Chapter 26

16 1 0
                                    

NAGTAKA SI ABBY kung bakit wala siyang naabutang tao sa harap ng apartment nila nang binuksan niya ang pinto pagkatapos siyang tawagan ni Ryle at ipaalam sa kanyang may naghahanap sa kanya.

Nang suyurin niya ang kabuuan nang hallway para tingnan kung may tao bang naroroon dahil baka ay nainip ito sa kahihintay sa kanya kaya naglakad-lakad muna ito ngunit hindi tao ang nakita niya kundi bagay. Natuon ang mga mata ni Abby sa isang kumpol ng bulaklak na nasa sahig at napakunot ang noo dahil nasa tapat lang iyon ng apartment nila.

Dahil sa kuryusidad ay nilapitan at pinulot niya ito kapagkuwan ay pinasadahan ng tingin ang bawat sulok nito, nagbabakasakaling may notes o card na nakaipit doon pero wala rin siyang nakita.

Napabuntong hininga na lamang siya at muling sinuyod ang kabuuan ng hallway ngunit katulad kanina ay wala pa rin siyang nakikita sa paligid. Kaya naman ay napagpasyahan na lamang niyang pumasok sa loob ng apartment dala ang mga bulaklak.

"Nasaan po si Kuya, Mama?" Salubong sa kanya ng anak pagkapasok niya sa loob.

"Wala na sa labas, anak. Baka umalis na." Sagot niya rito sabay lapag sa lamesita na nasa salas nila ang mga bulaklak.

"Eh, bakit po nasa iyo iyan?"

Napalingon si Abby sa tanong ng anak na noon ay nakaturo sa mga bulaklak.

"Dala-dala po yan nung Kuya kanina, Mama." Dagdag pa nito.

"Nakita ko lang yan sa labas, anak. Wala rin kasing nakalagay na pangalan kung para kanino kaya pinasok ko na lang, sayang naman kasi kung itatapon, mukha pa namang sariwa at mamahalin." Sagot niya rito saka biglang napaisip.

Babalik na sana si Abby sa kusina nang maalala niya ang pagtawag ng security guard sa baba kanina, informing her about someone who tried to visit her. And that someone is actually her boss!

Napatigil siya nang may mapagtanto saka muling napatingin sa mga bulaklak. "Hindi kaya galing ito kay Sir Nikolaj? Pero kung oo, nasaan ito ngayon at ba't biglang nawala?" Tanong niya sa sarili at upang masagot ang mga iyon, napagpasyahan niyang tawagan si Manong Harold, ang isa sa mga security guard sa baba ng building nila na siyang kasalukuyang nakaduty sa mga sandaling iyon.

"Hello Manong Harold..." Bati ni Abby sa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya.

"Ma'am Abby, napatawag ho kayo?"

"May itatanong lang sana ako, Manong..."

"Tungkol po ba ito sa bisita niyo?"

"Ganoon na nga po, Manong..." Alanganing sagot ni Abby sa tanong nito. "Gusto ko lang sana itanong kung naglag-out na po ba siya?"

"Ay opo, nagulat nga ako, Ma'am eh... Kakaakyat niya lang tapos lumabas agad, nakalimutan ngang kunin ang ID eh dahil nagmamadali. May nangyari po ba, Ma'am?"

Umiling-iling si Abby kahit na hindi naman iyon makikita ng kausap niya. "Wala naman po, Manong. Hindi nga kami nagkita eh. Baka nagkaroon ng emergency sa kanina kaya hindi na tumuloy rito." Sabi na lamang niya rito.

"Siguro nga ho."

"Sige po, Manong. Salamat po."

"Walang anuman ho, Ma'am. Ingat ho kayo."

Ibababa na sana  ni Abby ang linya nang bigla siyang pigilan ni Manong Harold. "Teka lang ho Ma'am. Paano po pala yung ID na naiwan? Mukhang importante pa naman ito."

"Hayaan niyo na lang po, Manong. Babalikan din yan kung talagang kailangan niya pero kung hindi naman, ako na lang po ang magbabalik sa kanya pero next week pa kasi wala naman kaming pasok this week, hindi ko rin iyan maibibigay sa boss ko." Turan niya rito.

