo malalamang, eh hindi ka naman lumalabas ng cubicle mo. Kung hindi ka sisilipin, hindi namin malalaman kung humihinga ka pa ba." asik nito.

"Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng busy lang."

Vina rolled her eyes heavenward. "Whatever you say, Ms. Workaholic." anito kasabay ng pagbukas ng elevator kaya naman ay sabay na rin silang lumabas.

Hindi na lang pinansin ni Abby ang huling tinuran nito at nagpaalam na lang dito dahil dadaan pa siya ng day care center para sunduin ang anak niya bago umuwi na siyang tinanguan lang din ni Vina saka ito tumungo sa exit door.

Siya naman ay tinungo ang daan patungo sa parking lot kung saan nakaparada ang simple niyang sasakyan na vios.

Nang makapasok ay kaagad niyang binuhay ang makina nito saka pinausad iyon patungo sa destinastin niya with the new boss inside her mind.

She wonder how he looks like...


-F. Sylveon

Loving A Disgrasyada Where stories live. Discover now