"So, dito na muna ito?" Paniniguro nitong tanong.

"Opo, Manong. Diyan na muna, baka balikan din niya within this day o sa susunod na mga araw pero kung hindi, saka ko na lang po kukunin kapag papasok na ako."

"Sige, sige. Itatabi ko na lang muna ito."

"Sige po. Salamat ulit."

Pagkababa ni Abby ng tawag ay binalingan niya ang anak niya na noon ay nanonood ng cartoon movie sa tv. "Pause mo muna yang pinapanood mo, anak at kakain na tayo."

Mabilis naman itong tumalima na lihim na ipinagpasalamat ni Abby. Habang kumakain ay panay kwento ni Ryle ng mga ginagawa nila sa school at kung paano nito sagutan ang mga tanong ng teacher nito.

Napapangiti na lamang si Abby habang pinapakinggan ang mga kwento ng anak at kung paano nito ipagmalaki sa kanya ang mga stars na nakukuha nito.

"Siguro kung nandito rin si Papa, magiging proud din kaya siya akin katulad ninyo?"

Nabitin sa ire ang gagawin sanang pagsubo ng Abby sa tanong ng anak. Hindi niya maiwasang hindi masaktan para sa anak pero anong magagawa niya? Napabuntong-hininga na lamang siya.

"Ryle, anak... Di ba napag-usapan na natin ito? Sinabi ko sayo ang dahilan kung bakit wala kang Papa, di ba? At sabi mo okay lang iyon, sabi mo, hindi mo siya kailangan, na ayaw mo sa kanya dahil iniwan ka niya--iniwan niya tayo." Dahan-dahan at banayad niyang turan sa anak. "Nagbago na ba ang isip mo? Gusto mo na bang makita ang Papa mo?"

"Hindi po, Mama." Umiling-iling ito. "Ayoko po siyang makita. Bad po siya."

"Pero ba't bigla mo siyang nabanggit kung ayaw mo?"

"Hindi ko lang po maiwasang ma-curious, Mama. Yung mga kaklase ko, laging sinusundo ng Papa nila. Mahal sila ng Papa nila. Pero ako..." Nakayukong sagot nito.

Napakagat ng labi si Abby sa nakikita. Ito na nga ang sinasabi niya noon sa sarili. Darating ang panahon na mapapaisip ang anak niya tungkol sa ama nito. At ngayong dumating na nga, hindi alam ni Abby ang sasabihin sa anak na hindi lalong sasama ang loob nito. Ayaw niyang gumawa ng kwento rito tungkol sa sarili nitong ama. Ayaw man niyang kamuhian nito si Daryl dahil sa pagsasabi niya totoong nangyari sa kanila ay wala siyang ibang pagpipilian. Mas ayaw niyang bigyan ng maling pag-asa at akala ang anak niya kapag nagsinungaling siya rito at gumawa ng kwento.

"Nandito naman si Mama, di ba? Mahal na mahal ka ni Mama. Akala ko ba, si Mama lang sapat na? Sabi mo yan dati di ba?" Pabirong alo niya sa anak na mukha namang tumalab dahil bumalik na ulit sa pagiging maaliwalas ang mukha nito.

"Oo naman po, Mama. Ikaw lang sapat na." Sang-ayon nito sabay bungisngis.

"Oh siya... Sige na. Bilisan mo na sa pagkain. Pupunta pa tayo ng park, di ba?"

"Opo, Mama! Yehey!" Nakangiting tumango ito bago muling sumubo ng pagkain na nasa plato nito.

Napatitig si Abby sa anak na noon ay magana na ulit na kumakain kapagkuwan ay lihim na napahugot ng malalim na hininga habang naglalaro sa isipan ang mga posibleng mangyari kapag magkataong gustuhin na ni Ryle na makita at makilala ang ama nito, na alam niyang hindi imposibleng mangyari.

Anong gagawin niya kapag nangyari iyon?

Loving A Disgrasyada Where stories live. Discover now